"The disappointments, the injustices, and the unfair treatment of others can never make me become a bitter person, far from it. It rather makes me become more and more generous and compassionate. Because down in my heart, am very much at peace with myself."
Vanessa POV
Naiinip na napasulyap ako sa suot na wrist watch. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na akong napatingin dito buhat ng mag-alas otso ng gabi. Nagugutom na rin ako pero hindi ko pa maipa-serve ang pagkain dahil wala pa ang 'date' ko.
"Damn it." Mahinang mura ko ng mapansing thirty minutes na ang lumipas pero wala pa rin ito.
Nagsisimula na akong mainis. Dinampot ko ang gold purse na nasa tabi ko para kuhanin ang cellphone ko. Titignan ko kung na-save ko ba 'yong cellphone number ng sekretarya niya na nakausap ko kanina. Itatanong ko lang kung matutuloy pa ba sa pagpunta ang amo niya o hindi na ng hindi ako parang mukhang tangang naghihintay dito.
"I'm sorry, I'm late."
Mabagal akong nag-angat ng tingin ng marinig ang tila hinihingal na tinig na iyon. Isang magandang babaeng nasa early twenties ang nabungaran ko. Mahaba ang medyo kulot nitong itim na buhok na malayang nakalugay. Ibinaba niya ang dalang handbag tsaka bago naupo sa upuang nasa tapat ko.
"Medyo traffic tsaka naghintay pa ako ng maghahatid sa akin dito -"
"Excuse me?" Kunot-noong bigkas ko.
Noon siya nag-angat ng tingin sa akin pagkatapos siyang makaupo ng maayos. Nagtama ang aming mga mata.
Fine, she's gorgeous. Pero hindi siya 'yong 'date' na hinihintay ko. Sa ibang araw na lang siya mamali kung pwede. Ani ko sa isipan.
"Who are you?" Naguguluhang tanong ko.
"Oh!" Bulalas niya. "I'm Bryle." Sabay lahad ng kanyang kamay. "Bryleigh Arevalo-Karlsson."
Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang nakalahad tsaka muling tumingin sa kanya. "And?"
Parang bigla siyang naguluhan. May pag-aatubiling binawi niya ang kamay. "Aren't you Miss Vanessa Calderon?"
"Yes, I am her." Kunot-noo ko pa ring sagot.
Napangiti siya. "Then I am at the right place and with the right person." Tsaka unti-unting napangiwi. "But not at the right time. And I'm sorry about that."
"So you're the assistant?" Komento ko.
"Apprentice, actually." Pagtatama niya.
"Hmm." Mabagal akong napahugot ng hininga tsaka naupo ng diretso. "I need to talk to her. It's very important which is why I have set an appointment to meet her. Not with her assistant or apprentice or..."
"Daughter." Siya ang nagdugtong nito.
"Right." Bigkas ko.
Namayani ang nakabibinging katahimikan sa aming pagitan. Diretso lang ang tingin ko sa kanya, silently observing her... err, fine, checking her out. Napansin ko ang ginawa niyang paglunok.
"Again," Bigkas niya sa mahinang tinig kapagkuwan. "I'm sorry but my mom wasn't able to meet you tonight. She has early commitments that's why she wasn't able to meet you. She sent me instead."
Sandali akong napaisip. "Shall we order?" Tanong ko dito. "Anyways, kanina pa ako nagugutom."
Napangiwi siya sa huling sinabi ko. "I'm -"
Maagap kong itinaas ang aking kamay para pigilan siyang humingi na naman ng paumanhin. "Hindi ako nagpunta dito para mag-ubos ng oras sa kakarinig ng 'sorry' mo."
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...