Chapter 24 Suddenly

5.7K 334 141
                                    

"It's so amazing when someone comes into your life and you expect nothing out of it but suddenly, there, right in front of you is everything you've ever needed." 


Vanessa POV


"So it's a deal then, Mrs. Karlsson." Sabay lahad ng kamay ko dito ng tumayo ako mula sa kinauupuan.

Nandito kami ngayon sa kanilang board room para i-discuss ang proposal ko. Buti na lang at inaprubahan niya ang proposal ko na i-hire ng Dela Gracia Trading Company ang isa sa kanyang cargo ship. 

Tumayo din siya mula sa kinauupuan at tinanggap ang pakikipagkamay ko bilang tanda ng aming kasunduan.

"I'm hoping for a fruitful business deal with you and Miss dela Gracia." Nakangiting sabi niya tsaka binitawan na ang kamay ko.

Mrs. Blaire Arevalo-Karlsson is one exquisitely beautiful woman. At kahit may edad na ito ay hindi nakakabawas sa kanyang sex appeal. Mapagkakamalan ngang older sister lang ito ni Bryle.

Speaking of Bryle. Hindi ko siya nakita kaninang pumunta ako dito. Ang huling pag-uusap na lang namin ay kagabi, ng tumawag siya sa akin para ipaalam na approved 'yong appointment ko sa mommy niya. Brief nga lang iyon. Pati nga tinig niya business like din.

Sabay kami nitong lumabas ng board room pagkatapos. Hindi naman pala siya mahirap kausap. Justifiable naman ang amount na ibinigay niya sa amin.

"Nasabi nga ni Bryle sa akin na sa isla ka daw nakatira." Saad niya habang naglalakad kami sa hallway patungo sa kanyang opisina.

"Yes." Nakangiting tugon ko. "Para ngang na-excite siya ng malamang sa isla ako nakatira."

Natawa siya ng marahan habang napapailing-iling. "Pagpasensyahan mo na ang batang 'yon. Tsaka sorry din kung na-late siya sa business meeting ninyo noong nakaraang gabi."

"It's okay." Sabay mosyon sa aking kamay. "Bumawi naman siya e. Look, approved ang proposal namin sa inyo." Nakangiting sabi ko.

Napatingin siya sa suot na relo. "It's almost lunchtime na pala. Would you like to join us?" Alok niya sa akin.

"Uhm," Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba o tatanggihan. "Sure." Sa huli ay pasya ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa tapat ng kanyang opisina. Napansin kong mayro'n na pala si Bryle. Lalapitan ko sana ito para magpasalamat kaso mukhang busy sa ginagawa. May isa pang babae na nagtuturo sa kanya. Pumasok sandali si Mrs. Karlsson sa loob ng kanyang opisina. Ngunit ilang sandali lang ay lumabas na rin siya.

"Let's go?" Aya niya sa akin at hinayaan ko na siyang nagpatiunang naglakad patungo sa elevator.

"Mrs. Karlsson." Bigkas ko ng matapat kami sa mesang ginagamit ni Bryle.

Tumigil naman si Blaire at napalingon sa akin. Nag-angat din ng tingin si Bryle at nagtama ang aming mga mata.

"Maybe Bryle should join us." Suhestiyon ko. Napatingin siya sa anak. "Somehow I owe the success of this meeting to her." Tsaka ngumiti ng tipid dito.

Hindi agad nakasagot si Blaire. Muli siyang napatingin sa anak. "Sure. Bryleigh?" Tawag niya dito.

May pag-aatubiling tumalima si Bryle. Tahimik siyang sumunod sa amin.

Sa malapit na Filipino-Chinese restaurant kami kumain. Halos kami lang ni Blaire ang nagsasalita the whole time. Manaka-naka naman akong napapasulyap sa bandang kanan ko kung saan nakaupo si Bryle.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon