"Her lips, the gun. Her words, the bullet. Her goodbye pulled the trigger. She shot me right in the chest."
Theo POV
"Come here. Hurry up, I'm hungry." Hindi ito pakiusap kundi isang utos.
"Kumain kang mag-isa mo!" Pabulyaw niyang tugon.
Bahagyang napaawang ang bibig ko sa naging tugon niya. Ngunit kapagkuwa'y napaangat ang gilid ng labi ko sa bagong eksperiyensang ipinapakita sa akin ngayon ni Celeste.
"Sasama ka ba sa kanila o ako mismo ang susundo sayo?" Sabi ko.
Hindi siya agad nakakibo pero ilang segundo lang ay narinig ko na ang pag-busy tone ng telepono. Amused na napatingin ako sa screen ng cellphone ko. This is the first time she hung up on me. Ngunit imbes na mainis ay nakaramdam ako ng pagka-amused sa bagong Celeste na nakausap ko.
Umalis ako mula sa pagtanaw sa labas dito sa balkonahe ng isang VIP suites na inupahan ko habang nandito sa Baguio. To be honest, ito ang unang beses na nakapunta ako dito sa lugar na 'to. Gusto ko 'yong klima dito.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto para makapaghanda sa pagdating ni Celeste...
"Someone's getting ready for tonight." Tukso ni Vanessa sa akin ng pumasok siya sa loob ng kuwarto ko.
"I'm not really sure what to wear." Hindi makapagdesisyong nakatayo ako sa harap ng life-sized mirror habang sinisipat ang suot.
"Nah, wear whatever you want to wear." Suhestiyon niya. "People will like you for who you are and not because of what you're wearing."
"Uhuh?" Nakaangat ang gilid ng labing nagbaling ako ng tingin sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang naka-cross legs. "And where did you learn that?"
Nagkibit-balikat siya. "Are you serious with this girl you've met the other night?" Curious niyang tanong. "What's her name again?"
Nagbaling ako sa salamin to take one last look. "Celeste." Sagot ko tsaka muling nagbaling ng tingin sa kanya. "And to answer your first question, I'm not sure. Let's see where this thing leads me."
Celeste and I had our first date... and first kiss. Pagkatapos naming makapaglakad-lakad sa tabi ng seawall ay inaya ko siyang ilibot sa isla gamit ang motorboat. Tuwang-tuwa siya kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti habang pinapanood ang pagragasa ng saya sa kanyang mukha.
Ang date na iyon ay nasundan pa ng dinalaw ko siya sa Manila. Hindi lang minsan kundi maraming beses ko siyang pinuntahan doon. Gusto ko siyang nakikita at palaging nakakasama. I know that very moment, hindi lang interest ko ang napukaw niya kundi nahuli din niya ang puso ko...
She wasn't my first girlfriend actually. Pero sa lahat ng babaeng nakasama ko, siya ang pinakatatangi. Dahil sa kanilang lahat, sa kanya lang tumibok ang puso ko. I know it sounds cheesy, pero gano'n ang nararamdaman ko. Kaya naman sa mahigit isang taon naming pagkakamabutihan ay inalok ko na siya ng kasal na agad naman niyang tinanggap.
"Are you insane?!" Kumpronta ni Vanessa sa akin ng sinabi ko sa kanya ang balita ng umuwi ako ng isla.
"What?" Nalilitong bigkas ko.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin. "Theo alam mong imposibleng -"
"Alin do'n ang imposible, Vanessa?" Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. "Na may magmamahal sa akin?"
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
Roman d'amourThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...