Epilogue

12.3K 493 119
                                    

"Amid secrets and monsters and fire and death; amid every uncertainty; love existed. Love is real. True love wins."


Celeste POV


May kalakasang ihip ng hangin, alulong ng mga aso at animong natatarantang mga tinig ang naririnig ko sa di kalayuan. Hinihingal na tumigil ako sa pagtakbo, kipkip sa aking dibdib ang may kaliitang bag na naglalaman ng pera at ilang dokumentong kakailanganin ko. Napalingon ako sa madilim na lugar kung saan ako nanggaling ng makarinig ng papalapit na papalapit na tinig. Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy sa pagtakbo. Sinag ng bilog na buwan ang tanging ilaw sa aking dinaraanan. Kailangan kong makarating sa tabing-dagat sa lalong madaling panahon bago nila ako maabutan.

Iisa lang ang tanging laman ng aking isipan. Ang makatakas sa lugar na ito. Ang makalayo... malayong-malayo sa kanya.

Muli kong narinig ang kahol ng mga asong dala ng kanyang mga tauhan sa paghahanap sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Hindi ko na inalintana ang ilang damong nasasagasaan ko sa pagtakbo kahit na ang iba dito ay nagdudulot sa akin ng sugat. Para akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko na ang paghampas ng alon sa dagat. Malapit na... malapit na...

Ngunit natigilan ako ng makarinig ng putok ng baril. Gulat na gulat na muli akong napalingon sa aking likuran.

Bang!

Wala sa sariling napasinghot ako. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha sa aking pisngi. Pero pilit kong iwinaksi ang eksenang iyon kaninang hapon sa aking isipan at itinuon ang konsentrasyon sa pagtakas.

Mabilis akong tumakbo patungo sa dalampasigan. Hinanap ko ang bangkang tinutukoy ng taong tumutulong sa pagtakas ko. Agad ko naman itong namataan sa di kalayuan. Mabilis ko itong tinungo. Nagsimula ng bumuhos ang ulan. Gamit ang buong lakas, itinulak ko ito patungo sa tubig. Nagsisimula na ring lumaki ang mga alon. Sumakay na ako dito pagkatapos. Pero natigilan ako ng makita ang motor ng bangka.

"Dalian niyo!"

Nataranta ako ng marinig ang tinig na iyon. Malapit na sila!

Natataranta at di makapag-isip ng maayos na hinanap ko kung papaano andarin ang motor ng bangka.

"Shit, shit, shit!" Paulit-ulit na mura ko ng mapansin ang ilang ilaw na nanggagaling sa flashlights na papalapit ng papalapit.

Hanggang sa naandar ko na ito. Para akong nakahinga ng maluwag ng magsimula ng umusad ang bangka.

"Celeste!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. At hayon siya, nakatayo sa dalampasigan. Nakasuot siya ng all-black outfit. Kahit malayo, parang naaaninag ko ang galit na galit na mukha niya. Napalunok ako at may lungkot na nakatingin dito hanggang sa paliit ng paliit siya sa aking paningin. Pinanood lang niya ako habang papalayo ng papalayo. Isa-isang lumapit sa kanya ang kanyang mga tauhan.

"Paalam..." Ani ko. "Paalam, Theo." Malungkot at luhaang bigkas ko.

Ngunit ang lungkot na nararamdaman ko ay agad na naglaho ng makita ang malaking alon na tatama sa kinasasakyan kong bangka. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako dito. Pilit ko mang makapag-isip ng paraan para maiwasan ito pero huli na. Tumama ito sa bangka dahilan ng pag-alog alog nito hanggang sa tumaob at malaglag ako sa tubig.

Napasinghap ako ng maka-recover ako mula sa pagkakabagsak ko sa tubig. Pero hindi pa man ako nakakalangoy, isa na namang malakas na alon ang paparating. At bago pa ako nakaiwas, isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo dahilan ng agad na pagkawala ng aking malay...

Her Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon