"One glance at you, that's all it takes to make my heart beat faster."
Celeste POV
"Sino'ng nagbigay?" Tanong ko sa kasambahay na naghatid ng agahan ko sa kuwartong ginagamit ko.
May dala pa kasi itong isang bungkos ng bulaklak. Tulips. Kaya tinatanong ko sa kanya kung sino nagbigay kahit na may hint na ako kung sino. Alangan naman kasing si Vanessa? Urgh!
"Si senyorita Theo po." Tugon nito.
Dahan-dahan akong napabuntong-hininga. "Pakibalik na lang." Utos ko dito.
"Ho?" Nabibiglang bigkas niya.
"O di kaya sayo na lang kung gusto mo." Sabi ko tsaka nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato ko. Breakfast in bed eh?
Wala naman ako sakit... I mean, masakit ang puso ko pala. Nabwibwisit pa rin ako sa ginawa ni Theo kahapon. At ang bruhitang 'yon nag-iwan pa ng mga kagat sa leeg ko, sa dibdib, sa puson... pati sa legs ko! Nagkapasa din ang braso kong mahigpit niyang hinili kahapon.
Hmp! Akala naman niya madadala niya ako sa pabulak-bulaklak niya.
"E... ma'am kasi..." Nakangiwing bigkas niya.
Mabagal akong napabuntong-hininga. "Pakibigay mo na lang sa kasama niyang demonyita." Napansin ko ang naguguluhang ekspresyon sa kanyang mukha. "Fine." Sabay napabuga ng hangin na bigkas ko. "Pakiiwan na lang diyan."
"Sige po." At agad naman itong tumalima.
Inilapag niya sa ibabaw ng bedside table ang bouquet bago magalang na nagpaalam na lumabas na. Nakapatitig ako sa bulaklak habang ngumunguya. Naalala ko 'yong pagpunta niya sa flower shop at nabanggit niya na paborito daw ng asawa niya ang Tulips.
Haist, she never forgets. Ani ko sa isipan.
Speaking of, maayos naman daw ang takbo ng flower shop, ayon na rin kay Rachel na nakausap ko kagabi. Tinatanong nga niya kung kailan ako babalik ng Baguio dahil nami-miss na daw niya ako. Mukhang nagtatampo daw sa akin ang unlce Clyde niya.
Naisip ko, sasabihin ko sa kanila ang totoo kong pagkatao pagbalik ko ng Baguio.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa balkonahe at nagbasa-basa. Ngunit parang ayaw naman makisama ng isip ko. Natatanaw ko kasi mula dito ang green house. Ipinatayo iyon ni Theo noon bilang regalo sa akin sa first year wedding anniversary namin. Alam niya kasing mahilig ako sa mga halaman, lalo na sa mga bulaklak. Kaya naman noong nagpunta ako ng Baguio ay ito agad ang naisip kong ipatayong negosyo.
Napatayo ako sa kinauupuan at muling pumasok sa loob ng kuwarto. Inilapag ko ang binabasang libro sa ibabaw ng kama bago naglakad patungong pinto. Lumabas ako ng bahay at nagtungo south wing kung saan papunta sa garden... sa green house.
Ang tahimik ng hallway, ang tunog lang ng yapak ko ang tanging maririnig. Wala akong nakakasalubong dahil sa pagkakaalam ko papunta na rin ang hallway na 'to sa warehouse.
"Going somewhere?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko ng kakalabas ko lang ng pinto.
Hawak ang dibdib na napalingon ako sa babaeng nagsalita. Si Vanessa. Nakahalukipkip ang isang kamay na nakasandal ito sa pader, malapit sa pintong nilabasan ko, habang humihithit ng sigarilyo. Eksperto pa nitong ibinuga ang usok.
"Bruhang 'to." Nabibiglang bigkas ko sa mahinang tinig na mukhang narinig naman niya dahil tinaasan ako ng kilay. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...