"I want somebody who can love me at my worst..." - At My Worst, Pink Sweat
WARNING: There are scenes and languages that are not suited for very young readers. Parental guidance is advised. Read at your own risk.
Vanessa POV
"There you are!" Sabay palo sa puwet kong panggugulat ni Theo sa akin.
"Aww!" Napaigtad ako sabay napangiwi sa ginawa niya.
Napahawak ako sa aking pang-upo sabay lumayo ng bahagya sa kanya ng tumabi siya sa akin sa pagkakatayo ko sa railing sa balkonahe ng ikalawang palapag ng kanilang bahay. Mula dito ay natatanaw ang malawak nilang infinity pool.
Kunot-noo at nagtatakang napatitig siya sa akin. "Sorry." Bigkas niya. "Gano'n ba kasakit ang pagkakapalo ko sayo?" Tanong niya.
Hindi madaling makuha ang loob ni Theo. Naging mailap siya sa ibang tao simula ng mamatay ang kanyang ina, kagaya ng sinabi ni Don Romualdo noon. Nahirapan ako pero kahit papaano sa ngayon kinakausap na ako nito. Dahil pag hindi ko ito nakasundo, mas lalong malalagot ako kay daddy.
Pero... galit man siya o hindi, parang mas lalong lumalala ang pangmumulestiya niya sa akin. Nalulungkot ako... sobra. Dahil imbes na maging ama siya sa akin ay naging halimaw siya sa buhay ko.
I'm already fourteen years old yet pinapalo pa rin niya ako na parang isang musmos na bata. Kagaya kagabi. Muntik na kasi akong bumagsak sa exam. Gusto ko sanang isumbat iyon sa kanya na imbes na nagre-review ako ay nasa kuwarto ko siya't binababoy ako. Sa loob ng ilang taon, nagtitiis ako. Ngunit ang hindi niya alam, humahanap lang ako ng tiyempo. Gaganti ako... gaganti ako.
"I-it's okay." Pilit kong nilabanan ang sakit ng pang-upo ko.
Hindi siya agad nakakibo at matamang nakatitig sa akin. Ngunit unti-unti siyang napangiti. "Gusto kong maligo sa pool." Saad niya. "Ligo tayo!" Aya niya sa akin.
"Wala ka bang karate lessons ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Every Saturday, may karate lessons siya. Sinasamahan ko siya kaya naman pati sa lesson ay kasama na rin ako. Kailangan ko 'to. Kailangan ko ng pisikal na lakas.
Napailing siya. "Ano? Sama ka?" Patuloy pa ring aya niya.
Umiling ako. "Ikaw na lang -"
"Halika na!" Pero hinila niya ako sa braso at dinala sa kanyang kuwarto.
"Ba't mo pa ako tinatanong kung mamimilit ka rin lang naman pala?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
Napangisi lang siya habang patungo kami sa kanyang walk-in closet. Tumingin siya ng two-piece swimsuit na maayos na nakahilera. Ang dami niyang damit na maayos na nakahilera depende sa okasyon o paggagamitan. May mga iba't iba rin siyang sapatos at sandals tsaka bags.
"Here." Iniabot niya sa akin ang kulay dilaw na swimsuit. Tiningnan ko siya ng makahulugan. "Come on, Vanessa. Huwag kang KJ."
Napailing-iling na kinuha ko ito mula sa kanya. "Spoiled brat." Komento ko bago tumalikod para magpalit.
Magsisimula na sana akong maghubad ng damit ng mapansing nakatayo lang siya doon at pinapanood ako. Kaya naman lumingon ako sa kanya.
"Ba't di ka pa nagpapalit?" Tanong ko.
"Iniisip ko lang kung kakasya ba sayo yan." Sagot niya sabay napasulyap sa hawak ko. "Mas matangkad ka kaysa sa akin e."
Malaking bulas si Theo kumpara sa ibang thirteen-year-old na bata. Mas matangkad lang ako sa kanya ng konti.
![](https://img.wattpad.com/cover/242848633-288-k498149.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
Lãng mạnThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...