Chapter 12 Left Me Unattended

7K 424 137
                                    

"A person who has lots of anger inside definitely loves people more than anyone else can. Because if red color indicates anger then it indicates love too."


Theo POV


Ang tahimik ng paligid, ang tanging maririnig lang ay ang manaka-nakang pagsinghot at paghikbi ni Celeste na nakahiga patalikod sa direksyon ko. Nababalot siya ng kumot hanggang leeg. Kulang na lang ay magtalukbong siya.

Eksaherada akong napabuntong-hininga sabay napapikit at napahilamos sa aking mukha ng muli ko na naman siya marinig na humikbi. Naiinis na umalis ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama tsaka muling napatingin sa direksyon niya.

Napailing-iling na hinawi ko ang kumot at bumaba ng kama. Umikot ako patungo sa walk-in closet. Nagsuot lang ako ng undies tsaka kulay green na silk robe bago nagtungo sa pinto. Muli akong napasulyap kay Celeste bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Nakapaang bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa dining area.

Natigilan si Vanessa sa pagsubo ng makita akong pumasok sa loob ng dining room. Lumapit ako sa kanya at naupo sa kabisera. Mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko ang isa sa mga kasambahay para bigyan ako ng plato pero sumenyas ako na huwag.

"Maghanda kayo ng pagkain at dalhan si Celeste sa itaas." Utos ko sa kanila. "Doon na lang ako kakain." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Vanessa sa huling sinabi ko. "Don't say anything or you'll die." Sabi ko sa kanya.

Sumenyas naman siya agad ng mouth zipped at nagpatuloy sa pagkain. "What did you do to her?" Ibinuka ko ang aking bibig para sumagot pero maagap niyang pinutol ang anumang sasabihin ko. "Oops, you don't have to answer my question. Your aura says it all." Sabi niya. "It turns out, kaya pala nagpumilit siyang pumunta ng pantalan para dito." Sabay mosyon sa putaheng nakahain sa kanyang harapan.

Kunot-noong napasunod ang tingin ko dito. Gamit ang serving spoon ay inahon niya ang ulo ng sinigang na isda.

"Because today is your fucking wedding anniversary." Pagpapatuloy ni Vanessa. "How many years?" Kunwari pa itong napaisip. "Isa't kalahating taon kayong kasal bago siya naglayas, mahigit isang taon siyang wala, so..." Tsaka kunwari pang nagkwenta. "Tatlong taon na kayong kasal."

Mabagal akong napabuntong-hininga.

"Ang sweet ni Celeste. Nakakainggit." Sarkastikong komento niya. "And you're fucking insensitive. No wonder iniwan ka niya."

"Hey!" Mabilis kong kontra. "That's below the belt." Saka siya inirapan.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang ako ay napapaisip. I'm not too dense not to feel guilty about it right now.

"If I were Celeste, I'm going to burn you alive for punishing me without hearing my side." Komento na naman niya kapagkuwan.

"Thank God you're not her." Ganti ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero maagap akong nagsalita. "Shut up!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Puputulin ko 'yang ulo mo at ipapadala ko kay Leandro pag di ka pa tumigil." Banta ko.

"Eeww, gross!" Maarteng bulalas niya. "Hindi mo ba nakikita? Kumakain ako. Nakakawala ka talaga ng gana." Tsaka niya ako inirapan sabay napainom ng wine na nasa tabi niya. "Speaking of the devil," Kapagkuwa'y sambit niya. "May balita na ba tungkol sa nangyari sa inyo sa Baguio?"

Nagkibit-balikat ako. "On going pa ang imbestigasyon ng mga tauhan natin tungkol doon." Sagot ko. "Nagtataka lang ako ang bilis naman nalaman ng kabilang panig na nandoon ako."

"May tainga ang lupa, may pakpak ang balita." Matalinhagang saad niya.

"We found a body this morning." Seryoso ang mukhang hayag ko.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon