Chapter 4 Lost and Found

7.9K 469 72
                                    

"Some things were better lost than found."


Celeste/Hannah POV


"Wow..." Namamanghang sabay naming nasambit nina Cherry at Fed habang papalapit ang sinasakyan naming roro sa port ng Isla dela Gracia.

"Guys," Namamanghang bigkas ni Fed. "Isa lang ang masasabi ko -" Madramang saad niya. "Sulit ang pera ko!"

Halos sabay-sabay kaming natawang tatlo sa sinabi ni Fed. Nakangiting napatingin ako sa isla. Tama siya. It's all worth it. Nasa pantalan pa lang pero mamangha ka na sa sobrang ganda hindi lang ng kulay asul at berdeng dagat kundi sa tanawing makikita. Ang isla mismo. Ibang-iba kumpara sa mga islang nakikita ko sa internet at sa magazines. Hindi ko alam ngunit para bang may kakaiba dito na sa oras na umapak ka sa isla ay nanaisin mo ng huwag umalis.

Excited kaming nagtungo sa hotel na pansamantalang tutuluyan namin habang nasa isla. Maging ang mga tao dito ay parang napaka-welcoming sa mga turista.

"Kudos sa may-ari ng islang 'to." Komento ni Cherry habang nakatingin sa isang painting na nakasabit sa pader.

"Sobrang yaman niya siguro." Segunda ni Fed.

Naglakad ako patungo sa balkonahe ng kuwartong napili namin. Dalawang double-sized bed na kuwarto ang napagdesisyonan naming kunin para makatipid. Good for four-pax naman ito.

Napahugot ako ng malalim na hininga sabay ipinikit ang aking mga mata. Sinamyo ko ang sariwang hangin. Kahit na parang moderno na ang isla, na-preserved naman nito ang kagubatan at ang parang pollution-free nitong kapaligiran. Nagmulat ako ng mga mata at agad na natanaw ang malawak na karagatan.

Kahit pagod sa biyahe, agad na kaming lumabas para mamasyal. Una kaming nagpunta sa market kung saan makakabilis ng iba't-ibang klase ng souvenirs na gawa ng mga taga-rito sa isla at nang magutom ay nagtungo kami sa resto kung saan pure seafoods lang ang isine-serve na pagkain.

Kinagabihan naman ay naisip naming magtungo sa bar. Nalula kami sa presyo ng mga alak at iba't ibang klase ng drinks na ino-offer. Nagkatawanan kami dahil pare-pareho kaming napatingin sa dala naming wallet. May live band na nagpe-perform.

"Excuse me po." Lumapit sa amin ang isang waiter na may dalang tatlong order ng maiinom. "Ipinapabigay po ni Miss dela Gracia." Sabay lapag ng mga wineglasses sa mesang inuukupahan namin. "Welcome drinks niyo daw po."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

"Pakisabi, salamat." Sabi ni Cherry sa pag-aakala naming marahil ay lahat ng bagong turista sa isla ay binibigyan niya ng welcome drinks.

"Hayon po siya." Sabay turo ng waiter sa direksyon ng bar counter.

Sabay-sabay kaming napatinging magkakaibigan sa direksyong itinuro ng waiter. Kulang na lang ay mapaawang ang mga labi naming tatlo sa magandang babaeng nakaupo doon. Itinaas nito ang hawak na wineglass. Nakatingin siya sa direksyon namin ngunit pakiramdam ko ay sa akin nakatuon ang kanyang mga titig. Bilang pasasalamat ay itinaas din namin ang aming mga baso at silently nakipag-cheers dito tsaka sumimsim.

Walang ibang bukambibig ang mga kasama ko kundi kung gaano ito kaganda sa personal. Hindi na namin ito nakita simula ng magbigay ito ng inumin. Maging ng ikalawang araw namin sa isla ay hindi na ulit ito nakita pa.

Nasa pantalan kaming tatlo para kumuha ng ticket pauwi at pabalik ng Manila. Hinayaan ko na lang silang dalawa na pumila. Nagtungo ako malapit sa sea wall para pagmasdan ang dagat.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon