Chapter 1

8.7K 109 1
                                    

Kaya mo bang pumasok sa isang relationship na alam mong masasaktan ka? Kaya mo pa bang ipagpatuloy ang pag mamahal mo sa isang tao na alam mong balang araw ay iiwan ka? Kaya mo bang mag stay sa isang tao na alam mong hindi na mag tagagal sa tabi mo?
:
:
Staying and loving someone is the best part of our lives. Kahit alam mo na balang araw ay mawawala ang taong yun sayo, pero pipiliin mo paring mahalin sya at manatili sa kanya dahil sa nararamdaman mo. Yes, minsan mapag laro yung tadhana kasi minsan dadalhin ka pa nito sa isang tao na mananakit sayo ng sobra. Hindi mo aakalain na mag ma mahal ka ng isang tao pero mawawala rin sayo,ganon ka tanga ang tadhana. But then we still choice to love and stay even tho it will hurt us.
:
:
:
"My name is Deanna Wong. I am one of the most bravest person when it comes to love. I'm currently studying architecture, I always want to explore world para makita yung mga magagandang architectural work sa ibat ibang bansa. I'm the daughter of one of the most well known author in Philippines pero nasa abroad ako. Yung nanay ko yung nag papa Aral sakin, hiwalay na kasi si dad at mom. Doctor yung mama ko pero may sarili na rin syang pamilya at meron na rin akong mga nakakabatang kapatid. Simula ng nag hiwalay sila ni papa, lagi nalang akong na iiwan sa bahay, laging busy kasi si papa sa pag gagawa ng story nya tapos si mama naman minsan lang ako bisitahin dahil rin sa trabaho.
Bago sila mag hiwalay lagi silang nag aaway ni papa at mama tapos nag dala yun sakin ng trauma dahil sa mga sigaw nila gabi gabi.
Nung bata rin ako may na kilala akong isang kaibigan na lagi akong pinapa saya at nakiki pag laro saakin. Kahit kailan hindi nya sinabe yung name nya, basta tawagin ko lang daw sya sa pangalan na gusto kaya tinawag ko sya nun na Jemalyn. Sobrang ganda kasi ng mga ngiti nya tapos lagi pa nya along pinapa saya kapag nag aaway si mama at papa. Hanggang sa naging 11 years old ako at mag kaibigan pati kami. One Time naisipan ko nun na pumunta sa bahay nila para dalhin yung bago kong laruan pero naabutan kong wala ng tao sa bahay nila. Hindi ko alam kung San sila nag punta at kung ano na ang nangyari sa kanila hanggang ngayon. Akala ko nun kapag pinaramdam sayo ng isang tao na importante ka hindi ka na nila iiwan at lagi lang silang andyan sayo pero choice parin pala nila kung may stay o hindi.
Dahil dun sa nangyari ayoko na na mapalapit ng masyado sa isang tao kasi ang hirap nilang kalimutan pag iiwan ka na nila.
So what makes me the bravest person in love eh duwag nga ako na ibigay yung tiwala ko sa iba? Hmm are u ready to find out?"
:
:
"I'm here at Spain and I'm sitting in front of the most beautiful and tallest church in the world, the Sagrada Familia. Hindi parin to matapos tapos hanggang ngayon, sabi kasi ni Kath broken daw yung architect nito kaya hanggang ngayon ginagawa parin ang simbahan nato. Sobrang ganda nito pag masdan kahit na hindi pa ito masyadong tapos.
Mahilig ako na pumunta sa mga Lugar na madami yung architectural works, kumukuha kasi ako ng inspirasyon para sa mga gusto kong gawin pag maka graduate na ako. Balang araw gusto ko rin gumawa ng ganitong simbahan tapos ako yung architect para pag natapos na nakaukit dun yung pangalan ko at maalala ako ng tao. "
:
:
:
Nakaupo si Deanna sa bench at ginuguhit nya ang ang Sagrada sa dala nyang sketch paper. Naka focus lang sya sa ginagawa nya at hindi nya pinapansin yung mga tao na dinadaanan sya at tinitingnan ang ginagawa nya.
:
:
:
Girl: Ma!!! I'm here! Nakikita mo yun Ma? Yan yung Sagrada at sobrang ganda! Pag hindi na kayo busy ni papa pupunta ulit tayo dito ah
:
:
Naagaw ang tingin ni Deanna ng isang babae na Nakaupo malapit rin sa inuupuan nya. Sobrang lakas ng boses nito habang hawak hawak nito ang phone at parang may ka video call
:
:
Girl: Ma sana pag punta ulit natin dito gawa na to baka kasi hindi ko na maabu....
:
:
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin nya ng biglang sumingit ang kausap nito sa phone
:
:
Phone: Ah ah ah pupunta pa tayo dyan tapos gawa na yan. Tsaka pupunta pa tayo sa Netherlands, Iceland masisilayan pa natin yung Northern lights, pero pag hindi na kami busy ng kapatid mo
:
:
Dahil sa ingay ng katabi ni Deanna hindi na nya pinag patuloy ang pag guguhit ng Sagrada, kinunan nya nalang ito ng picture at sa Hotel nya nalang ipag pa patuloy. Tinitigan nya ang babae at pinag mamasdan nya lang ito habang nakikipag usap sa telepono
:
:
Phone: ate bilhin mo yung pinapa bili ko sayo dyan ah
:
:
Girl: opo bunso basta be nice to mom and dad ha habang wala akong dyan
:
:
Nakatitig lang si Deanna sa kanya at pinag mamasdan nya ito habang nag sasalita. Tumingin sya sa mga mata nito at sa labi,
:
:
Deanna : ang ganda mo pero ang ingay (ani nya sa sarili nya)
:
:
Girl:ma bye for now muna kukunan ko na ng picture to, maya nalang pag dating ko sa hotel
:
:
Agad na binaba ng babae ang phone, hinalungkat nito ang bag nya dahil hinahanap ang camera nya para kunan ang sagrada pero hindi nito mahanap kaya inalis nya ang mga gamit nya sa nakapaloob sa bag
:
:
Napansin naman ni Deanna na hulog ang passport nito pero hindi nya muna ito sinabihan baka kasi alam naman nito na hulog na yung passport nya.
:
:
Nahanap na ng babae ang Camera. Napansin nito na tumitingin sa kanya si Deanna kaya ngumiti ito kay Deanna pero iniwas naman agad ni Deanna ang tingin nya. Kinunan na nito ang Sagrada at pakatapos at ibinalik na ang mga gamit sa bag pero hindi nito nilagay ang passport.
:
:
Tiningnan ni Deanna ang passport nya na nasa sahig. Umalis na ang babae sa kinauupuan nito at walang pake alam na nawawala na ang passport nya. Dirideritso lang ito sa pag lalakad, wala ng magawa si Deanna kundi puluting ang passport nito para isauli konsensya pa kasi nya kung hindi ito makaka balik sa bahay nila.
:
:
:
To be continue.....

A/N hey guys ito na yung wish nyo,  na ipublish na dito sa wattpad,  we hope you like it and enjoy reading!  -AHS and Yue

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now