Psycho 29

239 14 14
                                    

AERA HAN

“Aera...”

Tatlong araw na ang lumipas noong magkita kami ni Matthew. Hanggang ngayon ay binabangungot pa din ako ng mga sinabi niya. Simula nung sinabi niyang minahal niya din pala ako hanggang sa katotohanan sa pagkamatay ni Hannah. Ang akala ko simula noon ay ako lang ang mayroong feelings para sa kaniya, siya din pala sa akin at hindi maganda ang kinahantungan non.

Hindi yun mawala-wala sa isip ko. Minsan ay napapanaginipan ko si Heeseung, Si Hannah at meron pang mga pangyayaring pumapasok sa isip ko.

Malalim akong bumuntong hininga.

“Teh,”

Nang umiyak ako sa sasakyan noon kulang nalang ipatawag ni Heeseung ang lahat ng doctor sa ospital. Kahit hindi niya inamin noon alam kong nag-alala siya.

Hindi ko alam kung bakit bumuhos ang emosyon ko noon. Siguro ay nasasaktan lang talaga ako sa reyalisasyon na napagtanto ko. Naaawa ako kay Heeseung, naiinis sa sarili ko at nagagalit kay Matthew.

Hindi ko talaga maiwasang hindi masisi ang sarili ko. Iniisip ko na kahit wala akong kasalanan ay damay ako.

Napapitlag ako nang may humawak bigla sa kamay ko. Napalingon ako kay Paula.

“Girl, ano ba? Ere na ang pinupunasan mo oh.” Aniya. Napayuko naman ako at tinignan ang kamay na may hawak naa basahan. Oo nga, nakalampas na ako sa lamesang pinupunasan ko.

Hinila ko ang isa sa mga upuan doon at umupo saka bumuntong-hininga.

“Ano ba kasing iniisip mo at nalulutang ka?”

Umiling ako. “Wala, pasensya ka na.”

Bumuga siya ng hangin. “Malamang na-trauma ka sa nangyari sayo sa France, no? Huwag mo ng isipin yon, ano ka ba.” Sabi niya saka hinagod ang likod ko.

Maliit nalang akong ngumiti sa kaniya at hindi na nagsalita. Alam kong naga-alala siya sa akin pero hindi ko naman masabi sa kaniya kung ano talaga ang iniisip ko. Masiyado yung personal.

“Magpahinga ka kaya muna? Parang wala kang tulog eh. Ako ng gagawa sa mga gawain mo.”

Mahina akong natawa. “Kaya mong linisin ang buong garden at yard para sa akin?” Pang-aasar ko pero pabiro lang naman.

Nag-iwas siya ng tingin saka umirap. “Pag-iisipan ko muna pala.” Napailing-iling nalang ako saka muling tumayo.

Wala pa din namang nagbago nang makauwi ako. Ganon pa din ang relasyon namin ni Heeseung sa isa't-isa isa, siya ang boss ko at isa lang ako dito na nagtatrabaho. Walang nagbago sa mga gawain ko.

Aaminin ko na medyo umasa akong may magbabago dahil akala ko ay kahit papaano ay medyo naging close na kami ni Heeseung sa isa't-isa dahil nakakapag-usap na kami ng maayos. Pero nitong nakauwi na ako ay kahit magkasalubong na kami ay titignan niya lang ako at hindi papansinin. Minsan ko nalang din siya makita dito sa palasyo dahil gabing-gabi na siya laging umuuwi. Nakikita ko lang siya tuwing tanghali kapag naghahatid ako ng pagkain sa opisina niya.

Bukod doon wala na. Kapag mag tanong ako sinasagot niya naman ako pero hanggang doon kang yon.

Ano na, Aera? Akala ko ba ay gusto mo siyang matulungan?

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon