Jema's POV*
:
:
Tignan mo tong araw na toh, kahit na paulit ulit syang lumulubog pero bukas babalik parin. Tapos bukas pag balik nya, pag sumapit na ulit yung gabi aalis ulit sya. Ang gulo naman
Sana nga ganon nalang yung buhay ng tao, na kapag nawala babalik parin.
Naalala ko tuloy yung kalaro ko nung bata pa ako. Tinatawag nya akong Jemalyn noon kasi daw maganda yung ngiti ko, pero i feel sad kasi nung time na lilipat na kami ng babay hindi ako naka pag paalam sa kanya. Kahit na 11 yrs old palang ako nun, feeling ko pag kasama ko sya ang tanda na namin.
Naalala ko yung sinabi ko sa kanya na sya yung buwan ko, sabi ko kasi sya yung mag sisilbing liwanag ko sa tuwing malungkot ako. Kaya sana kung kasama ko pa sya ngayon, kahit na lumubog na yung araw andyan pa rin sya kasi sya na yung buwan ko na hindi ako iiwan kahit sa kadiliman ng buhay.
Balang araw bago ako ako mawala sa mundo gusto ko syang makitang muli tapos mayakap manlang at mag pasalamat.Gusto ko syang tanungin kung nung araw ba na umalis ako sinubukan nya akong hanapin? O kaya naman ay pumunta sya sa bahay para sakaling mapigilin nya ako sa pag alis. Asan na kaya yun? Ano na kaya yung nangyayari sa buhay nya? Hayss
:
:
Naalala ko naman yung kaibigan ko dati nung bata palang ako habang nakasandal ako sa balikat ni Deanna at patuloy naming sinisilayan ang ganda ng papalubog na araw. Hindi sya gumagalaw habang nakasandal ako sa kanya.
:
:
"thank you" ani ko sa kanya, umalis ako sa pag kakasandal at tumingin sa kanya.
:
Deanna: para san?
:
Tanong nya habang naka tingin si sa akin
:
"Para sa pag sama sakin dito"
:
Deanna: ah yun lang naman pala.. wala yun, wala naman kasi akong gagawin ngayong araw eh
:
Ngumiti nalang ako sa kanya st isinandal ko ukit yung ulo ko sa balikat nya.
Medyo dumudilim na ang paligid namin at makikita mo narin yung buwan sa nag aagaw na kulay dilim at kulay pulang kalangitan na matatanaw mo sa dulo ng karagatan.
Hindi parin kami gumagalaw sa pwesto namin hanggang sa niyaya ko na sya na umuwi na.
:
Nauna syang tumayo sa ibabaw ng bato kung saan kami umupo. Hinila nya yung kamay ko para alalayan ako sa pagtayo. Pinag pagan ko muna yung sout ko medyo,nadumihan kasi ng buhangin.
Dahan dahan kaming bumaba at pagkatapos ay agad na rin kaming dumiretso sa kotse.
:
"gusto mo ako na mag drive?" Tanong ko sa kanya ng papasok na sana sya sa pintuan ng driver seat.
:
Deanna: hindi ako na. Matulog ka nalang o mag pahinga. Medyo namumutla na kasi yung labi mo eh
:
Saad nya sabay turo sa labi ko. Agad ko namang tiningnan sa salamin ng kotse nya yung sarili ko, at tama nga namumutla na naman ung labi ko at nangingitim narin yung nakapalibot sa mata ko.
Nang makita ko na ganon yung sarili ko pumasok agad ako ng kotse at kinuha ko yung bag ko.
Hinanap ko kung nadala ko ba yung pouch na madalas kung lagyan ng mga gamot, at sa kasamaang palad ay wala yun sa bag ko.
:
Agad narin syang pumasok sa kotse, nang makita nya na medyo natataranta ako ay hinawakan nya yung braso ko.
:
:
Deanna: ayos kalang?
:
kunot noo nyang tanong sa akin at tinitigan ako ng diretso. Napatigil ako sa pag hahanap at isinara nalang yung bag ko. Nakita ko kasi yung pag aalala sa mga mata nya.
:
"Oo ayos lang, may hinahanap lang ako" kalmado kong sagot sa kanya.
Ibinalik nalang nya yung tingin nya sa manubela at pinaandar agad yung kotse.
Habang nag mamaneho sya ay napasandal ako sa upuan, medyo nahihilo na kasi ako at parang kunti na lang ay babagsak na yung ulo ko.
Ipinikit ko muna yung mga mata ko, pero nang ipinikit ko na ito mas lalo ko lang naramdaman yung pag kahilo. Muli akong dumilat at dahan dahan kong hinihilot yung ulo ko, napapansin ko rin na pabaling baling ng tingin sa akin si Deanna at sa daan.Parang gusto nyang tanungin kung okay lang ba ako o kung ano yung nangyayari pero kahit na itanong nya payun ay wala naman akong maisasagot sa kanya
:
Hindi lang kami kumibo hanggang sa maihatid na nya ako sa bahay.
Bababa na sana ako ng kotse kaso sabi nya sya nalang yung mag bubukas ng pinto.
Pinagbuksan nya ako at nung bababa na ako ay bigla nalang akong nahilo at matutumba pero buti nalang ay naalalayan nya ako agad.
:
:
Deanna: ayos kalang ba talaga? Parang hindi eh
:
:
"Ayos lang nga! Baka napagod lang ako kakatakbo sa dagat" pag papalusot ko sa kanya kahit na alam ko kung ano yung dahilan
:
Deanna: ah sige baka nga. pasok kana para makapag pahinga kana
:
"Sige" huling sagot ko sa kanya at agad na akong pamasok sa loob. Dahan dahan akong nag lakad papasok sa bahay namin,pero bago ko isara yung pinto ay tumingin muna ako sa direksyon kung nasaan sya.
Naka tayo parin sya sa gate habang naka tingin sa akin.
Ngumiti sya at kumaway saka ko na isinara yung pinto at dumiretso na ako sa kwarto.
Wala parin sina mom and dad at yung kapatid ko naman nasa kwarto na daw sabi nung nag aalaga sa kanya.
Hindi na ako kumain at nag bihis nalang ako ng damit para makapag pahinga. Pakatapos kong mag bihis ay agad kong kinuha yung box sa may drawer at ininom yung tatlong mag kakaibang gamot saka ko binalik ito sa lalagyan.
Pakatapos nun ay pumunta ako ng bintana para isara ito pero nagulat ako nung makita ko sa gate namin na andon parin yung kotse ni Deanna at nakatayo parin sya sa harap nito.
Nakatingin sya sa bintana ko at nakangiti. Sinisinyasan nya ako na isara ko na raw yung bintana at matulog na. Ang cute nya tignan habang ginagawa yun, ang haba kasi ng mga braso at legs nya.
Tumango nalang ako sa kanya mula sa bintana ng kwarto ko saka ko na isinara yung kurtina.
:
:
Lately, sobrang na bobored na ako sa buhay ko. Parang sinasabayan ko nalang kung san papunta yung bawat araw na gigising ako tapos makikiagos nalang ako sa flow nito.
Alam ko naman na may pupuntahan yung buhay ko kapag dumating yung araw pero syempre kailangan ko nalang sumabay para maging masaya kahit kunti.
im not sad, but i am not happy either? Pero Alam ko na pagod na ako like i seriously just wake up and kind of get through my day because i have to. But i never felt any motivation even my own family. I can joke, laugh with people but once i am alone, i dont even know what to feel. pero isa lang yung alam ko, masasaktan ko yung mga tao na naka paligid sakin balang araw. And its make me feel sad and worried. life is weird man.
:
Pero nung nakilala at naging close ko si deanna, parang lagi akong naeexcite na gumising araw araw kasi yung nasa isip ko pupunta sya sa shop ko tapos makikita ko ulit sya. Everytime na nakikita ko syang ngumiti sakin, para yung alak na nakakaadik na parang gustong gusto kong titigan hanggang sa tumanda ako. Her face, voice, laugh, touch and care gives me a motivation to fight for my day. And im so thankful kasi nakilala ko sya.
:
:
Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame, hinihintay ko na maging okay yung pakiramdam ko bago matulog.
Ilang minuto ang nakalipas at nararamdaman ko na maayos na ang feeling ko at hindi na ito kasing sama gaya ng kanina.
Paunti unti akong nakatulog hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay dahil sa antok. Hindi ko na nga napatay yung lamp ko basta tulog nalang ako ng parang mantika.
:
:
to be continue...