"If a glass was broken, will it ever be whole again?"
WARNING: There are scenes and languages that are not suited for very young readers. Parental guidance is advised. Read at your own risk.
Vanessa POV
"Theo, I would like you to meet, Vanessa." Pagpapakilala ni Don Romualdo dela Gracia sa akin sa nag-iisa nitong anak na babae. "Vanessa, this is Theo. My only child."
Nagkatinginan kami ni Theo. Wala sa amin ang naglahad ng kamay for a handshake kagaya ng nakakagawian na. Maganda siya. Mahahaba ang mga pilik-mata nitong bumagay sa animong hugis almonds niyang mga mata. Bumagay din sa kanya ang medyo may kakapalang kilay, maputi at makinis na kutis, ang may kanipisang pinkish na labi at ang napakatangos nitong ilong. Mababanaag ang pagiging maldita sa aura nito. 'Yong tipong hindi magbaba ng pride.
"Vanessa." Narinig kong bigkas ng daddy ko. "Your manners, sweetheart." May himig pananaway nitong dugtong.
Pilit at tipid akong ngumiti kay Theo sabay inilahad ang aking kanang kamay dito. "Nice to meet you, Theo." Ani ko.
May katagalan ang pagtugon nito. Muntik ko na ngang bawiin ang kamay ko dahil nangangawit na ako pero naisip ko ang pananaway sa akin ni daddy.
"Thanks." Matipid at maikling tugon ni Theo tsaka parang pabalat-bungang tinanggap ang pakikipagkamay ko. Pagkatapos nga nito ay umalis na siya sa kinaroroonan namin at nagtatakbong nagtungo sa likod ng casa.
Napatingin ako kay Don Romualdo. Ngumiti ito ng tipid sa akin. Ngiting nagpapaunawa. "Pagpasensyahan mo na ang aking unica hija." Sabi nito. "Naging aloof na siya simula ng mamatay ang kanyang ina."
Hinawakan ako ni mommy sa magkabilang balikat mula sa aking likod. "Why don't you go and play with Theo, anak?"
Tumingala ako sa kanya tsaka tumango ng mabagal. Parang sunod-sunuran na agad akong tumalima.
"Napakagandang bata." Narinig kong komento ni Don Romualdo ng tumalikod na ako para sundan ang direksyong tinungo ni Theo.
"Saan pa ba magmamana kundi sa akin." Ang tugon naman ni mommy.
Marahang tawanan ang sumunod na aking narinig.
"Tayo na sa warehouse para makita ninyo ang mga bagong dating na kargamento." Sabi pa ni Don Romualdo. "Natutuwa ako't tinanggap mo ang trabahong inialok ko sayo."
"Yes, of course, kumpadre." Tugon ni daddy. "Isa pa, gusto ko ring maranasang tumira dito sa iyong isla."
Papahina ng papahina ang mga tinig na naririnig ko habang palayo ako ng palayo sa kinatatayuan nila. Napalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad sa tila napakahabang hallway.
Lahat yata ng sulok ng bahay na ito ay nagyayabang sa sobrang karangyaan. Maging ang mga paintings na nakasabit sa dingding ay mukhang mamahalin. May mga pinto akong nadaraan pero lahat ng mga ito ay nakasara at sigurado akong naka-locked. Naglakad ako pasulong hanggang sa dalhin ako nito sa likod ng casa kung saan makikita ang malawak na infinity pool.
Awtomatikong napapikit ang mga mata ko ng sumalubong sa akin ang may kalamigang ihip ng hangin. Naiiba ito sa hangin na nasasagap ko sa Manila kung saan ako lumaki. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakapunta dito sa isla na sa pagkakaalam ko'y pag-aari ng mga dela Gracia.
"What are you doing here?" Ani ng masungit na tinig.
Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata at sinalubong ang mga nag-aakusang titig niya sa akin. Nakahalukipkip siya habang nasa isang paa ang bigat. Kung hindi ako nagkakamali, sampung taong gulang lang siya. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...