AERA HAN
"We're here." Aniya kasabay ng pagka-alis ng piring sa mga mata ko.
Dinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit sa liwanag na sumalubong sakin, naging blurred ang paligid sa tagal na nakapiring. Ilang beses muna akong kumurap bago maging malinaw ang lahat.
Kulay berdeng paligid. Napaka-asul na langit at napaka-gandang tanawin. Kusang umawang ang labi ko nang makita ang ulap at nakalitaw pa doon ang tuktok ng isang bundok.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nang tignan ko kung sino yun, nakita ko si Matthew na nakangiting nakatingin sakin.
"Nasaan tayo?"
"Tch, bakit yan agad ang sinabi mo? Dapat ang sasabihin mo ay sobrang ganda ng paligid." Aniya na may pangnguso pa.
"M-Maganda. Pero nasaan nga tayo?"
"We're at Mt. Ulap. Didn't you say before that you want to go here? And I promised to bring you here as soon as I can make money. So, here we are. Sorry, it took too long." Malawak ang ngiti niya habang sinasabi ang mga yon.
Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang namumula kong mukha.
Nakakainis. Hanggang ngayon isang ngiti niya lang sakin naghuhurimintado na agad ang puso ko. Matagal na panahon na kaming hindi nagkikita, ngayon nalang ulit. Halos pitong taon na at lahat na ay nagbago pwera sa nararamdaman ko sa kaniya.
Ibang-iba na siya, mas mataas na siya sakin. May matatawag na siyang pamilya, nakapag-aral na siya at nakapagtapos na din at ngayon may trabaho na. Marami na siyang alam tungkol sa buhay. Nagamit na niya din sa tama ang talino niya at marunong na din mag-ingles.
Habang ako, ganon pa din kung ano ako noon. Sa totoo nga lang ay nahihiya akong tumabi sa kaniya ngayon pero gusto ko ang pakiramdam na hawak ko na ulit ang kamay niya.
"Hindi mo naman na kailangan pang dalhin ako dito. Hindi ka ba busy? Wala ka bang trabaho?"
"Aish, imbis na mag-pasalamat ka ang dami mo pang tanong." Nakasimangot ang mukhang aniya.
Napanguso ako saka binalik nalang ang tingin sa harap. Totoo ang sinabi niyang matagal ko ng gustong pumunta dito, bago siya umalis naaalala kong pinag-usapan pa namin ang tungkol dito at nangako nga siyang dadalhin niya ako. Noon hanggang picture ko lang to nakikita pero ngayon ay nakikita ko na ng personal.
"Salamat sa pagdadala sakin dito."
"Nangako ako sayo kaya malamang tutuparin ko yun." Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi niya. "You are the only real friend I have so I want to make you happy in any possible way."
Agad akong nag-iwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun. Pitong taon na pero hindi ko pa din matanggap na hanggang kaibigan lang ako sa kaniya.
"Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin to, ang laking abala nito para sayo panigurado. Alam mo namang mababaw lang ang kaligayahan ko." Kunwari pa ay natatawang sabi ko.
"Oww, Aera Han, ikaw pa rin ba yan? Bakit parang nag-iba ka yata, masiyado ka ng mabait ngayon." Pang-aasar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Hayran Kurgu𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜