Jema's POV
:
"woahhhh you and I we dont wanna be like them
We can make it till the end Nothing can come between
You and I Not even the Gods above, Can separate the two of us No, Nothing can come between
Ohh You and I"
being with this girl right now is the best experience for me. Yung naka punta kami sa concert ng One direction ngayon okay na, pero yung makasama sya na kumanta, tumalon sumigaw ay pinaka okay.
:
:
Deanna: Jema ang ganda ng boses ni Harry woahhh
:
:
sigaw ni Deanna habang naka tingin sya sa stage at nag sisitalon. Buti nalang ay nakuha namin yung huling dalawang VIP ticket kundi baka hindi namij makita yung kagwapuhan ni Harry Style.
Mag kahawak kami ng kamay habang sya ay sobrang nag eenjoy sa concert. Ako naman ay hindi na masyadong gumagalaw dahil hinihingal na ako at ramdam ko na naman yung pag kahilo at pagod
:
Deanna: Harryyyyyyy
:
sigaw pa nya. Nakatitig lang ako sa kanya at humahawak na ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na ang pa unti unting pag sikip ng dibdib ko.
:
:
Deanna: Jema, sa susunod na pumunta ulit sila dito nood ulit tayo ah
:
:
masayang masaya nyang sabi saakin. Kanina pa hindi nawawala ang ngiti nya simula ng pumasok kami dito sa Concert, sabi nya kasi matagal na nyang gustong makita yung 1D kaso hindi dya nag kakaroon ng chace na makita sila kaya ngayon na andito na kami gusto kong sulitin nya ang araw na to
:
:
Jema: oo pupunta pa ulit tayo pag kaya ko pa
:
:
mahinang sagot ko sa kanya. Hindi nya ata ako narinig na sumagot kasi sayang saya sya at sigaw ng sigaw.
Hindi na ako masyadong gumagalaw, sinasabayan ko nalang yung mga kanta gamit ang isa kong kamay at sa isip nalang ako kumakanta.
Halos 2 hours and a half hour natapos yung concert. Pakatapos nun andun parin yung mg ngiti ni Deanna at hindi parin nawawala at paulit ulit nyang binabanggit yung pangalan ni Harry Styles hanggang sa lumabas na kami ng Arena at pumunta na kami ng parking lot para kunin yung kotse.
:
:
:
Deanna: ang ganda ng boses nila no lalo na si Harry at Zayn
:
pag uulit nga hanggang sa makasakay na kami ng kotse.
Kahit na umaandar na yung kotse, patuloy parin sya sa kakasabi ng pangalan na Harry at kumakanta narin sya, hindi sya nag sasawa sa mga binabanggit nya. Oo lang ako ng oo sa kanya kapag may sinasabi sya ay agad ko nalang sinasabayan para naman hindi sya ma ooffend.
:
:
:
"Deanna gusto mo kumain muna tayo? Di pa tayo kumakain simula kaniba diba"
pag aaya ko sa kanya dahil medyo gutom na rin ako.
:
:
Deanna: ah sige san mo gusto kumain?
:
:
"dun nalang sa Soohyu Food Place, malapit na tato dun eh" saad ko sa kanya
:
:
Deanna: ah sige, alam ko yun
:
:
Agad nyang iniliko ang kotse para pumunta kami sa kakainan namin. 24/7 na bukas yung kainan na yun kaya dun ko nalang naisipang kumain mag te-10 na kasi ng gabi at baka sarado na yung ibang kainan rito.
Maya maya ay nakarating na kami sa kainan na yun. Marami rin yung naka park na kotse sa labas nito at kitang kita mo sa labas na madami yung tao sa loob
:
:
:
Deanna: ah Love pasok ka na sa loob i papark ko lang ng maayos yung kotse
:
:
sabi sakin ni Deanna kaya agad akong lumabas sa kotse nya at nag lakad papunta sa loob ng Restaurant.
Matao nga sa loob at kakaunti nalang yung natitirang upuan kaya agad naman akong nag pa reserve ng table naming dalawa. Nag order na ako ng kakainin namin habang hinihintay ko sya na pumasok sa loob.
:
:
Habang mag oorder ako ay bigla na syang pumasok sa loob. Nakita ko na hinahanap ako ng mga mata nga kaya agad akong kumaway para makita nya ako.
Lumingon sya sa aakin ng makita nya na kumakaway ako sa kanya at agad ko namang itinuro ang table kung saan kami uupo.
:
:
Counter: okay maam mag hintay nalang po kaso sa table nyo. Thank you
:
:
"okay thank you" lumakad na ako papunta sa table namin habang nilalagay ko yung sukli sa wallet ko. Hindi naman masyadong marami yung inorder ko, yung mauubos lang namin
:
:
Deanna: tapos ka nang omorder?
:
:
bungad nya saakin ng makarating na ako sa table.
:
:
"oo di naman yung masyadong marami" sagot ko sa kanya saka narin ako umupo sa harap nya.
:
:
Ilang minuto lang kaming nag hintay at dumating na yung inorder namin. Sobrang bango ng mga to mainit pa, unang tingin mo palang malalaman mo na na masarap.
Nag simula na kaming kumain ni Deanna.Medyo gutom rin ata sya kaya sunod sunod na naman sya kung sumubo ng pagkain
:
:
Deanna: ang sarap pala ng pag kain rito
:
:
"Oo dito kami madalas kumain ni dad kapag pauwi na kami galing hospital"
:
:
Deanna: anong ginagawa mo dun sa Hospital ng daddy mo eh wala ka namang ginagawa ron
:
:
"nag papagaling" nadulas kung sagot sa kanya
:
:
Deanna: huh? Nag papagaling?
:
:
Kunot noo nyang tanong saakin. Hindi ko alam kung ano yung sunod kong isasagot sa kanya kaya mag patuloy nalang ako sa pag subo ng pagkain at hindi ko nalang pinansin yung tanong na yun
:
:
"ah bukas pala pumunta ka sa bahay ah. Samahan mo ako" pag iiba ko ng topic sa kanya.
agad naman syang pumayag sa gusto ko at mag patuloy na kaming ubusin yung kinakain namin.
:
:
Pakatapos naming kumain ay inihatid na nya ako sa bahay. Buti nalang ay nawala yung paninikip ng dibdib ko at pag kahilo kundi baka nahimatay na ako kanina pa
:
:
Deanna: sige na bukas maaga akong pupunta rito (kiss sa lips)
:
:
"sige, ingat ka pauwi hah text mo ako pag nakauwi kana" pag bibilin ko sa kanya bago sya umalis
:
:
Deanna: yes baby, I love you
:
:
tumango nalang ako sa kanya at sinabing papasok na ako sa loob medyo malamig narin kasi sa labas.
Pero hinimtay ko muna syang makaalis saka na ako dumiretso sa loob ng bahay.
Tulog na sila mom kaya dahan dahan akong umakyat papunta ng kwarto ko. Ayoko kasi na magising sila kung ano ano na naman kasi yung itatanong nila saakin.
:
:
pag pasok ko ng kwarto ay agad na akong nag palit ng damit pantulog tapos uminom ako ng gamot ko galing sa may bow kung saan ko ito nilalagay. Nitong mga nakaraang araw kasi nakakalimutan ko ng uminom lalo na kapag kasama ko si Deanna.
Pakatapos kung mag take ng gamot ay bumalik na ako sa higaan ko at humiga.
Nakatitig na naman ako sa kisame ng kwarto ko at kung ano ano na naman ang iniisip.
:
:
mag babago pa ba yung kapalaran ko? Tanong na pumapasok sa isip ko ng paulit ulit
Ayoko pang saktan si deanna at ayoko syang makitang umiiyak. Gusto ko pa syang makasama ng matagal at gusto ko na maging masaya kami hanggang sa pag tanda pero bat ganto? Meron part sakin na naniniwala ako na mag babago pa lahat pero meron namang hindi na. Una palang kasi naka handa na ako pero nag bago talaga ang lahat nung dumating si Deanna. Mahal na mahal ko sya, ayoko na mawala nalang sya bigla sakin. Hindi ko kaya hindi! Kaya please lang world! Baguhin mo naman yung kapalaran ko!
:
:
Mga bagay na naisip ko habang naka tingin ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil sa lalim ng pumapasok sa isip ko kaya naisipan ko nalang mag basa ng libro na binili namin ni Deanna dun sa book store.
Naka limang chapter ako sa isang libro ng bigla ko nalang maramdaman na sumasakit na yung ulo ko kaya isinara ko nalang yung binabasa ko at pinilit na matulog ng sa ganun ay hindi na lumala ang sakit ng ulo ko.
:
:
to be continue...