"Love casts out fears..."
Celeste POV
Napapabuntong-hininga ako habang nakatitig sa librong hawak ko. This is one of my favorite books written by a famous writer. Dito ko unang nakita ang kapirasong papel mula sa kung sino mang tao na nakakaalam na gusto ko noong tumakas... I mean, umalis dito sa isla.
As far as I remember, wala naman akong pinagsabihan ng tungkol sa kagustuhan kong umalis dito noon. Kaya nga nagtataka ako at napapaisip sa kung sino man ang tumutulong sa akin noon para makaalis...
Magkakasunod na katok mula sa pinto ang gumising sa akin ng umagang iyon. Inaantok pang nagmulat ako ng aking mga mata. Base sa taas ng sikat ng araw, tinanghali na ako ng gising. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi.
Muli kong narinig ang katok mula sa nakasarang pinto. "Pasok." Inaantok na sambit ko.
Ilang sandali lang ay pumasok na ang isang kasambahay na may dalang tray ng pagkain. Sinabi ko ditong pakihain na lang sa may balkonahe, doon na lang ako kakain na agad naman nitong sinunod.
Tinatamad na bumangon ako ng kama. Sandali akong matigilan ng mahulog mula sa dibdib ko ang nakabuklat na libro. Inaantok na kinuha ko ito. Nakatulugan ko pala ang pagbabasa nito.
Magalang na nagpaalam na ang kasambahay ng matapos nitong maihain ang aking almusal. Brunch I mean, pagtatama ko ng mapasulyap sa orasan sa ibabaw ng bedside table.
Itatabi ko na sana ang libro ng may mahulog mula ditong kapirasong papel. Kunot-noong dinampot ko ito.
"Wanna runaway?"
Saglit akong napaisip sa nabasa mula sa nakasulat sa kapirasong papel. Nagtatakang sinipat ko ang hawak na libro baka may mga notes pang nakaipit, pero wala na. Besides, wala namang ibang taong pumasok dito sa loob ng kuwarto kagabi. Tsaka kahapon ko lang kinuha ang libro sa library. At kung sino man ang nag-ipit nito dito, paano naman niya malalaman na gusto kong umalis ng isla?
Tsaka, para sa akin nga ba 'to?
Isang ideya ang naisip ko para malaman kung para sa akin ng ba ang note na 'to. Kumuha ako ng ballpen sa drawer at nagsulat sa likod ng kapirasong papel.
"S.O.S."
Ito ang isinulat ko tsaka muling inipit ang kapirasong papel sa gitna ng mga pahina ng libro. Tumayo ako mula sa kinauupuan at nagtungo sa balkonahe. Nagsimula na akong kumain ngunit ang isip ko naman ay sa kung sinong naglagay ng mensahe sa libro.
Haist... kung sino man siya, kilalang-kilala ako. At sigurado akong hindi iyon si Theo.
Speaking of, nakaramdam ako ng lungkot dahil sa naging pagtatalo namin kagabi. Naging mainit iyon dahilan ng hindi niya pag-uwi ng casa. Hindi ko alam kung saan siya natulog o kung nasaan man siya ngayon.
Mali bang hingin sa kanyang itigil na ang ilegal na transaksyong pinapasukan niya? Malo bang hilingin sa kanyang mamuhay na lang kami ng normal? Na kung pwede bitawan na niya ang maling negosyo?
Sa mahigit isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, iyon ang pinakamalalang pagtatalo namin. May mga naging hindi kami pagkakaunawahan pero agad din iyong naaayos.
Nang matapos akong kumain ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Ilang minuto rin akong nanatili doon at agad ding lumabas. Magtutungo na sana ako sa walk-in closet para magbihis ng mahagip ng paningin ko ang ibabaw ng bedside table. Wala na roon ang libro!
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...