"My heart cannot find rest while you are gone. Everything has lost its color since you are not here. I miss you. In short, I just feel I am nothing without you."
Celeste POV
Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa malawak at malinaw na dagat mula sa balkonaheng kinatatayuan ko. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng bumalik kami dito sa isla. Sa kabila ng mga masasamang nangyari, tila walang ipinagbago ang isla. Ngunit ang mga taong nakatira dito sa casa para bang estranghero na sa isa't isa. I'm pertaining to Theo and me, of course.
Iniisip ko nga na sana hindi na lang ako umuwi dito. Anyways, balak ko ng bumalik ng Baguio at tumira na doon... for good. Mami-miss ko ang isla... mami-miss ko si ate... but of course, mami-miss ko si Theo. I love her. Pero hindi ko alam kung mahal pa rin niya ako.
Iniisip ko pa lang na siguro hindi na ulit kami magkikita ay naiiyak na ako. Nasasaktan... pero mas masakit para sa akin na makita siyang nahihirapang pakisamahan ako. Tipong palagi siyang naaalibadbaran sa presensya ko dito sa casa. Masakit... pero kasalanan ko kaya kailangan ako ang magtiis at mag-adjust.
"Hay."
Isang eksaheradang buntong-hininga ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lumingon o manghula pa kung sino ito. Pabango pa lang niya kilalang-kilala ko na.
"Ang aga-aga nagsesenti ka na naman." Parang nababagot na komento ni Vanessa ng tumabi siya sa kinatatayuan ko at nakitanaw sa malayo.
Maayos-ayos na ang kanyang kalagayan. May sling bandage pa rin ang kanyang kaliwang kamay at kahit papaano ay natutuyo na ang sugat niya sa tagiliran. Sa katunayan ay ngayon lang ito lumabas ng kuwarto.
Hinarap ko siya. "Ba't lumabas ka na ng kuwarto mo?" Saway ko sa kanya. "Baka mapwersa 'yang sugat mo."
She rolled her eyes. "Arrgh, hindi ako baldado." Reklamo niya. "At mas lalong hindi ako bilanggo." Sabay irap.
"Vanessa -"
"Where's Theo?" Maagap niyang putol sa pananaway ko.
Napasimangot ako. "Huwag mong ibahin ang usapan."
Parang bagot na bagot ang mukhang nagbaling siya ng tingin sa akin. "Where's Theodore?"
Napailing-iling ako. "Wala. Maagang umalis." Tipid kong sagot.
Napataas ang kilay niya. "Saan daw ang punta?"
"Aba, malay ko!" Tugon ko. "Alam mo namang hindi ako kinakausap no'n. Ni hindi nga niya ako pinapansin! Magpaalam pa kaya kung saan siya pupunta?" Tuloy-tuloy na saad ko.
Napaangat ang gilid ng kanyang labi. As usual, nakabihis na naman ito na animo palaging may lakad. Naka-makeup pa e dito lang naman siya sa bahay!
"Don't worry, hindi 'yon mambababae." Nakangisi niyang sabi.
Agad akong nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. "I don't care." Tugon ko. "You were right. Wala naman talagang bisa ang aming kasal. She's single... and free."
"Bitter, sis?" Panunukso niya na tinugon ko ng irap.
"Maiba ako." Sabay muling hinarap siya. "Sino pala 'yong pinag-uusapan niyo noon ni Theo?" Naalala kong tanong. Sa mga nangyari kasi di ko na naisip itanong ito sa kanya.
Napakunot-noo siya. "Alin doon? Marami kaming pinag-uusapan ni Theo. Isa ka na doon." Prangka niyang sagot.
"At ano naman ang pinag-uusapan ninyo ni Theo tungkol sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...