AERA HAN
"Lady Han, dito po tayo." Paglapit sakin ni Jovilyn. Bahagya siyang nakayuko at hindi ako matignan sa mata.
Hinawakan ko siya sa balikat. Mukhang nabigla siya kaya napatingin siya sakin. Maliit ko siyang nginitian. "Huwag mo na akong tawaging Lady Han, medyo nahihiya kasi ako kapag tinatawag niyo akong ganon. Aera nalang, Jovilyn."
Muli siyang nag-iwas ng tingin. "Pero--"
"Si Mr. Lee na din ang nagsabi na hindi niyo na ako kailangang galangin. Isa na din naman ako sa inyo." Nakita ko ang bahagyang pagnguso niya. Wala na siyang nagawa kundi tumango. "Saan tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Sa maid's headquarters. Ibibigay ko sayo ang uniform mo."
Tumango naman ako. "Sige."
Nang maibigay niya na sa akin ang uniform na gagamitin ko, dinala niya na din ako sa magiging kwarto ko kung saan nandoon na din ang mga gamit ko. Nang dahil sa pera na binigay sa akin ni Heeseung ay nakapamili naman ako kahit papaano noong sa apartment pa ako nakatira. Malamang ay si Frederick ang nagdala nito dito.
Hindi na din ako nagsayang ng oras at nagsimula na sa trabaho ko. Sinabi ni Heeseung na ngayon daw ako magsisimula kaya kahit hindi pa ganon ka-nakakabawi ang katawan ko ay wala akong nagawa. Baka magalit lang siya sakin paguwi niya at hindi ko pa nagagawa ang mga trabaho ko.
Nagpaturo ako kay Mang Estor, na siyang namumuno sa pagaayos ng garden na ngayon ako nalang mag-isa ang gagawa. Hindi naman ganon kahirap ang mga gagawin, sadyang nakakapagod lang talaga dahil napakalaki nito malamang ay aabutin ako ng mga apat na oras. Pagkatapos non may malaki a akong yarad na puputulan ng damo sa initan.
Hinahabol ko ang hininga nang matapos sa pagwawalis palang ng mga tuyong dahon sa garden. Madali talaga akong mapagod, mabuti nalang at medyo sanay ako sa ganitong gawain.
"Ayos ka lang, hija?" Si Mang Estor na nasa likod ko. Inabutan niya ako ng tubig. Ngumiti naman ako at nagpasalamat.
"Ayos lang po. Noong nasa orphanage ako, ako ang naglilinis ng kabuoan kaya wala lang to." Pagsisinungaling ko. Sino bang niloko ko, hardin palang mas malaki na sa buong orphanage.
"Nag-aalala lang ako sa lagay mo. Mukhang may sugat ka kasi sa ulo at medyo namumutla ka pa. Ang payat-payat mo, kumakain ka pa ba?"
Otomatikong napasimangot ako. "Eto si Mang Estor mag-aalala nalang may halo ang asar." Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "Ayos lang ako, kuya, ano ka ba. Hindi naman na masakit ang sugat ko. Namumutla lang siguro ako dahil kulang ako sa tulog at hindi pa ako nag-aalmusal."
"Aba eh, bakit hindi naman?"
"Hindi ako binigyan ni Mr. Lee ng pagkakataon hehe." Napakamot ako ng batok.
Napabuntong-hininga siya. "Pasensya ka na, Aera, hindi kasi ako pwedeng humingi ng pagkain sa kusina hangga't hindi pa oras ng pagkain. Siguradong magagalit si Mr. Lee."
"Hala, wag niyo po akong alalahanin. Sanay akong magutuman."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Halata nga."
"Mang Estor naman."
"Biro lang hahaha." Aniya. "Tsaka nga pala, hija. Ano bang nagawa mong kasalanan kay Mr. Lee at parang galit na galit siya sayo?"
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜