"Are you ready to watch me be legendary?" - Chang-e 'Over the Moon'
Theo POV
"Dad?" Kunot-noong bigkas ko ng mapansing parang nahihirapan siyang maglakad patungo sa kanyang swivel chair, dito sa workroom.
"Uhmp." Impit na daing niya habang sapo ang tiyan.
"Dad!" Sigaw ko ng imbes na maupo siya sa swivel chair ay bumagsak siya sa carpeted floor. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"T-Theo..." Nahihirapan at parang habol ang hiningang sambit niya.
Napasalampak ako sa sahig sa tabi ng aking amang nakahiga sa sahig. Gayon na lang ang aking pagkagulat ng mapansing puro dugo ang kamay niyang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanginginig ang mga kamay niyang humawak sa akin.
"It's okay." Nagawa pa niya akong aluin. "It's okay."
"No, it's not okay!" Hysterical na sabi ko. Halo-halo na ang kaba, takot at lungkot sa akin. "Let me take you to the hospital." Sabi ko habang nakaunan ang kanyang ulo sa aking mga hita. "Guard!" Sigaw ko.
Paulit-ulit akong sumisigaw pero parang walang nakakarinig sa akin. Umiiyak na ako sa sobrang pagka-helpless na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
"Shh..." Habol ang hiningang bigkas ni daddy. "It's gonna be okay. You're gonna be okay."
Mariin akong napailing-iling habang panay sa pagtulo ng aking mga luha. "No." Paulit-ulit na sambit ko.
He gasped. Napapansin ko din ang pag-iiba ng kulay ng kanyang iris. Parang nawawalan ito ng buhay.
"No, daddy!" Sigaw ko ng dahan-dahan na lumungayngay ang ulo niya sa aking mga hita habang nakadilat ang kanyang mga mata. "Daddy!"
Ilang segundo lang ang lumipas ay isa-isa ng pumasok sa loob ng workroom ang mga guards, maging ang natatarantang si Vanessa. Lumapit siya sa akin at pilit inilalayo sa katawan ni daddy. Sinusubukan ng mga ilang lalaking guards na buhatin ang wala ng buhay na katawan ni daddy per o mahigpit akong nakayakap dito. Ngunit sa huli ay nanalo sila.
"Here." Sabay iniabot ni Vanessa sa akin ang isang baso ng tubig.
Wala sa sarili at nanginginig pa ang mga kamay na tinanggap ko ito. Nadala na sa punerarya ang bangkay ni daddy, hinihintay na lang namin itong dumating.
Muling kinuha ni Van ang basong wala ng laman mula sa akin. "Let me clean you up." Sabi niya.
Kinuha niya ang mga kamay ko at itinayo habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Parang walang buhay na nagpatianod lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa banyo, tinanggalan ng damit at inalalayang makasampa sa bathtub. Siya na ang naglinis ng katawan ko.
"I need you to call uncle Vernon." Sabi ko sa kanya ng makahuma. "Tell him everything that happened tonight."
Natigilan siya sa pagi-sponge ng braso ko. Hindi siya nagsasalita habang puno ng simpatyang nakatitig sa akin. Noon ako nag-angat ng tingin. Kapagkuwa'y mabagal siyang napailing-iling.
Napasinghap ako. Muli na namang bumalong ang luha sa aking mga mata. "So, I'm the last one." Puno ng sakit at kalungkutang bigkas ko. "I never feel so alone." Sabay napayakap sa aking mga tuhod.
"You're not alone, Theo. You have me." Sabi niya. She cupped my face using her palms. "You still have me. I will never ever leave you."
Hindi ko na napigilang sugurin siya ng yakap at umiyak ng umiyak sa kanyang balikat. Puno ng simpatyang hinagod-hagod niya ang likod ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/242848633-288-k498149.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...