Chapter 25 Ricochet

5.7K 330 87
                                    

"Love is not as easy as it seems."



Celeste POV



"Good morning." Masiglang bati ni Vanessa ng pumasok siya sa dining room.

Halos sabay kaming nagbaling ng tingin ni Theo dito. Kanina pa kami nag-umpisang kumain. Hindi na namin siya hinintay.

"Someone had a nice sleep last night." Komento ni Theo tsaka uminom ng juice.

"Sabihin na lang nating hindi ako binangungot kagabi." Nakangiting tugon ni Vanessa. Mababanaag nga ditong masaya siya.

Nanatili lang akong tahimik ngunit nakikinig sa usapan nila.

"So how was the deal?" Tanong ni Theo.

"Don't worry about it." Tugon niya. "Ipapadala na lang nila ang kontrata para pirmahan natin."

"How much?"

"Six million a month."

"Hmm." Napatango-tango si Theo. "Not bad."

"Madali lang naman kausap si Blaire." Nagsimula na ring kumain si Vanessa.

"Blaire." BIgkas ni Theo. "Hindi ko alam gano'n na pala kayo ka-close ni Mrs. Karlsson? Knowing na inuwi mo dito sa isla ang kanyang anak."

Napaangat ang gilid ng labi niya. "She wanted to see where I came from... so..."

Napangisi si Theo. "I hope she enjoyed her time here since we both know how welcoming you are." Makahulugang komento nito. "Very... very welcoming."

She chuckles. "Now you're jealous."

"Whatever, Van." Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Anyways, may mga bagong dating na kargamento. Gusto kong i-check mo ang mga 'yon bago mai-transfer." Bilin niya dito.

"Sure." Maikling sagot nito.

Napasunod ang tingin ko kay Theo habang papalabas ng dining room. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap.

"How are you?" Narinig kong tanong ni Vanessa.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Anong gusto mong isagot ko?"

"I heard hindi ka raw lumalabas ng kuwarto mo noong wala ako. Buti ngayon lumabas ka na."

"Nagugutom ako." Simpleng sagot ko.

Natawa siya ng marahan at napailing-iling. "Honestly, hindi ko na alam kung anong iisipin ko sayo, Celeste."

Napangisi ako ng may halong pagkasarkastiko. "Huwag kang mag-alala, ako din. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko." Nakatitig sa kanya ng matamang tugon ko. "Kung sa akin ka nga ba concern o sa asawa ko."

"Seriously, Celeste?" Napangisi siya ibinaba niya ang hawak na toasted bread, nagpunas ng kamay gamit ang table napkin tsaka dinampot ang tasa ng kape na nasa kanyang tabi. "Iniisip mo pa ba 'yon." Tsaka napapailing-iling na napahigop ng kape. "Of course, concern ako sayo at kay Theo. See? I am paid to be her right-hand woman."

Hindi ako agad nakakibo. Napasandal ako sa kinauupuan ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi lang 'yon ang ginagawa mo?"

"What do you mean?" Nagpatuloy siya sa pagkain.

"Ewan ko." Sabay nagkibit-balikat. "Pakiramdam ko lang."

Napailing-iling siya. Kapagkuwa'y tumayo na siya mula sa kinauupuan. Ni hindi pa nga niya nauubos ang kinakaing tinapay. "You are being paranoid." Sabi niya bago tumalikod.

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon