"All you need for happiness is a good gun, a good horse, and a good wife."
Theo POV
"What the hell?!" Bungad na bulalas ko ng kinumpronta ko si Vanessa pagdating ko sa casa. "What was that for? Huh, Vanessa?"
Naabutan ko siyang bihis na ng all-black outfit. Nakasuot siya ng turtle neck long sleeve shirt. Wala siyang ibang suot na alahas kundi ang itim ding multi-purpose wristwatch.
Sandali lang niya akong tinapunan ng tingin tsaka nagpatuloy sa paglalagay ng combat knife sa kanyang binti bago inayos ang suot. "Kung hindi dahil sayo, wala sana sa panganib ang buhay ni Celeste."
Hindi makapaniwalang napatitig ako dito. Sinundan ko siya ng nagtungo siya sa couch at nagsimulang maglagay ng bala sa kanyang baril.
"Asawa ko si Celeste, nag-aalala din ako para sa kanya!" Ganti ko. "E ikaw? Ano ka niya? BFF?" Puno ng pangungutyang sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "And wait, did you call her sister a while ago?" Naalala kong tanong. "Kailan pa naging kapatid ang turing mo sa kanya? Parang noong isang araw lang, nagsasabong kayo sa harapan ko!"
Sukat sa narinig ay natigilan siya sa pag-aayos ng loaded magazines. With her outfit and the guns she's planning to take, she looks like she's going out to war.
"There's something I need to tell you." Seryosong sabi niya. Hindi na kagaya kanina ang kanyang tinig na parang umaangil. "Celeste is my sister." Napakunot-noo ako sa narinig. "Biological sister."
Natigilan ako. Kapagkuwa'y ibinuka ko ang aking bibig para sana magsalita ngunit wala akong maisip na sasabihin dahil sa sobrang pagkagulat o hindi makapaniwala. I don't know, hindi ko na rin maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Theo," Tumayo siya mula sa kinauupuan para lapitan ako pero lumayo ako sa kanya, instinctively. "I'm so sorry." Hingi niya ng paumanhin. "I lied to you."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig. Hindi ko mahanap ang sarili kong tinig.
"Naalala mo noong sinabi mo sa akin na pakakasalan mo siya?" Kwento niya ngunit hindi pa rin ako kumikibo. "Noon ko siya pinaimbestigahan. Noon ko rin nalaman na siya ang kapatid kong naiwan sa bahay ampunan."
Natawa ako ngunit hindi umabot sa aking mga mata. "No, you're not. Isa kang Calderon, while Celeste is -"
"Ako si Hannah Grace Aquino." Hayag niya. "Ipinalabas na patay na ako at pinalitan ang pangalan bilang si Vanessa Calderon. At si Celeste, kapatid ko siya."
"That's not true." Hindi makapaniwalang bigkas ko sabay napailing-iling.
"I'm sorry I didn't tell you right away. I have to keep my secret from you." Mababanaag sa kanyang mukha ang kanyang sincerity sa paghingi ng kapatawaran. "I know your family. You never like outsiders." She stated. "At kapag sinabi ko sayo noon kung sino talaga ako, at malaman ng papa mo, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin."
"So inisip mong papatayin kita?" Agad akong umalma sa sinabi niya.
"I knew too much, Theo!" Ganti niya. "Alam kong hindi magugustuhan ng daddy mo pag nalaman niyang isa lang akong ampon. Kaya rin itinago ng mga kinilala kong magulang ang tungkol sa akin dahil nga doon!"
"You lied to me." Puno ng hinanakit na bigkas ko. "You lied straight to my face." Napahilamos ako sa aking bibig na para bang kinokontrol ang galit. "And I fucked my wife's sister? Shit!" Malakas na mura ko.
"I had to submit to whatever your command..." She paused. "... just to protect her."
"To protect her from what? From whom?" Naguguluhang bigkas ko. "From me?!"
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...