Masaya silang nag iinoman at masaya silang nag kwentuhan. Medyo lasing na si Deanna at Jho pero si Bea at Jema ay hindi pa sila tinatamaan ng alak. Naubos na sila ang dalawang case ng alak at tatlo nalang ang natitira habang ang mga pagkain naman ay kakaunti palang ang bawas.
:
:
Bea: Jema, salamat pala sa pag punta niyo rito ni Jho ah.
:
Jema: sus wala yun
:
*Cheerssss
:
Malinaw pa naman ang tingin ni Deanna pero si jho ay hilong hilo na, nag paalam muna si bea na pupunta muna sya ng CR para umihi, tumango nalang si Jema sa kanya at mag isang pinagpapatuloy ang pag iinom.
Habang wala si Bea ay bigla nalang sumandal si Deanna sa balikat ni jema, muntik na nyang matapon ang alak na nasa bibig nya dahil sa ginawa ni Deanna.
:
:
Jema: hoy Deanna, umalis ka nga dyan (tinaas nya ang balikat nya kung saan naka sandal si deanna)
:
Deanna: a.. ayaw (pout)
:
Jema: parang sira, baka sukahan mo ako ah
:
Hindi nga nag kamali ng sinabi si Jema ng bigla nalang mag suka si Deanna sa kanya, nag kalat ito sa suot nyang damit at na lagyan rin ang short nya.
:
:
Jema: wtf??! Aishhh
:
Tumayo sya sa kinauupuan nya at kumuha ng tissue na naka lagay sa table, pinunasan nya ang may sukang damit at kitang kita mo sa reaksyon ni Jema ang pa didiri
:
:
Bea: oh anyare?
:
Tanong ni Bea sa kanya nang makalabas na ito ng CR, agad itong lumapit sa kanya at tinulungan syang punasin ang suka sa damit nya.
:
Jema: Aishh! Wala akong damit na pamalit!
:
Bea: wait pahihiramin nalang kita ng damit ni Deanna wait lang
:
Agad na tumaas si bea para kunan ng damit si Jema sa kwarto ni Deanna, naiwan si Jema sa baba at patuloy niyang pinupunasan ang damit nya habang sina Deanna at Jho naman ay tulog na sa sofa.
Umupo ulit sya sa tabi ni Deanna at hinihintay niya si bea na bumaba para ibagay sa kanya ang damit, pakalipas ng ilang minuto ay naririnig na nya angmga yapak ni bea sa hagdan na pababa.
:
:
Bea: oh eto na muna, yan lang yung nakita ko na damit nya na babagay sayo
:
Ibinigay sa kanya ni bea ang damit at agad naman nya itong kinuha, wala na syang ibang choice kundi kunin yun kaysa naman sa mag tiis sya sa amoy ng suka ni Deanna sa damit nya.
:
Jema: sige salamat
:
Bea: uuwi pa ba kayo ngayon? Lasing na si Jho eh
:
Jema: parang hindi na, may mga kwarto pa ba dito?
:
Bea: meron naman, yung sa guest room kaso iisa lang yun eh at dun ako matutulog
:
Jema: so san kami ni Jho? Sa sofa?
:
Napatawa naman si bea sa tanong ni Jema, hindi sila mahilig mag patulog sa sofa lalo na kung bisita ito, masyadong nakakahiya
:
Bea: no HAHAHAHA. yung isa sa inyo sa kwarto ko at yung isa naman ay sa kwarto ni Deanna.
:
Jema: (gulat) what? di ba pwedeng kayo nalang ni Deanna yung mag katabi tapos kami naman ni Jho sa isang room?
:
Bea: ako tatabi kay Deanna? Never! Ayoko katabi yan, kung ano ano ginagawa nyan pag natutulo. Tsaka baka sumaka yan sakin, kaya neverrrrr
:
Jema: aishhh! Sige pero madami ba tong unan sa kwarto nya?
:
napaisip si bea kung madami ba yung unan sa kwarto ni Deanna. Sa pag kakaalam nya kasi ay kaunti lang,dalawa lang ata yung andon, pero para pumayag si jema ay iba ang sinabe nya.
:
Bea: oo madami yung andon, mag sasawa ka
:
Jema: sige mabuti naman.
:
Tumingin si Jema sa mga tirang pag kain at inomin, sobrang dami pa ng tira na pagkain na nasa lamesa at pati narin yung alak. Tinanong nya si bea kung ano na gagawin dun at kung mag papatuloy paba sila sa pag inom pero sinabe ni bea na ilagay nalang sa ref lahat pati na rin yung mga alak tsaka sinabi nito na matulog nalang sila, sobrang boring na kasi kung sila nalang yung iinom.
Bago sila tumaas ay nilagay muna nila ang lahat ng pagkain sa tupper wear saka ito nilagay sa ref, halos mapuno yung ref nina Deanna sa sobrang dami ng tira.
Pakatapos nilang ayusin lahat at pareho nilang binuhat si Jho at Deanna, si Jema ang nag dala kay Deanna papunta sa kwarto nito at si Jho naman ay kay bea.
Halos matumba na si Jema sa pag akyat sa hagdan dahil sa bigat ni Deanna.
:
:
Bea: sige Jema mag palit kana, papasok ko nato sa kwarto para maka pag pahinga narin.
:
Tumango nalang si Jema at pumasok na sa kwarto ni Deanna habang akay akay nya ito. Pag pasok nila ay agad niyang inihiga si Deanna, nag unat sya ng katawan pakatapos nya itong pahigain.
:
Jema: ang bigat mo arggghhh
:
Naalala nya na kailangan na pala nyang mag palit ng damit, hindi na sya pumasok ng CR tutal tulog naman si Deanna at hindi sya nito makikita na mag hubad.
Tumalikod sya kay Deanna saka hunubad ang damit na suot nya, pakatapos ay sinuot na nya shady over size shirt ni Deanna na binigay sa kanya ni Bea.
:
Jema: ay salamat naman
:
Pakatapos nyang mag bihis ay humarap na sya kay Deanna, pag harap nya ay nakita nyang parang dumilat si deanna pero pumikit din agad nung nakaharap na sya. Para naka sigurado ay iwinagayway niya ang kamay niya malapit sa mukha ni Deanna para alamin kung gising pa ito.
:
Jema: ay tulog na nga
:
Bago sya humiga ay pumunta muna sya ng banyo para banlawan ang may sukang damit nya at para mag hilamos narin. Pakatapos nun ay isinampay nya ang kanyang damit malapit sa may bathtub.
:
Bumalik na sya sa may kama, bago humiga ay nag unat muna sya ng mga braso nya.
:
Jema: hays natapos narin yung araw nato ( sabay unat ng braso)
:
Hihiga na sana sya ng mapansin nyang dalawa lang ang unan sa kama. Nag hanap pa sya sa ilalim ng kumot pero wala syang nakita.
:
Jema: aysus na scam na naman haysss
:
Wala na syang nagawa kundi ang humiga habang naka cross arm, lumayo sya ng kunti kay Deanna saka nilagay ang kumot sa katawan nya.
:
:
Makalipas ang isang oras ay hindi pa sya nakakatulog, panay lang nya ang galaw sa higaan para hanapin ang tamang pwesto para makatulog, Pero hindi man lang sya dinadalaw ng antok kahit pa na nakainom sya.
:
:
Jema: namamahay na naman ako, kainis!
:
Tumingala nalang sya sa kisame sa kwarto ni Deanna , natuwa sya ng mapansin at makita nyang may buwan at stars rin itong nakapadikit. Parang sa kwarto nya lang kung titignan dahil nag bibigay ilaw rin ito sa madilim na kwarto ni Deanna .
:
:
Jema: Mahilig karin pala sa mga stars and moon (tumingin kay Deanna) ako rin eh.
:
Patuloy lang nya yung tinititigam hanggang sa maramdaman na nya ang antok sa mga mata nya. Pinipilit pa nyang panatilihing nakamulat ito pero hindi na nya kaya, kaya natulog na sya. Bago sya tuluyang makatulog ay naramdaman nyang may humawak sa kamay sa ilalalim ng kumot. Hindi na nya ito pinansin at tuluyan na syang nawalan ng malay.
:
:
To be continue...