"I will never regret you or say that I wish I'd never met you because once upon a time, you were exactly what I needed."
Celeste POV
Natawa ng malakas si Andre sa sinabi ni Theo. Naghahalo na ang pawis at luha sa aking mukha.
"How pathetic." Puno ng pang-uuyam na bigkas ni Leandro. "You're saving someone who isn't yours to keep."
"Please Andre..." Pakiusap ko.
"Bakit mo isinusugal ang buhay mo sa babaeng hindi naman sayo?" Nakangising pagpapatuloy niya.
Napalunok ako at napapikit habang malayang umaagos ang luha sa aking magkabilang pisngi. Inihanda ko na ang sarili sa susunod na sasabihin ni Leandro.
Narinig ko ang pagtawa ng marahan ni Theo dahilan ng aking pagmulat. Kitang-kita ko ang talim ng kanyang pagkakatitig sa lalaking nakahawak sa akin at sa baril na nakatutol sa ulo ko.
"Stop whining like a girl, Leandro." Puno ng pang-uuyam na sabi niya. "Let's finish this once and for all. Masyadong maraming oras na ang nasayang. Hinihintay ka na ni Satanas sa impyerno."
Natawa ng malakas si Leandro. "You don't get it, do you?" Nakangising saad nito. "Mukhang hindi pa nasasabi sayo ni Celeste ang buong katotohanan." Napapalatak pa ito. "Sa tingin mo, bakit siya nagpakasal sayo?"
"Leandro, please tama na!" Pakiusap ko.
"Shut up!" Sabay hinigpitan ang pagkakahawak nito sa braso ko.
Napangiwi ako sa sakit ng ginawa niya dahilan ng pagdilim lalo ng mukha ni Theo.
"Salvatore!" Sigaw niya sabay napahigpit ang pagkakahawak sa baril.
Ikinangisi ito ni Leandro. "Alam mo, Theodore?" Sambit nito. "Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sayo. You're so in love with her." Sabay nang-aasar pang inamoy ako sa buhok. Bahagya akong napalayo ng akma ako nitong hahalikan sa pisngi. "Hindi mo ba alam kung ano ang totoong pakay niya sayo?"
"Please..." Pakiusap ko dito.
"Ang paslangin ka!" Tsaka ito tumawa ng napakalakas.
Nagkatinginan kami ni Theo. Umiiyak ako habang napapailing-iling.
"At ang kasal ninyong dalawa ay walang bisa." Pagpapatuloy ni Leandro. "Dahil kasal siya sa akin! Ako ang totoong asawa niya!"
Napapikit ako ng makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Theo at ang kaguluhan sa kanyang mukha.
"I know."
Awtomatiko akong nag-angat ng tingin ng marinig ang isinagot ni Theo sa mahinang tinig. Muling nagtama ang aming mga mata.
"Alam ko..." Sabi niya habang nakatitig sa akin. "Alam ko lahat." Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nagdaan sa kanyang mga mata.
Bahagyang nakaawang ang mga labi habang tahimik na umaagos ang aking mga luha. Ako yata ang mas nasorpresa sa aming dalawa.
Alam niya? Bakit hindi niya ako kinumpronta? Bakit hindi man lang siya nagbigay ng indikasyon na alam niya lahat?
Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha ng magbaling ng tingin kay Leandro. "Kaya pasensya ka na kung hindi na ako nagulat." Nanunuyang sabi niya dito.
Hindi agad nakahuma si Leandro sa inihayag ni Theo. Naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng pagkakahawak niya sa akin. Mukhang siya ang nasorpresa.
"Nonsense!" Biglang nainis na sigaw ni Leandro sabay ipinutok ang hawak na baril.
Kapwa kami nagulat ni Theo. Hindi namin iyon inaasahan. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...