"If you point it my way, you damn well better know how to use it."
Theo POV
Kasalukuyang nasa harap ako ng life-sized mirror at inaayos ang suot na itim na long sleeve polo ng may kumatok sa pinto.
"Who is it?" Nakatingin pa rin sa repleksyon ko sa salaming wika ko.
"Boss, ready na po ang lahat sa warehouse." Ani ng tinig ng lalake. Isa sa mga tauhan ko.
"Nandoon na ba si Vanessa?" Tanong ko habang naglalakad patungo sa pinto.
"Opo, boss." Tugon nito.
Binuksan ko ang pinto para makita ang kausap. "Sige, susunod na ako." Sabay mosyon sa kanyang mauna na.
Nang makaalis na ito sa pinto ay muli akong bumalik sa harapan ng salamain para ayusin ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nagpasya na akong lumabas ng kuwarto. Naglakad ako palabas ng casa at nagtungo sa warehouse na may ilang metrong layo rin mula sa casa. Namataan kung nakabukas ang warehouse kung saan naroon ang mga kargamentong dumadating at ishi-ship. May ilang armadong tauhan ang nasa labas ng warehouse at alertong nagbabantay. Ang karamihan dito ay tauhan ko at ang iba naman ay kasama ng kung sino mang kliyenteng nasa loob.
Nadatnan kong kinakausap ni Vanessa ang pamilyar na lalake. Kung di ako nagkakamali, isa ito sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni General Enrique Vasquez. Si General Vaquez ay may mataas na ginagampanang tungkulin sa militar. And why he's doing business with someone like me? Well, all men are evil as they say. Nobody's innocent. Simply because they need my help. A different kind of help.
"Everything's good?" Bungad kong tanong sa kanila.
Napatingin si Vanessa sa gawi ko. May sinabi siya doon sa lalaking may hawak na brief case bago lumapit sa akin na noo'y abala ng nakatingin sa mga iba't ibang klase ng de-kalibreng baril na maayos na nakalatag sa ibabaw ng pahabang lamesa. Dinampot ko ang isa at sinipat ng tingin. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong .50 M107. If I'm not mistaken, these kind of guns are not used to target human, they are used to break an armored car or tanks.
"Hmm." Satisfied na komento ko habang maingat na ibinababa ang baril sa hilera ng iba't iba pang klase nito.
"Theo, General Vasquez has a special request - I mean, favor." Saad ni Vanessa.
Nagtatanong ang mga matang nagbaling ako ng tingin sa kanya. Ngunit imbes na sagutin ako, sinenyasan niya ang lalaking kausap kanina na lumapit sa amin na agad namang tumalima. Seryoso ang mukhang nakamasid lang naman ako sa kanila. Iminosyon ni Vanessa na ilapag sa ibabaw ng mesa ang briefcase na hawak at buksan. Nakahalukipkip na hinintay kong mabuksan nito ang briefcase. Iniisip ko baka pera ang laman nito pero hindi... nagkamali ako. Maang akong napatingin kay Vanessa.
"Humihingi si General ng pabor sayo na kung pwede isabay ito sa shipment." Sabi ng lalake sabay mosyon sa bukas na briefcase na naglalaman ng droga.
"Vanessa." Tawag ko dito.
"Theo -"
"You know I don't do drugs." Pormal ang mukhang putol ko sa anumang paliwanag na sasabihin niya.
"Maliit lang naman na bagay daw ito, Ms. dela Gracia." Sabad ng lalake.
"I'm not talking to you." Pambabara ko dito. "Magsalita ka kapag kinausap na kita." Saka ito tinignan ng masama. Napangisi lang ito at napailing-iling. Mas lalo tuloy nag-init ang ulo ko.
"Sinabi ko naman sa kanila na ipasabay na nila ang lahat huwag lang 'yan." Paliwanag ni Vanessa. "Pero mapilit sila. Maliit lang naman daw ang halaga niyan."
![](https://img.wattpad.com/cover/242848633-288-k498149.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...