Chapter 21 The Saddest Part

5.8K 349 58
                                    

"Life has taught me that you can't control someone's loyalty. No matter how good you are to them, doesn't mean that they will treat you the same. No matter how much they mean to you, doesn't mean that they'll value you the same. Sometimes the people you love the most, turn out to be the people you can trust the least."


Theo POV


Nagpunas ako ng gilid ng bibig pagkatapos kong kumain tsaka tahimik na nagpalipat-lipat ang tingin kina Celeste at Vanessa, kapwa nakayuko at kanina pa walang imik. Ilang araw ko ng napapansin na tahimik silang dalawa sa tuwing nasa iisang lugar, hindi kagaya dati na nag-iirapan at kulang na lang ay magsabong sa harapan ko.

Katulad ngayon, magkatapat silang dalawa sa harap ng hapagkainan pero ni tapunan ng tingin ang isa't isa ay parang ang hirap nilang gawin.

Eksaherada akong napatikhim. Pero parang di nila ako pansin. Para bang bawal ang magsalita at mag-angat ng tingin.

"Is there an elephant in the room?" Saad ko.

Halos sabay silang nag-angat ng tingin at parang wala sa sariling nagbaling sa akin. Kinuha ko ang baso at uminom bago muling nagsalita.

"May lakad ako ngayon." Hayag ko. Walang kumikibo sa kanila. "Van, may problema sa isa sa mga shipping vessels, gusto ko maayos na 'yon pagbalik ko."

"Consider it done." Maikli niyang sagot.

Nagbaling ako ng tingin kay Celeste. "If you need anything, you can say it to Vanessa."

"No, it's okay." Maagap niyang pagtanggi na may kasamang tipid na ngiti. "I'll be fine, don't worry." Tsaka uminom ng tubig.

Tahimik ko silang inobserbahan. Tumango-tango ako. "Okay." Sabi ko. "Sigurado ba kayong dalawa na hindi kayo mag-aaway habang wala ako?"

"Oo naman!"

"Yes, of course!"

Sabay nilang sagot. Nagkatinginan sila ngunit mabilis ding muling nagbaling ng tingin sa direksyon ko.

Yeah, right. Lihim akong napa-eye roll.

Tumayo ako mula sa kinauupuan. "Alright." Sambit ko. "I have to go." Lumapit ako kay Celeste at hinalikan siya sa ulo bago tumalikod.

"Aalis na po tayo, boss?" Tanong ng isa sa aking mga tauhan ng lumabas ako ng bahay.

Tumango lang ako bilang tugon dito bago tuloy-tuloy na naglakad patungo sa sasakyang naghihintay sa akin. Pinagbuksan ako ng pinto sa backseat bago ito nagtungo sa kabilang sasakyan na nasa bandang harap. Ilang sandali pa'y nasa kalsada na ang sasakyan patungo sa pantalan.

Hindi ko maiwasang mapabalik tanaw tungkol sa napag-usapan namin ni Celeste noong nakaraang gabi...


"I really want to know the whole truth." Sabi ko sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga sa kama.

Simula ng manggaling kami sa yate pagkatapos ng wedding anniversary namin ay sa magkasama na ulit kami sa iisang kuwarto. She's still my wife so...

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayakap sa akin. Hindi siya agad nakatugon. Maya-maya pa ay umayos siya ng higa at naupo sa kama, pasandal sa headboard habang kipkip ang kumot sa kanyang dibdib.

"Sinabi ko na sayo ang lahat." Tugon niya ngunit hindi sa akin nakatingin kundi sa mga kamay niya.

Bumangon ako ng kama at tumabi sa kanya sa pagkakaupo. "I'm not satisfied." Pag-amin ko.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon