Chapter 25

1.8K 52 2
                                    

Maagang umalis si Deanna sa bahay nila para pumunta sa bahay nila Jema kaya ng sinabi nya kagabi. Naka pag paalam narin si Jema sa parents nya na si Deanna muna ang sasama sa kanya habang wala sila buong mag hapon at nasabi na rin nya yung tungkol sa relasyon nila ni Deanna at sobrang swerte nila kasi hindi naman tutol ang parents nya tungkol dito.
Pag alis ng parents nya ay sinabihan sya na mag pahanda ng pagkain para makakain si Deanna kapag dumating na ito sa bahay nila kaya agad namang sumunod si Jema.
:
:
Naka hain na ang mga pagkain sa mesa ng may biglang nag doorbell. Pumunta agad si Jema sa pinto para buksan yun dahil alam nya na si Deanna na ang andon.
:
:
Jema: wait langgg
:
:
sagot nya ng nag doorbell ulit sa pinto nila. 
Pag bukas nya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Deanna 
:
:
Deanna: good morning 
:
:
bati nito sa kanya at sabay syang hinalikan sa noo. Pinapasok na nya si Deanna sa loob para makakain na, hindi alam ni Jema na bago umalis si Deanna sa bahay nila ay tapos na itong kumain dahil pinagluto na sya ni Bea aalis rin kasi si Bea dahil may pupuntahan itong old mansion para sa individual reports nila.
:
:
pag tingin ni Deanna sa mesa ay madaming pagkain ang naka hain. Hindi nya alam kung papano tatanggihan ang mga yun dahil sobrang dami.
:
:
Deanna: ah Love, kumain na kasi ako sa bahay bago ako umalis pinag luto kasi ako ni Bea.Kaya baka..
:
:
Jema: ah ganun ba sayang naman nitong pihanda ko kung walang kakain
:
:
pag sisingit ni Jema kay Deanna.Napakamot nilang si Deanna sa noo nya dahil medyo nakakahiya naman talaga kung tatanggihan yung mga pagkain na yun kaya hindi na sya nag salita at agad ng dumiretso sa mesa at umupo sa upuan
:
:
Deanna: mukhamg masarap tong mga pagkain kaya kakain nalang ako
:
:
pag papalusot nya at agad syang nag lagay ng pagkain sa harapan nya. 
Umupo si Jema banda sa harapan niya at kumuha narin ng pagkain.
Alam naman ni Jema na busog pa si Deanna kaya tahimik lang sya na kumakain habang si Deanna ay nag papanggap na sarap na sarap sya sa pag kain na kinakain nya.
:
:
Deanna: ang sarap naman ng mga pagkain na hinanda nyo
:
:
Kain lang si Deanna ng kain kahit na sumakit na ang tyan nya dahil sa sobrang kabusugan. Medyo naduduwal na rin sya sa tuwing susubo sya ng pagkain pero nilulunok nalang sya ito kahit ma hindi pa nya nangunguya.
Habang tahimik na kumakain si Jema ay may biglang napansin si Deanna sa mga braso ni Jema, hindi nya naituloy ang isusubo nyang pag kain ng makita nya yun
:
:
Deanna: Jema? Ano yang nasa braso mo?
:
:
Nag tataka nyang tanong kay Jema at tinitingnan nya ang braso ni Jema.
Nang itanong yung ni Deanna ay agad namang tiningnan ni Jennie kung ano yung nasa braso nya at pagtingin nya ay agad syang nagulat ng may nakita syang mga pasa pasa.
:
:
Jema: ah wala to baka na bundol lang to kung saan saan.
:
pag papalusot pa nya pero hindi dun naniniwala si Deanna.
:
:
Deanna: nabundol? Eh bat ang dami? Tsaka namumutla ka naman! Matagal ko ng napapansin yan na ang putla na ng labi tsaka balat mo
:
:
Jema: wala to wag mo intindihan baka kulang lang ako sa tulog
:
:
Deanna: kulang sa tulog? Bat may mga pasa? May sakit kaba? 
:
:
hindi natuloy ni Jema yung isusubo nyang kutsara sa bibig nya ng biglang itanong yung sa kanya ni Deanna. Bigla syang kinabahan at hindi nya alam kung anong pwedeng isagot kay Deanna
:
:
Jema: sa...sakit? Ako may sakit? Ang lakas ko kaya tapos sasabihin mo na may sakit ako? 
:
:
rason nya kay Deanna, tinitigan lang sya ni Deanna at pakatapos nun at bumalik na ulit ito sa pag kain. Sinet aside muna ni Deanna ang mga bagay na gusto pa sana nyang itanong at bumalik nalang sya sa pag ubos ng pagkain.
Maya maya ay natapos na silang kumain at Pinaligpit narin ni Jema yung mga pinag kainan nila at sinabi kay Deanna na sa kwarto nalang sila manantili. Madami na kasi silang katulong tsaka nahihiya si Jema na makita sila nitong nag yayakapan
Sabay na silang tumaas sa hagdan habang mag kahawak ang kamay nila sa pag lakad.
Pag pasok sa kwarto ay kumuha muna si Jema ng mga chips sa drawer nya at drinks sa kanyang mini Fridge. Naupo narin si Deanna sa kama at agad na binuksan yung TV. Gusto nilang panoorin yung Thai movie na Dew sa Netflix, magandaw daw kasi yun eh parang meeting the Right person at a wrong time.
Pakatapos ni Jema kumuha ng chips at drinks ay umupo na sya sa tabi ni Deanna. Binuksan nya yung drinks nila pareho at pati na rin yung chips.
Bago paman mag simula yung movie, hinalikan na muna ni Deanna si Jema sa labi at saka na nila tinuon ang kanilang pansin sa papanoorin nila.
:
:
Habang nanood sila ay wala lang silang kibo pareho. Pareho silang nakatutok sa mga nangyayari pero Habang naka akbay si Deanna kay Jema, napansin ni Jema na parang may tumutulo sa ilong nya kaya hinawakan nya ito para tignan kung anong bagay yun.
Paghawak nya ay naramdaman nyang basa kaya agad nyang tinignan ang kamay nya. Pag tignin nya ay nakitang nyang may dugo na sa daliri nya. Nagulat sya kaya agad namang tumingin sa kanya si Deanna.
:
:
:
Deanna: oh bakit? (tumingin sa mukha ni Jema) hala bat may dugo yunh ilong mo??
:
:
dali daling umalis si deanna sa kama at kinuha yung tissue sa may katabi ng tv. 
Pakakuha nya ay dali dali nyang pinunasan ang ilong ni Jema at nai press para hindi na tumuloy yung pag dudugo.
:
:
Deanna: yuko kalang, bat ba kasi nag ka nosebleed ka? Dahil ba Thai yung pinapanood natin?
:
:
nagawa pang mag biro ni Deanna sa harap ni Jema para hindi kabahan si Jema pero kahit sya ay natatakot narin.
:
Jema: pahingi pa ako ng tissue
:
Humingi pa sya ng tissue kay Deanna para punasan yung dugo na nasa kamay nya. Patuloy parin yung pag dudugo ng ilong nya kaya hindi lang inaalis ni Deanna yung kamay nya sa pag press ng ilong ni Jema.
Maya maya ay natigil na ang pag dudugo ng ilong ni Jema, sinabi ni Deanna na may kukunin lang sya sa baba kaya lumabas muna sya ng kwarto.
:
:
habang wala pa si Deanna ay kinuha ni Jema yung gamot niya sa box saka uminom ng tatlongag kakaibang gamot. Normal na sa kanya yung ganitong pang yayari sa katawan nya, yung pa mumutla , pag kahilo, pag dugo ng ilong st pag sakit ng ulo parte yun ng sakit meron sya kaya nasanay na sya ng ganun. 
pakatapos nyang uminom ng gamot ay narinig na nya ang mga yapak ni Deanna, dali dali nyang tinago yung mga gamot nya sala bumalik sa kama.
:
:
Deanna: jema pupunasan kita
:
:
agad na sinara ni Deanna yung pinto at pumunta sa tabi ni Jema. 
Pinunasan nya ng basang towel yung mukha ni Jema dahil may mga bakas pa ng dugo rito at pati narim sa kamay.
Dahan dahan nyang pinunasan si Jema at pakatapos nun ay tinabi na nya ang bowl at towel sa may table
:
:
:
Jema: salamat Deanna 
:
:
hinaplos ni Deanna yung buhok niya at hinalikan sya sa lips sabay ngiti sa kanya pakatapos.
:
:
Deanna: pahinga ka muna tatabihan kita. next time nalang natin ipag patuloy yung panonood nito.
:
:
agad na tumango sa kanya si Jema at sumandal sa balikat nya.
Humiga na sila pareho habang yakap yakap ni Deanna si Jema sabay hinahaplos ang buhok nito
:
:
:
to be continue...
Ano kayang sakit ni Jema..?Thanks for reading love y'all!!✨♥️

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now