"Sweet as sugar, cold as ice. Hurt me once, I'll break you twice."
Celeste POV
"Hmm." Nakapikit habang sinasamyo ang sariwang hanging mabining humahaplos sa balat ko.
Nagmulat ako ng aking mga mata at unti-unting napangiti habang nakatanaw sa magandang tanawin. Mula dito sa balkonahe ng kuwartong inuukopa ko ay kitang-kita ang malawak na dagat at ang berdeng magubat na parte ng isla.
Haist, pagkatapos ng mahigit isang taon, ano pa man ang mga dahilan, masasabi ko pa ring 'It's good to be home'.
May kataasan na ang sikat ng araw ng bumangon ako sa kama. Hindi na siguro nakakapagtakang kahit na matagal akong nawala dito sa casa, hindi ako namahay.
Nagpasya na akong lumabas ng kuwarto. Masigla akong binati ng isang kasambahay na dumaan sa tapat ko ng mabuksan ko ang pinto. Noong una, nagulat sila sa pagdating ko. Kasi naman daw 'inilibing' ako tatlong araw pagkatapos ko noong tumakas. Pero alam naman nilang walang na-retrieve na katawan.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng matigilan sa tapat ng master's bedroom, katabi lang ito ng kuwartong ginagamit ko. Dahan-dahan akong lumapit tsaka maingat na ididikit na sana ang tainga sa pinto ng may dumaan na namang kasambahay. Mabilis akong napalayo sa pinto. Abala kasi sila sa paglilinis ng casa.
Muli akong napatingin sa kuwartong ginagamit ni Theo... na dating kuwarto ko din. Oo, pagdating ko noong isang araw dito sa isla, sa ibang kuwarto ako pinatuloy ni Theo. Marahil ay dahil galit pa siya sa akin. Simula ng bumalik kami ng isla, iilang beses ko na lang siyang nakikita. Madalas ay mag-isa akong kumakain.
Kaysa mag-senti ako, bumaba na lang ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Mas madalas na sa center island ako kumakain kaysa sa harapan ng mahabang dining table. Nakakalungkot kasi tsaka nakakawala ng ganang kumain ng mag-isa doon.
"Kakain na po ba kayo, ma'am?" Masiglang tanong ni Aling Metring, ang cook dito sa casa.
Napangiti ako sa kanya. "Please po." Ganting tugon ko tsaka naupo na sa harap ng counter.
Isang kasambahay ang naglapag ng kape sa tabi ko habang inaayos naman ng isa pa ang aking almusal. Maya-maya pa ay inilapag na nito ang pagkain sa harap ko. May plain rice at sinangag. May sunny-side up at scrambled eggs, hotdogs, bacon, beef tapa at iba pa. May sliced fruits din na inihain. Ako lang ang kakain pero kung makapaghain sila akala mo naman sampung tao ang uubos.
"Si... Theo po?" Tanong ko kay Aling Metring. "Kumain na ho ba?"
Abala siya sa paghahanda ng mga isasahog para sa pananghalian. See? Kumakain pa nga lang ako ng agahan, naghahanda na naman sila para mamaya. Haist, paanong hindi ka tataba dito?
"Oo." Sagot niya habang naghihiwa ng sibuyas. "Sabay silang nag-agahan ni ma'am Vanessa."
Mabagal lang akong napatango-tango kahit na sa totoo lang ay nakaramdam ako ng selos. Buti pa ang malantod na 'yon nakakasama niyang kumain.
"E... mamayang tanghali po kaya?" Patuloy kong usisa. "Dito kaya siya kakain?"
Nagkibit balikat ito. "Wala naman hong sinasabi. Maaga yatang umalis."
"Kasama si Vanessa?" Pasimpleng pagtatanong ko.
Natigilan siya sa paghihiwa at nag-angat ng tingin sa akin. "Nasa likod-bahay si ma'am Vanessa, nagsa-sunbathing."
Muntik ng tumaas ang kilay ko pero nagpigil lang ako.
"Hindi ho ba a-singko ngayon ng Oktubre?" Sambit niya na ikinakunot-noo ko. "Wedding anniversary ho ninyo." Inosenteng paalala niya.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...