"For me saying goodbye to the person you love the most is the hardest thing to do..."
Celeste POV
Kinaumagahan, maaga akong sinundo ni Theo sa apartment ko. Ni hindi na nga siya nag-abalanag bumaba ng sasakyan. Malungkot akong inihatid ni Rachel sa labas ng apartment.
"Bumalik ka ha?" Nangingilid ang luhang sabi niya.
Natawa ako ng marahan kahit na maging ako'y nangingilid din ang luha. "Ano ka ba? Oo naman 'no?" Tugon ko.
Binuhat ng isa sa mga tauhan ni Theo ang bag ko at inilagay sa trunk ng sasakyang nasa bandang likod.
"Mami-miss kita." Tuluyan ng tumulo ang kanyang luha.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ako din, Rachel." Napapikit ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata.
Kahit na ayaw pa sana akong bitawan ni Rachel, napilitan na siyang kumalas ng yakap. "Tumawag ka ha?" Pahabol niya ng sasakay na sana ako sa kotse, kung nasaan si Theo.
Ngumiti ako ng tipid at tumango. Napasulyap ako sa hindi naman kalakihang bahay na naging tahanan ko sa loob ng mahigit isang taon. Kung saan ko naramdaman ang maging malaya at mamuhay ng tahimik at payapa... kahit sandali lang. Mabigat ang loob na pumasok na ako sa sasakyan.
Pagkasakay ko ay agad ng pinasibad ng tauhan ni Theo ang sasakyan. Tahimik lang si Theo habang ako naman ay manaka-nakang napapasinghot.
"Nakakatawa."
Narinig kong komento niya dahilan kaya ako agad na nagbaling ng tingin sa kanya. Hindi naman siya nakangiti o nakatawa. Bagkus ay seryoso ang mukhang nakatingin ng diretso sa bandang harapan.
"Seeing how good you are in bidding goodbye to your friend -" Napaangat ang gilid ng kanyang labi. "Na nakilala mo lang ng, ano - isang taon? Or worst, hindi mo pa talaga gano'ng kakilala. Kumpara sa asawa mo na ni kahit isang salita wala kang sinabi." Tsaka parang nang-uuyam na nagbaling ng tingin sa akin.
Hindi ako kumibo o nagtangkang kontrahin man lang ang sinabi niya.
"Honestly," Bigkas niya habang nakatitig pa rin sa akin. "Naiinsulto ako, Celeste." Puno ng panunumbat na dagdag niya. "And frankly speaking - I'm jealous."
Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamaong nasa ibabaw ng kanyang mga hita. Ngunit imbes na sagutin siya ay nagbaling na lang ako ng tingin sa labas ng binatana. At nanatiling tahimik sa buong biyahe.
Papunta ang kinasasakyan naming kotse sa airport, dito rin sa Baguio, kung saan naghihintay ang private jet ni Theo na siyang sasakyan namin pauwi ng Isla dela Gracia.
Tahimik ang lahat ng sakay ng kotse. Nakasunod sa amin ang sasakyang kinaroroonan ng apat pang tauhan ni Theo. Ngunit pare-pareho kaming nagulat ng bigla na lang may tumamang kung anong bagay sa harapang windshield ng sasakyan namin dahilan ng paggiwang ng kotse.
Muling naulit ito kaya napatili ako. Puno ng kaba at takot na napatingin ako sa katabi ko sa backseat at gayon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang sariwang dugo sa kanyang kanang balikat.
"Theo!" Sigaw ko at napuno ng takot ang puso ko.
Isang putok pa ng baril ang narinig ko. Tumalsik ang dugo sa pisngi ni Theo kaya nanlaki ang kanyang mga mata.
"Theo!" Muling sigaw ko.
Nanlalaki ang mga matang napahawak siya sa dugo sa kanyang mukha at tinignan ito. Kapagkuwa'y napatingin siya sa bandang harapan ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...