"We all eat lies when our hearts are hungry..."
Celeste/Hannah POV
"Game over, Celeste." Sabi ni Theo habang puno ng kumpiyansa sa sariling nakatayo sa gitna ng kuwarto.
"N-no..." Sabay mariing napailing-iling na sambit ko. "I'm not Celeste." Hanggang sa huling sandali ay sinusubukan ko pa ring makatakas mula sa anino niya. "My name is Hannah." Napakuyom ang mga kamao ko sa magkabilang gilid para paglabanan ang kaba. "Hannah Grace Aquino."
Hindi siya agad nakakibo habang matamang nakatitig sa akin. Kapagkuwa'y bigla siyang tumawa ng malakas. 'Yong tawang halos mangiyak-ngiyak na siya. Napakunot-noo ako sa naging reaksyon niya.
"You're making me laugh." Natatawa pa ring sabi niya sabay ibinulsa ang dalawang kamay sa harapang bulsa ng suot na trench coat. Ito pa rin ang suot niya kaninang nagpunta sa flower shop.
"Walang nakakatawa sa sinabi ko." Matapang na kontra ko.
Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi ngunit makikita naman ang amusement sa kanyang mga mata. "I'm going to tell you a story."
"I don't want your story." Mabilis na kontra ko. "Please, get out."
"Hmm." Mataman siyang nakatitig sa akin. "It's funny how you changed from 'come inside' to 'get out'." Makahulugan niyang saad.
"I don't know what you mean." Seryosong sabi ko. "Umalis ka na."
Napataas ang kilay niya. "Kadarating ko pa lang ngayon pinapaalis mo na ako?" Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. "My plane just landed this morning. Alam mo ba kung saan ako unang nagpunta?"
"Hindi ako interesadong malaman." Konti na lang masisigawan ko na siya.
"Wait, let me rephrase it." Hindi nito pinansin ang sinabi ko. "Alam mo ba kung sino ang unang pinuntahan ko?"
"Stop!" Hindi ko na napigilang sigawan ito. "Get out!" Binuksan ko ang pinto. "Get out!" Halos manginig ang mga kamay ko sa galit na biglang bumangon sa puso ko. Hindi ko alam kung ano o sino o kung anong dahilan bakit ako nagagalit basta naramdaman ko na lang ito bigla.
Ni hindi man lang siya natinag sa pagsigaw ko. Nananatili lang siyang nakatayo doon habang matamang nakatitig sa akin. Hindi ako nagpatalo sa kanya at matapang na sinalubong ang kanyang mga titig. Ngunit ng naglakad siya papalapit sa akin ay nakaramdama ako ng kaba at takot.
"Don't wait for me to use force, Celeste." Mabigat ang tonong sabi niya ng makalapit sa kinatatayuan ko.
"How many times do I have to tell you I'm not -"
"Enough!" She cuts me off immediately. Anger flickers in her eyes. "Enough of this nonsense. You may have fooled me once but it will never happen again." Napalunok ako sa pagbabanta niya. "Maybe my love for you is unconditional, but my trust and loyalty are not."
Pagkasabi niya nito ay nilagpasan na ako't mabigat at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng kuwarto. Muli akong napalunok tsaka mabagal na isinasara ang pinto. Napasandal ako sa saradong pinto at napapikit. Napasinghap ako dahil pakiramdam ko biglang nawalan ng hangin ang dibdib ko. Napakagat ako sa aking labi at napahikbi. Hanggang sa ang hikbi ay naging impit na pag-iyak habang yakap-yakap ang sarili.
How I wish I could turn back time...
"I'm sorry, I'm late. Hindi ko namalayan ang oras. Nag-last minute shopping kasi kaming magkakaibigan. I lost track of time and -"
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...