Deanna's POV
:
Nakarating na kami sa Hospital habang si Jema ay wala paring malay. Hindi ko na mapigilan ang emotion ko dahil sa kondisyon ni Jema, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko pag may mangyaring masama sa kanya. Dapat nag eenjoy kami ngayon at sinusulit namin ang araw na to pero ngayon andito kami sa Hospital dahil walang malay si Jema.
Pag dating namin sa Hospital ay hindi pa nga nakakatigil ang sasakyan ko ay may nakaabang na sa aming mga nurse na may dalang stretcher para dun isakay si Jema. Pag tigil ko ng sasakyan ay agad nilang kinuha si Jema sa loob ar isinakay ito sa stretcher at dali dali nilang pinasok sa loob. Naiiyak na ako habang nakikita ko si Jema na walang malay at papalayo na sakin dala dala ng nurse na sumakay sa kanya. Gusto ko sana syang sundan pero hindi ko kaya, ayoko syang makitang ganon dahil sakin, ayoko kong makita na ganon yung kondisyon nya dahil sa katangahan ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. Hinding hindi!
Imbis na sumunod ako dun sa loob ay napasandal nalang ako sa pinto ng kotse ko. Sobrang nanghihina yung mga tuhod ko at ang sikip sikip ng dibdib ko. Hindi ko mailabas ang pagiyak ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ang tanga tanga ko, sobrang tanga ko dapat ako yung nag poprotekta at nag papalakas sa kanya pero ako yung dahilan kung bakit sya andon sa loob ng hospital.
Nakalipas ang isang oras at andon parin ako sa labas ng hospital at naka yuko sa gilid ng kotse ko at naiiyak ako sa loob ko. Wala akong pake sa mga nakakakita sakin kahit na madaming tao ang nililipasan ako. Nakayuko lang ako at sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari ng biglang may mahinhing tumawag sakin.
:
"Deanna"
:
someone called me kaya unti unti kong tinaas ang ulo ko para tignan kung sino yun and then I saw Jema's mom. Bigla akong tumayo at inayos ko ang sarili ko.
:
Deanna: t-tita, Im sorry for what happened. It was my fault.
:
yumuko ako sa harap nya at naramdaman kong unti unti ng bumabagsak ang luha ko habang nakayuko ako.
:
J.mom : shhhh di mo ginustong mangyari yun. Dont blame your self Deanna.
:
Deanna: pero kasalanan ko po kung bakit ganon ang kondisyon nya tita.
:
Bigla nalang akong naiyak sa harap ng mommy ni Jema. Nahihiya ako at nasasaktan para sa kanila kasi anak rin nila si Jema at alam ko na sobrang tagal na silang kasama ni Jema para labanan ang sakit nya tapos ako lang yung mag papahamak sa anak nila.
:
J.mom: walang may kasalanan okay? (niyakap si Deanna habang umiiyak) she will be fine, dont worry.
:
I just nod at her while crying at her back. Hinahaplos nya lang ang likod ko at pinaparamdam sakin na wala akong kasalanan sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit hindi manlang sya nagalit sakin at kung bakit hindi manlang nya nagawang sisihin ako matapos sa nangyari.
:
Makalipas ang ilang minuto ay may tumawag sa kanya, lumayo sya sakin ng kunti para kausapin yung tumawag.
:
J.mom: (thru phone) okay sige punta na kami dyan.
:
Yun lang ang narinig ko sa usapan nila at bigla na nya itong ibinaba at lumapit na ulit sakin.
:
J.mom: Deanna, pasok na tayo sa loob
:
Deanna: tita baka galit po sakin si tito
:
J.mom: no, hindi sy galit sayo. Andun narin yung mommy mo sa kwarto ni Jema kaya sumama kana sakin.
:
wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya sa loob ng hospital. Habang papakyat kami sa elevator ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ano yung sitwasyon ni Jema pag andun na kami sa kwarto nya. Hinihiling ko nalang na pag pasok namin dun ay gising na sya.
Pag dating namin sa floor kung nasaan ang kwarto ni Jema ay may nakakasalubong kaming nurse na nag mamadali. Hindi ko alam kung bakit pero sana walang kinalaman si Jema dun. Pag dating namin sa Room 98 ay agad na binuksan ng mommy ni Jema ang pinto. Pag bukas nito ay agad na bumungad sakin si Mommy na nakatayo ay ang daddy ni Jema na nasa tabi ng higaan ni Jema Pag pasok namin ay agad silang lumingon.
:
Mom: Deanna, anak.
:
Agad na lumapit sakin si Mommy at niyakap ako nito ng mahigpit. Nakatingin lang sakin ang daddy ni Jema at bigla itong ngumiti saakin kaya ngumiti rin ako pabalik ng pilit. Kitang kita ko sa mata ng daddy nya ang lungkot kaya bigla na naman akong nakaramdam ng konsensya.
:
Mom: okay ka lang ba anak?
:
pag aalalang tanong sakin ni Mommy at ngumiti nalang ako sa kanya. Kilala ako ni Mom, alam nyang ang simpleng ngiti ko ay sakit ang ibig sabihin.
Lumakad ako papalapit kay Jema na wala paring malay ay umupo ako sa tabi nito at hinawakan ko ang kamay nya.
Tinititigan ko lang sya habang pumapatak ang luha ko sa mga mata at hinahaplos ng isa kong kamay ang pisnge nya.
:
Deanna: Hey (umiiyak) wake up, dapat nag eenjoy tayo ngayon eh. Dapat wala tayo dito. Ang tanga tanga naman kasi ng girlfriend mo. Sa susunod ha pumili ka naman ng mamahalin na hindi makakalimutin.
:
Kinakausap ko sya habang walang malay at pumapatak ang luha ko. Habang ginagawa ko yun ay biglang lumapit sakin ang daddy ni Jema, si tito Jack at hinawakan nito ang balikat ko.
:
J.dad: she will be fine, iwan muna namin kayo dito ikaw muna ang bahala sa kanya at mamaya babalik kami.
:
Lumabas siya ng kwarto kasama si Mom at nag paalam rin ang mommy ni Jema dahil may ipapaayos lang daw ito sa kwarto ni Jema. Hindi na ako nag tanong sa kanila ng marami kaya hinayaan ko nalang silang umalis. Binantayan ko si Jema dahil gusto kong antaying magising sya. Gusto ko na ako yung unang tao na makikita nya pag gumising na sya.
Ilang oras ko syang binantayan pero hindi pa rin sya nagigising. Pinahatiran narin ako ng pag kain ng daddy ni Jema para may makain ako pero wala akong gana. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa sumapit ang hapon at nakatulog ako nahawak hawak ko parin ang kamay ni Jema.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog ng biglang may gumising saakin.
:
"Deanna,Deanna"
:
Tawag nito saakin kaya agad kong iminulat ang mata ko. Pag mulat ko nito ay agad kong nakita si Jema na gising na. Akala ko nanaginip lang ako kaya pinisil ko ang mata ko pero hindi, totoong gising na talaga sya.
:
Deanna: Jema!
:
Bigla ko syang niyakap at hindi ko maitago ang tuwa ko. Sa wakas ay gising na sya.
:
"okay ka lang ba?"
"may masakit ba sayo?"
"anong narardaman mo?"
"hindi ka ba nahihilo?"
"Masakit ba ulo mo?"
"nagugutom ka ba?"
"may gusto ka bang kainin?"
:
Sunod sunod na tanong ko sa kanya pero umiling lang sya at hinawakan ang kamay ko. Her hands is so cold at habang nakahawak sya sakin ay nararamdaman ko ang panginginig nito. Di ko alak kung nilalamig ba sya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.
:
Jema: Okay lang ako. Wag kang mag alala.
:
Napangiti nalang ako sa kanya pero hindi parin maalis saakin ang pag aalala. Umupo ako sa tabi nya at pinasandal sya sa balikat ko.
:
Deanna: sorry for what happened
:
Jema: its okay. Ang saya nga tumakbo parang nasa track and field tayo nun eh.
:
Nagawa pa talaga nyang mag biro. Hindi nalang ako sumagot sa kanya. Pinasandal ko nalang sya sa balikat ko habang hinahaplos ang buhok nya. Ilang minuto ang lumipas at bilang dumating si Mommy kasama ang isang doctor at ang daddy at mommy ni Jema.
:
J.mom: anak buti gising kana
:
salubong ng mommy ni Jema at tumakbo ito para yakapin si Jema.
:
J.mom: okay ka lang ba?
:
Jema: yes mom okay lang ako.
:
Lumapit narin si mommy at ang daddy nya para kamustahin rin sya maliban sa isang doctor na may hawak na papel.
Pakatapos nilang kamustahin si Jema ay nakita ko na kinuha ng daddy ni Jema ang papel na hawak ng isang doctor at lumapit ulit ito at umupo sa tabi ni Jema.
:
J.dad: Anak, sobrang proud na proud ako sayo.(hinaplos ang buhok ni Jema)
:
Nakita ko na medyo na iiyak ang daddy ni Jema kaya tumingin ako kay mom para malaman kung bakit pero hindi ako sinagot ni mom at hinawakan lang nito braso ko.
:
J.dad: You've been through a lot. Ilang taon tayong lumaban sa sakit mo at alam ko kung pano ka nahirapan.
:
Jema: dad?
:
J.dad: We try (biglang yumuko at pumatak ang luha) Sinubukan natin anak. Lumaban tayo diba? Hindi tayo nag kulang para mawala yung sakit mo. But then...
:
Jema: then..?
:
Biglang nagsalita yung isang doctor na kasama nila para ipagpatuloy ang sasabihin ng daddy ni Jema.
:
Doctor: But then we failed.
:
Biglang nanglaki ang mata ko sa narinig ko,ganon din si Jema. Nag katinginan kami sa isat isa at si mommy naman ay hinaplos ang likod ko. Nag patuloy parin ang doctor sa pag sasalita habang ang mommy ni Jema ay lunapit narin sa anak nya.
:
Doctor: Your Chronic Leukemia is now on stage 4. Survival rates for this stage are good.However, Your blood has so many lymphocytes that makes it uncurable. You know that stage 4 is very rarely to cure. So as your doctor I am telling you now that it is hard for you to survive. Please excuse me.
:
Hindi ako makagalaw sa marinig ko, panong uncurable? Ano pa yung silbi ng pagiging doctor nila kung hindi nila kayang pagalingin ang tulad ni Jema?
:
Biglang tumulo ang luha ni Jema at tumingin siya sa akin. She already lost her hope. Umiiyak narin yung mommy at daddy nya pero ako hindi ko pinakita na umiiyak ako. I need to be strong for her. Kaya lumapit narin ako sa kanya para hawakan ang kamay nya.
Lumuhod ako sa gilid nya at isinandal ko ang ulo ko sa kama habang nakahawak ako sa kamay nya.
:
Deanna: Hey Love, (nangigninig ang boses) dont loose your hope. Im still here. Gagaling ka pa. Alam ko yan kaya wag na mag alala ha.
:
Jema: Deanna, (crying) Thank you. I love you.
:
Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko kaya nag paalam muna ako sa kanya na kukuha lang ako ng tubig sa baba. Tinignan ako ni Mommy pero derideritso lang ako palabas. Pag labas ko ay agad akong dumiretso sa rooftop para dun ko ibuhos ang nararamdaman ko.
Pag dating ko rin ay imbis na sumigaw ako ay hindi ko na magawa. Umiiyak nalang ako at hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Ayokong mawala sakin si Jema. Sobrang dami ng plano ko na kasama ko sya, ayoko mabuhay ng wala sya sa tabi ko. Ayoko!!!!
Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko kaya umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdamn ko.
Sabi nila kapag naiiyak ka daw dapat mag hand stand ka para di na tumulo ang luha mo kaya lumapit ako sa may pintuan ang rooftop at nag handstand. I nees to be strong. Alam ko na hindi ito ang oras para maging malungkot ako, its just a waste of time. I need to think possitive. Alam ko na may way pa para gumaling si Jema. Hindi sya mawawala,hindi.
:
:
:
<3 days later>
:
:
:
Mas pinili nalang ng mommy ni Jema na sa bahay nalang si Jema instead sa Hospital.Sabi kasi ng Parents nya na mas mabuti na sa bahay nalang sya mag pamot instead of being at the Hospital mas maaalagaan kasi sya sa bahay nila Kumuha sila ng Private Nurse para mag alaga at mag bantay kay Jema habang ang Daddy nya ang naging Doctor nya. Nasa kwarto lang sya kasama ang oxygen,nurse, at mga gamot nya.
Bumibisita rin ako dun sa kanila pakatapos ko galing sa school at minsan naman ay dun na ako natutulog kasama si Jema.
:
:
To be continue...