"I've been stabbed in the back by those I needed most. I've been lied to by those I love. And I have felt alone when I couldn't afford to be. But at the end of the day, I had learned to be my own best friend. Because there's going to be days where no one is going to be there for me but myself."
Theo POV
"Maayos na ang lahat." Bungad na balita ni Vanessa sa akin ng dumating ako sa warehouse.
Nadatnan ko ang mga tauhan na abala na sa paglalagay ng mga kargamento sa mga malalaking boxes.
Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.
Tinapunan lang niya ako ng tingin ngunit mabilis ding nagbaling ng mapansin ang ekspresyon sa aking mukha.
"Why the long face?" Nakahalukipkip niyang tanong habang matamang nakatitig sa akin.
I sigh. "I don't understand Celeste anymore."
Napakunot-noo siya. "What do you mean?" Interesadong tanong niya.
"It's about our relationship." Matamlay na tugon ko. "Hindi naman kami ganito dati. We were happy and..." I paused dramatically. "... in love."
Hindi siya agad nakakibo. She chuckles afterward. "What are you trying to say? That you're fallen out of love?"
Nagkibit-balikat ako.
"Wala ka na bang nararamdaman para kay Celeste?" She asked.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. "Mayro'n."
"'Yon naman pala e!" Bulalas niya. "Siguro kailangan lang ninyo bigyan ng time ang isa't isa." Suhestiyon niya. "Rekindle the romance. Take a vacation with Celeste." Napatingin ako sa kanya. "Don't worry about the business. It's in good hands." Sabay nakangising napakindat sa akin.
Napaangat ang gilid ng labi ko tsaka napailing-iling. "Kailan ka pa naging love guru? Besides, what do you know about love? Have you ever been in love?" Ibinuka niya ang bibig ngunit mabilis akong muling nagsalita. "Hey, don't tell me you're already in love. I'll be jealous."
Natawa siya ng marahan. "Well, I'm not in love." Sagot niya ngunit may kakaiba namang glow sa mga mata niya. "Besides, I don't want to steal your moment. This is your story, bitch." May halong birong panunuyang dugtong niya.
Pilit akong ngumisi sa kanya tsaka napasimangot. Ilang sandali ring namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kapagkuwa'y napabuntong-hininga ako.
"Maybe you're right." Saad ko. "Rekindling the romance might help." Pagpapatuloy ko. "And to answer your question earlier, I still do love her. Maybe we just need some time alone together."
"And a baby." Dagdag niya. Makahulugan ko siyang tinignan. "What?" Patay malisyang bigkas niya. "Malay mo naman, di ba?"
Napapailing-iling na lang ako dito.
Pagkatapos maiayos ang mga kargamento ay kinuha na ito ng malaking container van na dadalhin sa pier para mailagay sa cargo ship. Ibabiyahe ito bukas ng umaga.
Magtatanghalian na ng muli kaming pumasok ni Vanessa sa casa. Sabay kaming dumulog ni Van sa harap ng hapagkainan.
"Si Celeste?" Tanong ko sa mga kasambahay na abala sa paghahanda ng pagkain sa aming harapan. "Tawagin niyo na at kakain na ng pananghalian." Utos ko bago kumuha ng pagkain.
"Sige ho." Tugon ng isa sa mga ito at agad na lumabas ng dining room.
Nagsimula na kaming kumain. Ilang minuto ang lumipas ng bumalik ang kasambahay na tumawag kay Celeste.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...