"Treat me like a joke and I'll leave you like it's funny."
Celeste POV
Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. Mukha ng isang magandang babae ang nabungaran ko. Nakahiga paharap sa direksyon ko si Theo. Mahimbing pang natutulog. Medyo disoriented pa ang utak ko at napapaisip pa kung nasaan ako at kung bakit ko siya kasama ngayon. Noong una nga ay inakala kong nananaginip lang ako. Ngunit habang tumatagal akong nakatitig sa kanyang mukha ay unti-unting bumabaha sa isip ko ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Pagkatapo ng mahigit isang taon, ngayon ko na lang ulit nabungaran ang kanyang mukha. Ipokrita ako kung sasabihin kung hindi ko na-miss pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Lihim akong napangiti ng tipid sa huling naisip. She's an angel in disguise.
Para siyang isang anghel pag natutulog. Ang amo ng kanyang mukha. Ang kinis ng kanyang mga pisnging bahagyang namumula-mula pa kung minsan. Ang mahahaba niyang pilik mata, matangos na ilong at manipis na pouty lips na natural ng pinkish.
Matangkad si Theo. Kung hindi ako nagkakamali, 5'9 ang height niya. Habang ako ay 5'6 1/2 lang ang height. Magaling siyang magdala ng sarili. At dahil maputi, parang lahat ng isuot ay babagay sa kanya. Typical na aristokrata at sopistikada. She will definitely stand out in a crowd. She's smart... and ruthless to her enemies.
Ngunit ang talagang nami-miss ko sa kanya ay ang kanyang mga paglalambing. Mga ngiting hindi ako nahihirapang kunin.
Bahagya akong napangiti ng maalala ang nangyari kahapon sa loob ng sasakyan. Ngayon ko lang ito actually napagtuunan ng pansin. Noong niyakap niya ako upang protektahan. Ni hindi niya naisip ang sariling kaligtasan. Mabangis man si Theo na parang sa isang tigre, alam kong sa loob nito ay isang babaeng puno ng pagmamahal at pagpapahalaga.
Walang ano-ano'y tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw ng bedside table, sa tabi niya. Awtomatiko siyang nagmulat ng mga mata at nagkatitigan kami. Mukhang maging siya ay bahagyang naguluhan na mabungaran ako sa tabi niya. Kapagkuwa'y tumihaya siya ng higa at sandaling nag-inat bago dinampot ang cellphone. Saglit na tinignan niya kung sino ang tumatawag bago ito sinagot.
"Vanessa." Bigkas niya sabay napaupo sa kama.
Napapikit ako at lihim na napasimangot ng marinig ang pangalan ng babaeng 'yon. Hindi pa man nagsisimula ang araw ko ay sira na ito dahil sa kanya. Bumangon ako't naupo sa kama, pasandal sa headboard.
"Okay, sige." Narinig kong sabi ni Theo. "Maliligo lang ako." Hinawi niya ang kumot tsaka parang tinatamad na bumaba ng kama. "Hintayin mo na lang ako sa lobby."
Maya-maya pay ibinaba na niya ang tawag. Inilapag niyang muli ang cellphone sa kung saan niya ito dinampot kanina.
Eksaherada akong napatikhim. "M-may pupuntahan ka?" Lakas-loob kong tanong.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Parang walang naririnig na naghalungkat siya ng maisusuot sa nakabukas na maleta, sa ibabaw ng sofa sa bandang gilid.
Napatirik ang aking mga mata. "Kasama si Vanessa?"
"Don't start." Malamig niyang sagot ng hindi tumitingin sa akin.
Hindi ako agad nakakibo. "Sasama ako."
Natigilan siya sa ginagawa. Akala ko ay hindi na siya sasagot pero pormal ang mukhang pumihit siya paharap sa direksyon ko. "Magsasabong lang kayo ni Vanessa."
"Theo -"
"Naii-stress na ako, huwag mo ng dagdagan." Naglakad siya papalapit sa kama upang ilapag ang damit na napiling suotin.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
Storie d'amoreThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...
