Chapter 7 Kill the Deer

6.9K 385 111
                                    

"The body is always honest, you can't hide from what you feel."


Celeste/Hannah POV


Ang tahimik ng paligid. Ang maririnig lang yata ay ang manaka-nakang pagsinghot ko. Napatingin ako sa babaeng nakatayo ngayon sa balkonahe. Kitang-kita ko ang bawat paggalaw niya mula sa kinauupuan ko, dito sa gilid ng kamang ginagamit niya, maging ang parang distress na paghithit niya sa hawak na sigarilyo. Pagkatapos ay napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa harap ng pabilog na mesa. Unang tingin pa lang sa mga ito ay masasabi ng iprenipera para sa mga VIP guests dito sa first class hotel. Hindi man ito nagalaw, maging ang kapeng natimpla ay di pa nauubos at tiyak na lumamig na.

Napapikit ako at tahimik na napahikbi. Malayang naglandas ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. She's right. There's no use in hiding from her. Isa akong tanga sa pagtatangkang magtago sa kanya habang-buhay. Besides, I'm not good in hiding.

I can't risk everything or anyone. Hindi ko alam kung anong magagawa niya sa mga taong tumutulong sa akin para makapagtago mula sa kanya. To think na wala naman talagang kinalaman si Clyde dito o maging ang pamangkin niyang si Rachel.

Pinutol ng tunog ng cellphone ko ang pagdadrama ko. Awtomatiko akong nagmulat ng mata at mabilis na pinunasan ang luha sa aking mga mata bago inilabas mula sa sling bag na nakasukbit sa balikat ko ang tumutunog na telepono. It's Clyde.

Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba 'to o hindi. Muli akong napatingin sa direksyon ni Theo. Seryoso ang mukhang nakatingin rin pala ito sa akin. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya ng walang paalam. Hindi ko rin siya masisisi kung magalit man siya sa akin. Walang taong gustong maiwan ng walang ibinibigay na dahilan. Kahit ano pa 'yan.

Pero anong sasabihin ko kay Theo? If only I could tell her everything...

Tumigil na sa pagtunog ang hawak kong cellphone. Ngunit ilang segundo lang ay muli na naman itong tumunog.

"Ba't di mo sagutin?" Malamig na tanong ni Theo na di ko namalayang nakalapit na pala sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. Blangko ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Napatingin ako cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog. Kilala ko si Clyde, di 'yon titigil hangga't hindi ko sinasagot ang tawag niya. Kaya naman inangat ko na ito.

"H-hello?" Nakatingin ako sa mukha ni Theo habang nakatayo ito sa harapan ko. Wala yata siyang balak maupo.

"Thank God!" Parang nakahinga ng maluwag na bulalas niya. "Nasaan ka?" Kababakasan ng matinding pag-aalala ang kanyang tinig.

"M-may inasikaso lang." Pagsisinungaling ko.

"Alalang-alala ako sayo. Pati si Rachel." Sabi niya. "Wala ka dito sa shop. Ang sabi ni Rachel ng tinawagan niya ang isa sa mga boarders sa apartment wala ka din daw doon."

"Huwag ka ng mag-alala pa." Tugon ko.

Halos magsalubong na ang kilay ni Theo habang nakikinig sa mga sinasabi ko sa kausap ko sa telepono. May pagdadabog sa mga kilos na nagtungo siya harapan ng mesa at naupo sa isa sa mga silya doon.

"Okay lang ako." Dugtong ko.

Bahagya akong napaigtad sa kinauupuan ng padabog na ibinaba ni Theo ang tasa sa ibabaw ng mesa dahilan para makagawa ito ng may kalakasang ingay.

"I have to go." Nauutal na paalam ko kay Clyde.

"Ha?" Naguguluhang sambit niya. "Sigurado ka bang okay ka lang? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita -"

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon