Chapter 15 Flip Over

7.6K 382 86
                                    

"I want to show her that she has not been loved before. I want her to feel, with one kiss, how I can make love to her soul for eternity."


Celeste POV


"Saan tayo pupunta?" Bagama't napapaisip, hindi ko naman mapigilan ang excitement na nararamdaman ko ngayon habang nakaupo sa passenger's seat, at si Theo naman, sa kaunaunahang pagkakataon, ay nasa likod ng manibela.

"Secret." Tugon niya habang ikinakabit ang sariling seatbelt.

"Sigurado ka bang marunong kang mag-drive?" Tanong ko.

"Your seatbelt, Celeste." Paalala niya ng mapansing hindi pa ako nagkakabit ng seatbelt.

"Answer me first." Sabi ko.

Napapalatak siya. "Of course, I know how to drive!" Saka siya na ang nagkabit ng seatbelt ko. "Pero matagal na simula ng huli akong nagmaneho." Dugtong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

Bahagya siyang napangisi ng sumulyap sa akin. "You've put your faith in motorboat when you went away, why don't you put your faith in me this time?"

Napa-eye roll na lang ako saka napailing-iling. Inandar na niya ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho.

"Woah!" Napatili ako ng bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Tumawa siya ng malakas. "Relax." Parang nanunuksong napasulyap siya sa akin.

Inirapan ko siya habang nakahawak sa sariling dibdib. Kinabahan talaga ako doon.

Nakasunod sa amin ang dalawang kulay itim pang SUV sakay ang kanyang mga tauhan. Kahit papaano ay panatag ako dahil nandito kami sa isla. We're safe here. Theo is safe here.

Natigilan ako sa huling naisip. Safe nga ba?

Napatingin ako sa kanya. Malayang nakalugay ang kanyang buhok ngayon. Ibig sabihin, kalmado siya. Napapansin kong kanina pa parang nakangiti ang kanyang mga mata. Kahit noong nasa resto kami.

"We're here." Anunsiyo niya kapagkuwan.

Kunot-noong napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko man lang namalayan na tumigil na ang kinasasakyan namin. Maya't-maya pa ay pinagbuksan ako ni Theo ng pinto at inalalayan akong bumaba ng sasakyan.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko ng mapansing tumigil kami malapit sa pantalan. Gabi na kaya ang nandoon na lang ay ang mga nagbabantay dito.

"Wait and see." Bahagyang nakangiting sagot niya.

Nagsimula kaming naglakad patungo sa pantalan, kung saan may yateng naghihintay sa amin. Napaawang ang labing nagbaling ako ng tingin kay Theo.

"Let me take you to another world." Sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin.

Napalunok ako sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad. Kapagkuwa'y nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha tsaka mabagal na tinanggap ko ang kanyang kamay. Unti-unti siyang napangiti saka ako inalalayang makapasok sa loob ng yate.

Namamanghang nailibot ko ang paningin sa loob nito ng makapasok kami. Hindi ito ang unang pagkakataon na isinakay niya ako sa yate. Pero parang bago 'to at mas malaki kaysa sa dati.

"Bago lang ba 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa paligid.

"Yes." Sagot niya na binitawan na ang kamay ko.

Nasa main deck kami kung saan makikita ang dining room at galley. May ilang hakbang ding hagdan patungo sa master's suite. Ang liwanag ng mamahaling di naman kalakihang chandelier na siyang nagbibigay ng liwanag sa loob kasama ng maliliit na bombilyang nakasabit sa gilid bilang desinyo.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon