"Being an important person in someone's life is the best way of feeling elated."
Vanessa POV
"Celeste!"
Mabilis akong naglakad mahabol lang ito sa pagpasok sa loob ng bahay. Nauna ng nakauwi si Theo mula sa burol. Alam ko, galit na galit ito ngayon sa amin ni Celeste.
"Celeste!" Muli kong tawag.
Paakyat na siya ng hagdan ng maagap kong mahawakan siya sa braso at pigilan. Ipinihit ko siya paharap sa akin.
"What were you thinking?" Kumpronta ko sa kanya. "Huh?!" Bahagya ko siyang niyugyog.
Tiningnan niya ako ng masama. Marahas niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak ko. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko siyang saktan ka?" Galit ding sagot niya.
Hindi nito maitago ang panginginig sa kanyang tinig. Mababasa rin ang takot na nararamdaman sa kanyang mga mata.
"E pa'no pag napatay ka niya?" Singhal niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. Mataman akong napatitig sa kanyang mukha. "So naniniwala ka na sa akin?" Tanong ko.
Imbes na sagutin ako, inirapan lang niya ako bago pumihit patalikod.
Pareho kaming natigilan ng makarinig ng malakas na sigaw sa hallway papuntang workroom. Sabay kaming napatingin sa direksyong pinanggalingan nito. Maglalakad na sana si Celeste patungo doon pero mabilis ko siyang napigilan sa braso.
"No." Sabi ko.
"Pero -"
"Ako na ang pupunta doon." Maagap kong putol sa protesta niya.
"She needs me." Kakikitaan ng pag-aalala ang kanyang mukha.
"No, Celeste." Pagkontra ko. "She will kill you. Mas kilala ko siya kaysa sayo. Kaya ako ang pupunta."
Napatingin siya sa direksyon patungo sa workroom tsaka muling nagbaling ng tingin sa akin. "Paano kung ikaw ang patayin niya?" Hindi nito maitago ang pag-aalala.
Napaangat ang gilid ng labi ko sa narinig. "Pakitapon na lang ang bangkay ko sa dagat." Sinamaan niya ako ng tingin. "Pero siguraduhin mong naka-makeup pa rin ako at maganda. Ayokong makipagkita kay Satanas na hindi maayos ang itsura."
Sukat sa sinabi ko ay hinampas niya ako sa braso. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.
"Magsama kayong dalawa!" Galit na sabi niya bago nagmamadaling umakyat ng hagdan.
"Lock your room!" Pahabol ko.
Lumingon lang siya para bigyan ako ng nakakamatay na irap bago nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Inihatid ko siya ng tanaw hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napatingin ako sa hallway kung saan nanggaling ang sigaw ni Theo kanina. Eksaherada akong napabuga ng hangin bago determinadong naglakad patungo sa kinaroroonan niya.
Sandali akong tumigil sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng kanyang workroom. Wala akong marinig na anumang ingay mula sa loob. 'Yon ang mas nakakakaba pagdating kay Theo. 'Yong alam kong galit siya pero mukha pa ring kalmado.
Huminga ako ng malalim sabay hinawakan ang doorknob. Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at binuksan na ang pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan. Nabungaran ko si Theo na nakatayo sa harap ng kanyang mesa, nakatukod ang mga kamay sa ibabaw nito, patalikod sa direksyon ko. Walang kibong pumasok ako sa loob at isinara ang pinto tsaka ito hinarap.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...