"So it's true. When all is said and done, grief is the price we pay for love."
Celeste POV
"I'm Celeste Aquino, 21 years old," Kinakabahang pagpapakilala ko sa sarili ng ako na ang sumunod na i-interview'hin para sa bakanteng posisyon bilang isang call center agent.
Sa totoo lang ay ito ang kauna-unahang trabahong papasukin ko. Halos mag-iisang buwan na simula ng makatakas ako sa puder ni Andre. Paubos na ang dala kong pera kaya kahit sobrang kinakabahan at natatakot lumabas sa pinagtataguan ay kailangan kong maghanap ng trabaho.
Isa sa mga ipinagpapasalamat ko sa kanilang mag-ama ay pinag-aral nila ako ng high school hanggang kolehiyo. Bukod doon, tinulungan din nila akong mailipat ang bangkay ni ate Hannah sa tabi ng puntod ng aking mga magulang at kuya Carlo. Ibinigay nila ang lahat ng pangangailangan ko.
May isang bagay lang akong hindi gusto o kinakatakutan sa kanila... lalo na sa matandang Salvatore.
Isang linggo buhat ng matapos ang interview ay tinawagan ako ng kompanya para mag-report kinabukasan. Tuwang-tuwa ako. May mga naging kaibigan din agad ako sa trabaho. Ayos lang naman ang sahod, wala akong mairereklamo. Okay lang sa akin ang sched ng shift ko, gabi o minsan din 'yong tinatawag nilang graveyard shift.
Magli-limang buwan na ako sa pinagtatrabahuan ng matunton ako ni Andre...
"Celeste." Bigkas niya habang nakangisi. "Long time no see, mahal kong asawa."
Napalunok ako ng makita ko ang nakangisi niyang mukha. Pakiramdam ko isang demonyo ngayon ang nasa harapan ko. Mabilis akong pumihit patalikod para sana tumakbo pero mabilis niya akong nahawakan sa buhok at hinila. Napahiyaw ako sa sakit.
"At saan ka na naman pupunta?" Nakangisi man pero ramdam ko ang kanyang panggagalaiti. "Hmm, I remember." Tsaka inilapit ang mukha sa akin. "We have not consummated our marriage."
"P-please, Leandro." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ako.
"Dahil tinakasan mo ako." Sabay hila sa buhok kong hawak niya.
Napapikit ako sa sakit pero di ako umimik. Kilala ko siya, habang nakikiusap ka sa kanya, mas lalo siyang nasisiyahang gawin kung anong gusto niya o naisip.
Naging mabait naman siya sa akin. At some point siguro minahal ko din siya, pero siguro hindi gano'n kalalim na klase ng pagmamahal para tanggapin ang mga masasamang ginawa niya. Natakot na rin ako sa kung ano pa ang kaya niyang gawin. Kaya naman sa gabi mismo pagkatapos ng kasal ay tumakas ako.
"Nakalimutan mo na ba ang lahat ng ginawa ko para sayo?" Tanong niya.
"N-no." Umiiyak ng sagot ko.
"Kung hindi dahil sa akin, napariwara na ang buhay mo." Saad niya.
"Andre, nasasaktan ako -"
"E ako?!" Napahiyaw akong muli ng hinila pa niya lalo ang buhok ko. Ang sakit na ng anit ko. "Hindi ako nasaktan gano'n, ha Celeste?!"
"Gagawin ko na ang gusto mo, pabayaan mo lang ako!" Walang magawang pakiusap ko.
Hindi siya agad nakakibo. Ngunit kapagkuwa'y binitawan na niya ako. Muntik na nga akong mapasubsob ng marahas niya akong binitawan. Nagpatiuna itong pumasok sa loob ng apartment na inuupuhan ko. Sinenyasan ako ng isa sa kanyang mga tauhan gamit ang baril na sundan si Leandro.
"Hmm." Naigala niya ang paningin sa kabuuan ng studio type apartment na inuupahan ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ipinagpalit ang magandang buhay mo sa piling ko sa ganitong klase ng pamumuhay." Panunuya niya. "Pathetic."
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...