"One word frees us of all the weight and pain in life. That word is love."
Celeste POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may humawak sa ulo ko at banayad na hinahaplos ang buhok ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Medyo malabo pa ang aking paningin at blangko pa ang aking isipan. Sumasakit ang aking batok sa hindi maayos na pwesto ko.
Muli kong naramdaman ang banayad na paghaplos nito sa aking buhok. Mabilis akong napaupo ng maayos ng maalala kung nasaan ako.
"G-gising ka na?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko ng magtama ang aming mga mata.
Napangiti siya ng tipid. Kahit na halatang nasasaktan pa siya dahil sa sugat at namumutla pa ang kanyang mukha ay nakuha pa niyang ngumiti ng tipid.
Tumango siya. "Bakit diyan ka natulog?" Tanong ni Vanessa sa akin.
Nasipat ko ang sariling ayos. Nakaupo ako sa monoblock chair malapit sa kanyang hospital bed. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagbabantay sa kanya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko imbes na sagutin ang sa kanya. "Bakit naupo ka na agad sa kama? Baka bumuka ang sugat mo." Nag-aalalang saway ko.
Natawa siya ng marahan sa naging reaksyon ko, ngunit agad din siyang napangiwi ng marahil ay kumirot ang sugat niya sa tagiliran. Napahawak siya doon. Mabilis naman akong napatayo para sana daluhan siya pero sumenyas siya gamit ang kamay.
"Ayos lang ako." Pagpapanatag niya sa akin. "Huwag kang masyadong ma-excite, buhay pa ako!" Biro niya.
Hindi ako agad nakakibo sa sinabi niya. Walang kibong bumalik ako sa kinauupuan. "Hindi magandang biro 'yan." Seryosong sabi ko.
Napaangat ang gilid ng kanyang labi sabay napasandal sa headboard ng kinahihigaan niya. "I thought you hate me."
Napabuntong-hininga ako. "Dati." Sagot ko na ikinakunot noo niya. Napayuko ako at pinagmasdan ang mga kamay sa aking mga hita. "Noong hindi ko pa alam na kapatid kita."
Sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng pribadong kuwartong kinaroroonan namin. Kapagkuwa'y narinig ko ang mabagal niyang pagbuntong-hininga.
"What happened to you?" Tanong niya na ikinaangat ng aking tingin. "For all those years na hindi tayo magkasama, gusto kong malaman kung anong nangyari sayo." Bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon sa mukha.
Tinitigan ko siya sa mata. "Bawal pa sayo ang ma-stress."
She chuckles. "Don't worry, the hardest part is over."
Bumalik ang lungkot na nararamdaman ko ng maalala ang nangyari noong isang gabi. Muntik na siyang mawala ulit sa akin... sila ni Theo. Napalunok ako ng maalala ko ang huli.
"Simula ng umalis ka ng bahay ampunan, wala na akong ibang naging kakampi." Panimula ko. "Palagi nila akong binu-bully dahil wala daw nagmamahal sa akin. Dahil iniwan mo ako."
"I'm sorry." Puno ng simpatyang bigkas niya.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Well," I breathe out. "Leandro found me." Pagpapatuloy ko. "Sa kanila pala noon nagtatrabaho si kuya." Napatango siya. "Agad kaming nagkasundo ni Andre - ang nag-iisang anak ni Don Leandro." Para akong bumabalik sa nakaraan. "Naging mabait siya sa akin. Trinato nila akong parang prinsesa. Pero hindi ko alam noong una na..." Bahagyang nanginig ang aking tinig.
Naramdaman ko ang palad niya sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya. May malungkot at tipid na ngiti sa kanyang mga labi.
"We had the same fate." Sabi niya. "Ang kaibhan nga lang, may sumagip sayo bago ka pa man mapahamak." Maingat at dahan-dahan siyang naupo ng maayos. "Ako, muntik ng mahuli ang lahat bago ako nasagip ni Theo."
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...