Chapter 29

1.7K 53 0
                                    

*Deanna's POV
:
:
How? How can I accept that? May sakit si Jema at pwedeng mawala sya sa akin anytime. Hindi ko alam kung pano ko yun tatanggapin. Ang sakit, ang sakit sakit sa loob ko ng malaman ko yun kasi sa dinami dami ng tao sa mundo bat sya pa yung nabigyan ng sakit na yun.
Hindi ko alam kung babalik pa ba ako o hindi. Ayoko masaktan, ayoko mawalan, ayoko umiyak araw araw kasi inagaw na sakin ng mundo ang taong mahal ko. Ayoko na dumating sa point na ayoko na mabuhay kung mawawala sya. I cant, I cant.
:
:
Nag lalakad ako ngayon sa labas ng hospital, kasabay ng pag lalakad ko ay ang luha ng pumapatak sa mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung saan ako dadalhin ng mga paa nato. Gusto ko bumalik pero bat parang pinapigilan ako ng sarili ko? Bakit parang hindi na ako gustong ipalingon ng mga mata ko?
Ang sakit,sobrang sakit ng malaman ko yun. Na realize ko na anytime pwede akong masaktan dahil sa kanya. Hindi ko alam kung nag sisisi pa ako o hindi o nasasaktan lang dahil sa nalaman ko. Basta ang alam ko lang, ayoko masaktan ng dahil sa kanya.
:
:
Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ako. Nang matauhan ako ay nag masid ako sa paligid kung saan na ako nadala ng mga paa ko. 
Wala ng tao o sasakyan na dumadaan sa lugar na to. Street lights lang ang natatanaw ko pero sa dulo ng daan ay medyo madilim na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 7 pm na ng gabi. Dahil sa sakit ng nararamdaman ko,hindi ko na tuloy alam kung anong oras na ba at kung paano ako nakarating sa lugar nato.
Sinubukan kung tawagan si Bea para sunduin ako sa lugar na to, sobrang dilim kasi at wala ng masyadong tao ang tanging nakikita ko lang ay yung isang lalaki na nag lalakad rin papalapit saakin mula dun sa madilim na parte ng kalsada
:
:
Naka limang tawag ako kay Bea pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko kaya itinago ko nalang ang phone ko at tumingin sa paligid.
Wala na talagang sasakyan na dumadaan dito parang dulo na ata ito kaya wala ng masyadong dumadaan.
Nang malapit na yung lalaking galing sa madilim na parte ng kalsada ay napansin kong parang lasing ito. Hindi naman ako masyadong kinabahan pero kailangan paring mag ingat kaya tumago ako dun sa may puno na nasa gilid ng kalsada hanggang sa makalayo na sya saakin.
Nang nasa malayo na yung lalaki ay napaupo ako sa may ilalim ng puno at napahinga ako ng malalim.
Napansin ko na lawa na pala yung nasa harapan ko kaya agad akong tumayo at pumunta dun.
Tanging sinag nalang ng buwan ang nag sisilbing ilaw ko dun sa may lawa. Mula dito sa may lawa ay tanaw ko na ang mga nag sisilakihang gusali na puno ng ilaw banda dun sa malayo. Napalayo na ata talaga ako sa pag lalakad kaya malayo na yung City sakin.
Napasinghap nalang ako at namulsa dahil medyo malamig na yung hangin sa lugar nato.
Nang wala na akong magawa ay sinipa sipa ko nalang yung mga malilit na bato sa tabi ng lawa habang iniisip ko parin yung tungkol sa sakit ni Jema.
"Pano ba? Ano ng gagawin ko?" Mga tanong ko sa sarili ko habang patuloy kung pinag sisipa yung mga maliliit na bato.
Sa pag kakataon na to ay hindi na ako naiiyak, hindi ko narin alam kung ano yung nararamdaman ko, kung nagagalit ba ako o nalulungkot. Parang wala na naman kasi ako sa sarili ko.
:
:
Pakatapos kung pag sipa sipain yung mga bato ay pumulot ako ng tatlong piraso nito. Binato ko yung sa lawa isa isa na may halong sakit at galit. Pakatapos kong ibato yung talong ay hindi parin ako nakuntento, pumulot ulit ako pero sa pag kakataong ito ay lima na. Pinag babato ko ulit yun isa isa hanggang sa maramdaman ko na naman yung mga luha na pumapatak sa mga mata ko.
Pakatapos kung ibatao yung lima ay pumulot na naman ulit ako at sabay sabay kong binato yun sa tubig.
:
:
"bakit?! Bat siya pa?! Bat ako pa?! Bat saakin pa to ng yari?!" malakas kung sigaw at nakatingala ako sa langit.
:
:
"Bakit? Bakit? Bakit" tanong ko uli hanggang sa mapaluhod na ako sa lupa. Hindi ko ramdam yung sakit sa tuhod ko kahit na mabato yung niluluhuran ko. Nakahawak lang ako sa mga mata ko habang patuloy na tumutulo yung luha sa mga mata ko. Sa tuwing inaalala ko si Jema patuloy lang akong nasasaktan, pano pa kaya pag nakita ko sya.
:
:
Pakatapos kong umiyak ay sinubukan ko ulit na tawagan si Bea hanggang sa sinagot na nya ito 
:
:
Bea: oh Deanna asan kaba? 
:
Deanna: diko alam (pinunas yung luha) paki sundo ako please
:
Bea: wait umiiyak kaba? asan ka ba?
:
Deanna: diko alam, andito ako sa may lawa na malapit sa may malaking puno
:
Bea: saang lawa? Pano kita masusundo nyan diko nga alam kung asan ka?
:
Tumingin ako sa may bandang kanan ko hangang sa may nakita akong karatula na may naka sulat na J and D Place
:
Deanna: andito ako sa may lawa na malapit sa karatula ng J and D place. Please paki sundo ako, gusto ko na mag pahinga
:
Bea: ah sige alam ko yan. Hintayin mo ako dyan 
:
:
Ibinaba ko na yung phone ko at napayuko nalang ako at hindi parin mawala sa isip ko si Jema at kung ano na yung gagawin ko.
:
:
Hinintay ko nalang si Bea dun sa may puno at maya maya pa ay nakita ko na ang kotse nya. Nakits ko sa salamin nya na hinahanap ako ng mga mata nya kaya agad akong lumabas sa puno at pumunta sa daan. Nang makita nya na ako ay agad nyang itinigil ang kotse at agad syang bumaba para pag buksan ako ng pinto.
:
:
Bea: okay kalang?
:
:
Bungad nya saakin pero agad ko nalang syang sinenyasan na ayoko munang makipag usap. Hindi nalang sya sumagot at isinara nalang ang pinto ng makapasok na ako.
agad na nyang pinaandar ang kotse, habang nasa byahe kami ay walang ingay na namamagitan saamin. Tahimik lang kaminh dalawa habang ako ay nakasandal sa may gilid ko at nakatingin lang sa bintana.
Napapansin ko na tingin ng tingin saakin si Bea pero pinabayaan ko nalang sya hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Pag park ni Bea ng kots ay agad akong bumaba.
:
:
Bea: ah Dea...
:
:
Hindi na naituloy ni Bea ang sasabihin nya dahil dirideritso na akong pumasok sa loob ng bahay.
Pag pasok ko sa loob ay nakita ko si Daddy na nasa sala at umiinom ng kape habang nanonood ng tv.
Nag mano lang ako sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko at ni lock ko yung pinto.
Pag pasok ko ay agad akong humiga sa kama ko umiyak na naman. Hindi ko alam kung bakit hindi maubos ubos tong luha ko kaya lagi nalang akong umiiyak.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko kasi naramdaman mo na nag riring pero ng makita ko na mommy yung ni Jema ay agad ko itong inoff. Basta, ayoko muna maki pag usap kung kani kanino gusto ko mapag isa at gusto ko solohin tong mararamdaman ko.
Patuloy lang ako sa pag iyak hangang sa hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.
:
:
To be continue...

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now