Chapter 9 Untangled

6.5K 383 66
                                    

"Loving me will not be easy. It will be a war. You will hold the gun and I will hand you the bullets. So breathe, and embrace the beauty of the massacre that lies ahead."


Theo POV


"Anong ginagawa natin dito? Nagtatakang tanong ni Celeste ng makababa kami mula sa chopper na sinakyan namin patungo sa isla.

"There's someone I want you to meet." Nakangiti ng bahagyang sagot ko.

"Theo..." Bigkas niya. Gustong-gusto ko kapag siya ang bumibigkas sa pangalan ko, ang lambing pakinggan. "Alam mo namang may trabaho ako mamayang gabi. Hindi ako pwedeng -"

"Yeah, I know." Putol ko sa protesta niya. "Mabilis lang 'to, promise." Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami patungo sa Casa dela Gracia.

Mabagal siyang napabuntong-hininga tsaka unti-unting napangiti ng tipid. "Fine. Pero kailangan ko ding bumalik agad ng Manila ha?"

"Sure, boss." Ganting tugon ko tsaka hinalikan ang likod ng kamay niyang hawak ko.

Natawa siya ng marahan sabay lumapit sa akin ng konti.

Sinalubong kami ng isa sa mga maids at sinabing nakahanda na ang pananghalian. Namamanghang naigala ni Celeste ang paningin sa kabuuan ng living room patungo sa dinning room. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dinala ko siya dito sa casa simula ng magkakilala kami at magkamabutihan.

"Finally," Bulala ng isang tinig ng makapasok kami sa loob ng dining room. "You're here."

Nakangiting sinalubong ako ni Vanessa ng halik sa pisngi. Malapit sa gilid ng aking labi. As usual, she's all dressed up. Na para bang palagi na lang may pupuntahang party. Pero alam kong ginagawa niya lang ito para in case may emergency na lakad, she's good to go.

"Vanessa," Bigkas ko sabay nagbaling ng tingin kay Celeste na noon ay nakatingin kay Van. "I want you to meet, Celeste - my girlfriend." Pagpapakilala ko. "Celeste, Vanessa - my personal alalay." Pinanlakihan ako ng mata ni Vanessa. "My beautiful, charming yet dangerous right hand." May halong panunuksong pagtatama ko.

Napangiti si Vanessa sabay iniabot ang kanang kamay kay Celeste. "Nice to meet you, Celeste."

Napasulyap muna sa akin si Celeste bago tinanggap ang pakikipagkamay ni Van sa kanya. "Likewise, Vanessa."

May katagalan ang handshake nila habang nakatitig sa isa't isa. Kaya naman eksaherada akong napatikhim.

"Shall we?" Pukaw ko sa atensyon nilang dalawa sabay iminosyon ang hapag-kainan na mukhang kanina pa nga nakahanda.

Naupo ako sa kabisera, sa bandang kaliwa ko si Celeste at sa bandang kanan ko naman si Vanessa. Naging maayos naman ang aming pananghalian. Mukhang okay na si Vanessa kay Celeste, hindi kagaya noong unang sinabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ng huli ay di naging maganda ang pag-uusap namin. Si Celeste naman ay manaka-nakang sumasali sa usapan.

"So," Basag ko sa katahimikan ng maihatid ko siya sa loob ng kanyang apartment. "What's your impression about the casa?" Tanong ko habang nagtatanggal ng gloves.

Tumigil siya sa paglalakad patungong kusina para sana kumuha ng maiinom ng magsalita ako. Nakataas ang isang kilay na nagbaling siya ng tingin sa akin. "Tungkol ba talaga sa casa o..." Pambibitin niya. "Kay Vanessa?"

"Alright," Tugon ko. "Both."

Napabuntong-hininga siya. "She doesn't like me." Sabi niya. "I mean, it's obvious."

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon