"Love is like a loaded gun... it shoots to kill."
Theo POV
Ang lahat ay tahimik, walang sino mang may lakas ng loob para magsalita, na para bang ang lahat ay natatakot na sa oras na may mag-ingay ay mababaril. Ngunit hindi natatakot ang batang babae na magluksa, umiyak... ngumawa. Maging hanggang ng matapos ang libing ay hindi pa rin ito natapos sa pag-iyak.
"Tahan na, Theo." Alo ni yaya Minerva sa akin habang panay pa rin ang iyak ko ng nasa loob na ako ng sariling kuwarto.
"Why does she has to die?" Inosenteng tanong ko sa pagitan ng paghikbi.
Malungkot at nakakaunawang hinaplos niya ang pisngi ko at masuyong pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay. "Alam kong bata ka pa para maintindihan ang lahat ng bagay dito sa mundo. Pero anak," Ang nakasanayan na niyang tawag sa akin dahil siya ang nag-alaga sa akin simula pa no'ng ipinanganak ako. "... lahat ng bagay dito sa mundo ay may hangganan. Walang permanente. Lahat nagbabago, lahat mawawala."
Puno ng katanungang nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ibig sabihin, mawawala ka din yaya?" Tanong ko. "Even daddy?"
Ngumiti siya ng tipid. "Oo." Sabay tumangong sagot niya.
Sa isinagot niyang iyon ay mas lalo akong ngumawa at umiyak ng umiyak. "No!"
"Theo -" Panay ang alo niya sa akin. "Tahan na -"
Natigilan si yaya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matikas at guwapong lalake na nasa edad trenta pataas.
"Senyor." Bati ni yaya dito.
Seryoso ang mukha niyang nakamasid sa akin. "Leave us alone." Ani niya kay yaya.
"Sige po." Kahit ayaw sana akong iwan ni yaya Minerva ay kinailangan niyang sumunod sa utos ng lalaking tinawag niyang senyor.
Naiwan kaming dalawa sa loob ng aking kuwarto. Hikbi at iyak ko lang ang tanging maririnig. Napabuntong-hininga siya at mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kama at naupo sa tabi ko.
"Stop it, Theo." Bagamat kababanaagan ng pagkairita ang kanyang tinig, hindi pa rin nito naitago ang pakikisimpatya dito.
"Mommy!" Ngawa ko.
"Stop it!" May kalakasang saway niya. "Hindi na babalik ang mommy mo kahit umiyak ka pa ng umiyak."
What does he expect from a six-year-old girl?
Tumigil ako sa pagngawa at humihikbing napatingin sa kanya.
"Your mom died because our enemies killed her." Saad niya.
Naguguluhang napatitig ako sa kanya. "Enemies?"
I didn't know we have enemies. Para kasing lahat ng tao gusto ang pamilya namin. Magiliw sila sa tuwing nagpupunta sila dito sa bahay. Hindi ko alam na may mga kaaway kami. Besides, hindi naman ako masyadong lumalabas. Home-schooled ako. May mga ilang bata lang akong nakakalaro pero minsan umaalis din sila. Lumilipat ng ibang bahay. I don't have friends or playmates. Mga older men ang nakikita kong nagpupunta dito sa bahay. Mukha ding mayayaman.
"Yes." Sabay napatango-tangong tugon niya. "See? Not everyone loves or likes us. Some of them despise our family."
"Why?" I asked.
"Simply because they want to have what we have." He replied. "Our family business is on top of its game." He explained. "Kaya maraming naiinggit sa atin. Maraming may gustong mawala tayo sa taas." Sabay mosyon gamit ang kamay.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomansaThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...