May kalakasang ihip ng hangin, alulong ng mga aso at animong natatarantang mga tinig ang naririnig ko sa di kalayuan. Hinihingal na tumigil ako sa pagtakbo, kipkip sa aking dibdib ang may kaliitang bag na naglalaman ng pera at ilang dokumentong kakailanganin ko. Napalingon ako sa madilim na lugar kung saan ako nanggaling ng makarinig ng papalapit na papalapit na tinig. Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy sa pagtakbo. Sinag ng bilog na buwan ang tanging ilaw sa aking dinaraanan. Kailangan kong makarating sa tabing-dagat sa lalong madaling panahon bago nila ako maabutan.
Iisa lang ang tanging laman ng aking isipan. Ang makatakas sa lugar na ito. Ang makalayo... malayong-malayo sa kanya.
Muli kong narinig ang kahol ng mga asong dala ng kanyang mga tauhan sa paghahanap sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Hindi ko na inalintana ang ilang damong nasasagasaan ko sa pagtakbo kahit na ang iba dito ay nagdudulot sa akin ng sugat. Para akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko na ang paghampas ng alon sa dagat. Malapit na... malapit na...
Ngunit natigilan ako ng makarinig ng putok ng baril. Gulat na gulat na muli akong napalingon sa aking likuran.
Bang!
Naalimpungatan ako sa malakas na alingawngaw ng putok ng baril. Napalinga-linga ako sa paligid, sa marangyang kuwartong kinaroroonan ko.
"Damn it!" Awtomatiko akong napalingon sa saradong pinto. Dinig na dinig ko mula dito sa kuwarto ang galit na galit na tinig niya.
Napatingin ako sa digital clock na nasa mesang katabi ng kama. Alas dos ng hapon na pala. Napasarap ang tulog ko.
Nagpasya akong bumaba ng kama. Ginamit ko ang kumot para takpan ang hubad kong katawan. Patungo na sana ako sa banyo ng makarinig ng magkakasunod na katok sa pinto.
"Pasok." Pagbibigay pahintulot ko sa kung sino man ito.
Isang may edad ng kasambahay na may dalang tray ng pagkain ang pumasok. "Kumain na daw po kayo, senyorita." Ani nito.
"Pakilapag na lang diyan." Sabay mosyon sa coffee table sa bandang gilid ng kuwarto, sa harap ng mahabang couch. "Salamat."
Magalang itong nagpaalam bago lumabas ng pinto. Tutungo na sana ako sa banyo ng sakto namang kumalam ang sikmura ko. Napangiwi ako at napahawak sa tiyan. Tinatamad na napaungol ako at imbes na magtungo sa banyo ay sa closet ako lumapit para kumuha ng roba tsaka isinuot ito.
Naupo ako sa mahabang couch pagkatapos at binuksan ang may takip na pagkain. Napapikit ako habang inaamoy ang pagkain. Amoy pa lang nakakagutom na. Magsisimula na sana akong kumain ng mapansin ang kulay pink na kapirasong papel na nakaipit sa ilalim ng malaking bowl na naglalaman ng sinigang na hipon. Puno ng kuryusidad na maingat ko itong kinuha at binuklat.
"Tonight at 10PM. May bangkang naghihintay sayo sa dalampasigan." Ang nilalamang mensahe nito.
Napasinghap ako sa nabasa. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpadala sa akin ng note. At kung sino man ang nasa likod nito ay alam niyang gusto kong makatakas sa lugar na ito at sa asawa ko.
Nasa gano'ng takbo ang isip ko ng biglang bumukas ang pinto. Mabilis kong itinago ang papel sa aking likod.
"You're awake." Bigkas niya. Bahagya kong nakitaan ng relief ang kanyang kanina'y aburidong mukha ng makita ako.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Yes." Tugon ko. "Kakagising ko lang."
Naglakad siya papalapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "Eat." Sabay mosyon sa mga pagkaing nasa harapan ko. "Kaninang umaga ka pa hindi kumakain."
Pagkasabi niya nito ay naglakad siya patungo sa closet. Napansin kong kumuha siya doon ng damit.
Napatikhim ako. "May lakad ka?" Tanong ko habang nagsimula ng kumain.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "May 'maliit' na problema sa mga kargamento." Makahulugan niyang sagot.
Hindi ako naniniwalang maliit iyon. "I heard a gun shot." Saad ko. "Kaya ako nagising."
Nagkibit-balikat lang siya. "Aalis ako." Pagbibigay-alam niya. "Baka bukas na ako makauwi." Tsaka siya nagbaling ng tingin sa akin.
"I'll be fine." Pagpapanatag ko sa kanya. Agad na pumasok sa isip ko ang nilalaman ng note. "Nandiyan naman ang mga guards."
Muli siyang napabuntong-hininga. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Care to join me?" May halong pilyang tanong niya.
Natawa lang ako ng mahina. "Mauna ka na." Mahinang taboy ko. "Hindi pa ako tapos kumain."
Ngumiti siya ng tipid sa akin bago tumalikod at magtungo sa banyo. Isinara niya ang pinto sa kanyang likod...
Wala sa sariling napasinghot ako. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha sa aking pisngi. Pero pilit kong iwinaksi ang eksenang iyon kaninang hapon sa aking isipan at itinuon ang konsentrasyon sa pagtakas.
Mabilis akong tumakbo patungo sa dalampasigan. Hinanap ko ang bangkang tinutukoy ng taong tumutulong sa pagtakas ko. Agad ko naman itong namataan sa di kalayuan. Mabilis ko itong tinungo. Nagsimula ng bumuhos ang ulan. Gamit ang buong lakas, itinulak ko ito patungo sa tubig. Nagsisimula na ring lumaki ang mga alon. Sumakay na ako dito pagkatapos. Pero natigilan ako ng makita ang motor ng bangka.
"Dalian niyo!"
Nataranta ako ng marinig ang tinig na iyon. Malapit na sila!
Natataranta at di makapag-isip ng maayos na hinanap ko kung papaano andarin ang motor ng bangka.
"Shit, shit, shit!" Paulit-ulit na mura ko ng mapansin ang ilang ilaw na nanggagaling sa flashlights na papalapit ng papalapit.
Hanggang sa naandar ko na ito. Para akong nakahinga ng maluwag ng magsimula ng umusad ang bangka.
"Celeste!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. At hayon siya, nakatayo sa dalampasigan. Nakasuot siya ng all-black outfit. Kahit malayo, parang naaaninag ko ang galit na galit na mukha niya. Napalunok ako at may lungkot na nakatingin dito hanggang sa paliit ng paliit siya sa aking paningin. Pinanood lang niya ako habang papalayo ng papalayo. Isa-isang lumapit sa kanya ang kanyang mga tauhan.
"Paalam..." Ani ko. "Paalam, Theo." Malungkot at luhaang bigkas ko.
Ngunit ang lungkot na nararamdaman ko ay agad na naglaho ng makita ang malaking alon na tatama sa kinasasakyan kong bangka. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako dito. Pilit ko mang makapag-isip ng paraan para maiwasan ito pero huli na. Tumama ito sa bangka dahilan ng pag-alog alog nito hanggang sa tumaob at malaglag ako sa tubig.
Napasinghap ako ng maka-recover ako mula sa pagkakabagsak ko sa tubig. Pero hindi pa man ako nakakalangoy, isa na namang malakas na alon ang paparating. At bago pa ako nakaiwas, isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo dahilan ng agad na pagkawala ng aking malay...
-Unedited.
BINABASA MO ANG
Her Wayward Wife
RomanceThere are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a real family... a normal family. She loves her but she has to leave her. And she only have one night to...