Nanatili lang dun si Deanna hanggang sa dumating na si Mr Jack at ang asawa nito. Nagpaalam narin sya agad dahil baka daw nakauwi narin ang daddy nya bala hanapin sya sa katulong nila
:
:
Deanna: uhm maam, sir una na po ako. Baka po kasi nakauwi na si dad
:
Jack: ah sige ingat ka pauwi iha
:
Hinawakan sya sa likod ni mr jack at hinaplos ito,naki pag beso narin sya sa mommy ni jema pati narin kay Jho. Pagdating naman kay Jema ay nginitian nya lang ito.
:
Jack: ah jema paki hatid na si Deanna sa labas ng gate
:
Nagulat naman si jema sa sinabe ng daddy nya at tumingin sya kay Deanna
:
Jema: dad bat ako? Si jho nalang
:
Jack: ikaw na, bisita natin sya ano ba(Bulong sa kanya ng daddy nya)
:
Jack: ah Deanna sasamahan kana ni Jema sa labas
:
Deanna: ah sige po
:
Wala ng nagawa si jema kundi sundin ang daddy nya. Nauna syang mag lakad papalabas ng pinto habang nag dadabog. Natatawa naman si Deanna sa inaarte ni Jema parang minions kasi kung mag dabog naka yellow pa naman.
:
Deanna: ah Jema sige na pasok kana sainyo ako nalang ang mag bubukas at mag sasara ng gate
:
Saad ni Deanna ng naka labas na sila ng pinto ng bahay at malapit na sa gate
:
Jema: wag na andito na tayo, nakakahiya naman sayo
:
Agad na binuksan ni Jema ang gate at tumingin sya kay Deanna
:
Jema: labas na?
:
Deanna: ang pangit mo naman mag trato ng bisita pinapauwi mo agad
:
Pag bibiro ni Deanna at lumabas na ito ng gate, hindi naman pinalampas ni Jema ang sinabi nito kaya lumabas rin sya at hinila ang dami ni Deanna
:
Jema: hoy hoy hoy(hinila ang damit) ako pa talaga ang pangit kung mag trato ng bisita?
:
Deanna: eto naman di mabiro! Teka bitiwan mo muna yung damit ko
:
Agad naman na binitiwan ni Jema ang damit nya at humarap sa kanya si Deanna
:
Deanna: para kang minions kung magalet HAHAHAHA
:
Jema: ano naman? Atleast cute
:
Deanna: cute ka dyan!...ay weyt free kaba sa susunod na araw?
:
Jema: lagi naman pero hindi ko alam kung papalabasin na ako ni Dad. Bakit?
:
Kumamot muna si Deanna sa batok nya saka na nag salita
:
Deanna: birthday kasi ni Bea tapos gusto nya na yayain kayo sa bahay, dun nalang kasi namin i cecelebrate. Wag kang mag alala kayo lang naman yung bisita namin ayaw kasi ni Bea na mag invite pa
:
Jema: hindi ko alam eh
:
Napasinghap naman si Deanna sa sagot ni Jema,sila lang kasi ang inaasahan na bisita na pupunta kaya pag hindi sila pumunta ni Jho si Deanna at Bea lang ang mag cecelebrate ng birthday
:
Deanna: sayang naman kasi, pero sure ako na papayag yan si Daddy mo ako bahala mag paalam (ngumiti ng ngiting pag asa HAHAHAHA)
:
:
Jema: feeling mo naman na sobrang lakas mo kay dad (inirapan si deanna)
:
Deanna: sus ako pa
:
Jema: tsk! Basta diko sure. Sige na uwi kana baka hinahanap kana ng daddy mo (tinulak ng mahina si Deanna)
:
Deanna: pag andon kana talaga sa bahay ipag tutulakan rin kita
:
Natawa nalang si Jema sa sinabe nya, agad ng pumasok si deanna sa kotse, hindi muna umalis si Jema sa kinatatayuan nya hinihintay pa kasi nya na makaalis si deanna
:
Deanna: salamat (kumaway)
:
Kumaway nalang si Jema pabalik sa kanya hanggang sa makalayo siya.
Nang makalayo na si deanna ay pumasok narin si Jema sa loob bahay at isinara ang pinto at gate, masyadong malamig kasi sa labas at kung mag tatagal siya ay baka sipunin.
:
Siya nalang ang tao sa baba ng bahay dahil nag pahinga na ang mommy at daddy nya matapos kainin ang dalang kare kare ni Deanna. Si Jho naman ay andon na rin sa kwarto nito.
Pinatay nya muna ang ilaw sa kusina at sala saka narin sya tumaas at pumasok sa kwarto niya.
:
Pag pasok nya sa kwarto ay agad syang humiga at huminga ng malalim. Nakaunat yung kamay nya at nakasayad naman ng kunti ang mga paa nya sa sahig.
Tinititigan lang nya ang nakadikit ng stars sa kisame, naka patay yung ilaw nya sa kwarto kaya kitang kita ang mga ilaw nito.
:
Jema: buti pa kayo umaabot ng thousands of years yung kinang
:
Mahinang sabi nya habang nakatitig sa mga bituin na naka dikit sa may kesame nya.
Bata palang sya ay andun na ang mga yun. Pag malungkot sya o may problema dun lang sya tumitingin, nawawala kasi yung bigat ng nararamdaman nya pag nakikita nya yun.
:
Pumikit nalang si Jema at huminga ng malalim, alam nyang bukas ay ayos na ulit yung nararamdaman nya at hindi na ulit sya mag aalala, maya maya ay nakatulog narin sya.
:
:
:
Deanna's POV
:
:
"Alam mo ba kung bakit madami yung stars sa langit at iisa lang ang buwan"
:
"bakit" /Deanna
:
"Kasi kahit na madami yung tao mundo sa nag iisa kalang para sakin, gaya nung stars at moon. Yung stars, yun yung mga tao na naka paligid sakin at ikaw naman yung buwan na nag iisa at nag sisilbing liwanag ko sa tuwing malungkot ako."
:
"wow ang galing naman"/Deanna
:
"Promise kahit na lumaki na tayo buwan parin kita"
:
"Promise?"/Deanna
:
"Promise!"
:
:
Nakatitig lang ako sa moon necklace na hawak ko at inaalala yung dating kaibigan ko nung bata palang ako. Kahit na malaki na kami hindi ko parin sya nakakalimutan, hindi ko parin nakakalimutan yung mga araw na pinapasaya nya ako sa tuwing akoy malungkot at sinasamahan sa tuwing nag iisa. Minsan nga iniisip ko kung asan na ba sya o kung ano na nangyari sa kanya. Kung okay ba sya? Kung may asawa na? Kung ano na mukha nya? At kung naaalala pa ba nya ako?.
Simula kasi nung umalis sila dun sa lugar namin dati nawalan na ako ng balita tungkol sa kanya.
May naka pag sabi samin na nasa US na daw sila naninirahan at mayron na silang sariling Hospital. Ang naaalala ko kasi is doctor rin yung daddy nya kagaya ni Mommy.
:
Bea: Deanna, ano yan regalo mo sakin mamaya?
:
tanong sakin ni bea na nasa likuran ko. Agad ko naman syang nilingon at sinagot yung tanong nya
:
"Oo, oh eto na nakita mo na eh" sagot ko at ibinigay ko sa kanya yung necklace na dapat ay mamaya ko pa ibibigay. Birthday na nya ngayon st mag kakaroon sya ng party mamaya at kami lang nina Jho at Jema ang bisita.
:
:
Bea:thank you, ang ganda naman nito
:
Sinubukan nyang isuot ang necklace ng sya lang pero nakita ko na nahirapan sya kaya sinabi ko na ako nalang.
Isinuot ko sa kanya yung necklace at bagay na bagay yung sa kanya, yung mga ganong style kasi yung mga gusto nya eh
:
:
Bea: thank you Deanna the best ka talaga.
:
tinapik nya ang balikat ko at patuloy nyang hibahawakan ang moon pedant na nasa necklace.
:
" 6000 pala yung babayaran mo sakin para dyan sa necklace" pag bibiro ko sa kanya at agad naman syang sumimangot
:
"char lang" Napatawa nalang ako ng makita ko yung mukha nya ng ganon
:
Bea: sus pero pupunta ba dito sila Jema at Jho? Pag hindi tayo lang ang kakain at iinom ng mga yan (turo nya sa mga nakahain sa mesa)
:
:
"Oo pupunta yun ako bahala, susunduin ko sila mamaya" positibo kung sagot sa kanya. Ayoko kong maging malungkot sya sa kaarawan nya kaya gagawin ko lahat para mapasaya sya
:
Bea: sige maghanda kana, tas sunduin muna sila 4pm na eh
:
"Sige"
:
Inayos kona yung sala at inalis yung mga ginamit namin para sa decoration. Habang si Bea naman ay inihahain na ang iba pang pag kain sa lamesa, mga 5pm na ako pupunta kina jema para pag 6:30 ay andito na kaming lahat para mag enjoy. Alang kong papayagan ako ni Tito Jack na papuntahin sina jema dito,ako pa ba eh magaling ako mag konbinsi.
:
:
to be continue....