"Sometimes love can be dangerous..."
Celeste POV
"Dahil mahal kita."
Napaawang ang aking mga labi at nanlalaki ang mga mata sa narinig.
What?
"Kaya hangga't maaari, hangga't may pagkakataon pa, umalis ka na Celeste at huwag na huwag ka ng babalik pa dito sa Isla dela Gracia." Sabay itinutok muli sa akin ang hawak niyang baril.
Napailing-iling ako. Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyong sinasabi ni Vanessa sa akin ngayon. This is too much.
Paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya? Si Clyde? Isa lang siyang impostor? Sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman.
"Totoo ang lahat ng mga sinasabi ko sayo, Celeste." Para namang nabasa niya ang pagkalito sa isip ko ng mga sandaling iyon. "You have to believe me."
Should I?
"How about Rachel?" Naalala kong itanong. "K-kasabwat mo rin ba siya?" Hindi ko lubos maisip na nagkukunwari lang si Clyde... at mas lalo na si Rachel na naging mabait sa akin sa loob ng mahigit isang taon. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Kahit minsan hindi ako nagduda sa kabaitan niya.
"No." Maikling sagot niya at kahit papaano ay naibsan ang lungkot ko dahil sa narinig.
"And the ID's? Where did you get that name?" Nagtatakang tanong ko. That name means a lot to me.
Hindi siya agad nakasagot. "I prepared everything." Ang tanging naisagot niya sa tanong ko. "Even for your safety." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Napangisi siya, ngising may halong pagkasarkastiko. "Sa tingin mo bakit hindi ka natunton ni Leandro sa mga panahong iyon? Simply because I protected you! Kinumbinsi ko si Theo na paniwalain ang ibang tao na patay ka na!"
Napailing-iling ako. "You're lying."
"Of course not!" Mabilis niyang pagtanggi. "You have to believe me, Celeste!"
"Papaano kita paniniwalaan?" Naguguluhang tanong ko. "Sinasabi mong tinulungan mo ako para makaalis dahil sa pagkakaintindi ko, concern ka sa akin at mahal mo ako?" Kunot-noong patanong kong saad. "Pero ngayon tinututukan mo ako ng baril? Tell me, papaano kita paniniwalaan? Simula ng umapak ako sa islang 'to, never mo akong pinakitunguhan ng maganda!"
Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang libreng kamay at ang pagtatalo ng kalooban base sa ekspresyon sa kanyang mga mata. Ngunit ilang sandali lang ay ibinaba niya ang baril mula sa pagkakatutok sa akin.
"I lied." Narinig kong sabi niya sa mahinang tinig. Nalilitong napatitig ako sa kanya. "I lied to you... to Theo... to myself." Parang nahihirapang bigkas niya. "I hid the whole truth. I kept it to myself."
Napapikit siya at napailing-iling. At nang muling magmulat ng mga mata ay mababanaag ang determinasyon sa mga ito.
"Kaya kung pupwede, umalis ka na!" May kalakasang utos niya. "Someone will pick you up here. Nasa kanya na ang lahat ng kakailanganin mo. And please Celeste, huwag ka ng magpapakita pa ulit kay Theo. Para na rin sa iyong kapakanan."
Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. "Para sa aking kapakanan o para sa iyong kaligayahan?" Nang-aakusang tugon ko. "Alam naman nating pareho na may gusto ka sa asawa ko. At ang sinasabi mo sa akin na mahal mo ako at concern ka? Nahihibang ka na! Hindi mo ako mapapaniwala."
"Celeste -"
"No, Vanessa! Ikaw ang makinig sa akin." Dinuro ko siya. "Hindi ako aalis ng isla." Matigas na sabi ko. "Mahal ko si Theo. Hinding-hindi ko na siya ulit iiwan. Ang pag-alis ko noon, isa iyong napakalaking katangahan. Natakot ako, oo. Pero hindi na ngayon." Puno ng determinasyong pagpapatuloy ko. "At si Leandro? Huwag kang mag-alala, hindi siya makakalapit kailanman kay Theo."
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
Lãng mạnThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...