Chapter 30

1.7K 51 7
                                    

:
*Jema's POV
:
:
Nanatili ako sa hospital ng ilang Araw, sabi ni dad kailangan ko lang ng pahinga at dagdagan na yung gamot na iinomin ko para hindi na ako madalas mahilo.
Pag katapos umalis ni Deanna dun sa room sabay namang pumasok si dad, sayang nga at hindi sila nag kaabutan. Sabi saamin ni dad kailangan kong hintayin yung result next next month about sa sakit ko kung unti unti nabang gumagaling o aakyat na sa stage 4. Kinakabahan ako para sa sarili ko kasi what if umakyat na to sa stage 4? Ang liit na ng possibility na gumaling pa ako pag ganon. 
Sabi ni dad imbes na kabahan ako mag dasal nalang na sana hindi na umabot dun.
Pakatapos yung sabihin saamin ni dad ay agad narin syang umalis dahil may iba pa syang pasyente na aasikasuhin kaya naiwan ako dun kasi nasa labas pa si Mom.
Ilang minuto matapos umalis si dad at Deanna ay pumasok na si Mom sa room ko. Nataka sya kung bakit wala si Deanna at hindi ako kasama, sabi ko naman ay lumabas lang at babalik din. Sa totoo lang hindi ko alam at hindi na ako sigurado na babalik pa sya pero tumango sya saakin kaya ibig sabihin nun tutupad sya.
Umabot na ng 7pm ng gabi pero hindi parin sya bumabalik. Nag taka na si mom kung bakit kaya sinubukan na nya itong tawagan pero hindi ito sinasagot ni Deanna. Tatawagan pa sana sya ni mom pero sinabi ko na wag na muna at hayaan nalang sya baka kasi bumalik pa sya ng mga 9 or 10.
:
:
Hindi ako natulog ng 9 kahit na sinasabi na ni mom na mag pahinga na ako at matulog na. Ayoko pa, gusto ko pa syang hintayin at gusto ko na gising ako sa pag balik nya. Kaya nauna ng natulog si mom, sa sofa sya humiga kasi nasa private room kami habang ako naman ay gising pa din at panay lang ang tingin sa orasan.
Umabot na ng 12midnight pero di parin sya bumabalik, inaantok na rin ako at kunti nalang ay pipikit na ang mata ko pero pinilit ko paring magising kasi alam ko na babalik pa sya.
Hanggang sa umabot na ng 2am at wala parin. Napansin ko na medyo pagising na si mom kaya naisipan ko nalang na matulog at kinaumagahan nalang sya hintayin.
:
:
Pero sumapit ang umaga at nagising ako na wala sya sa tabi at harapan ko. Nag expect ako na pag gising ko andun na ulit sya na nakangiting sasalubong sa pag gising ko pero wala. 
Yun palang alam kona ,alam ko na na hindi na sya babalik dun sa hospital. Alam ko na na natakot sya at alam ko na rin na baka susuko nalang sya at iiwan ako.
Masakit mang isipin pero naiintindihan ko naman sya, naiintindihan ko ang sitwasyon namin. Hi di ko sya pwedeng pilitin na lumaban para sa relasyon namin at hindi ko din naman kailangang pilitin sya para mag stay saakin hanggang sa huli kasi walang kasiguraduhan ang sakit na to. Na iintindihan ko sya, naiintindihan ko.
:
:
Lumipas ang dalawang araw simula ng ma ospital ako dahil sa pag kahilo ay lumabas narin ako at umuwi na ng bahay. Sinabi sakin ni dad na wag na daw muna akong gagawa ng mga bagay na pwedeng ikapagod ko at manatili nalang ako sa kwarto ko. Sinabi ko rin kay mom na wag na muna nyang subukang tawagan si Deanna,ayaw pa sana nyang sumunod kasi alam nyang masasaktan ako pero napilitan nalang sya.
Nanatili ako sa kwarto ng isang linggo, wala akong ibang kasama kundi ang unan ko at ang mga bituin na naka dikit sa kisame ko. Wala akong ibang ginagawa kundi humiga mag lakad lakad aa buong kwarto. Dinadalhan nalang kasi ako ni mom ng makakain at maiinom tapos higa na naman pakatapos kung uminom ng limang tableta ng gamot. Ang pait ng gamot ng dinagdag ni dad, kung pwede lang nga ay isuka ko yun lahat.
:
:
Hindi ko nakita si Deanna simula nung umalis sya sa hospital. Hindi man lang nya naisipan na tawagan ako o kamustahin kung okay na ba o kamusta yung pakiramdam ko. Hindi rin nya naisipang bumisita para tingnan yung girlfriend nya.
Hindi ko alam kung ano yung mangyayari saamin ni Deanna, bat kasi di na sya bumalik?!
:
:
Makalipas yung Dalawang linggo pero hindi parin sya nag paparamdam saakin. Gusto kong pumunta sa shop ko para mag bakasakali na kung pumupunta ba sya dun o tanungin ko si Bea pero hindi parin ako pinapayagan ni dad na lumabas ng bahay at wala rin akong number ni Bea. Diko tuloy alam kung papano kami mag uusap.
Nanapansin narin siguro ni mom na hinihintay ko sya kaya sinubukan sya ni mom na tawagan, pumayag na rin ako kasi namimiss ko narin sya pero pinapatay nya ito. Naka limang tawag si mom sa kanya pero ganon lang yung ginagawa nya hanggang sa napailing nalang ako may mom at sinabi ko na tama na. Hinawakan nalang ako ni mom sa kamay tapos sinabi sakin na baka na bigla lang si Deanna kaya bigyan ko na muna daw ito ng panahon para maka pag isip isip, sinabi rin nya na kakausapin nya si tita monica para tanungin kung ano na yung nangyari kay Deanna.
:
:
Pakatapos nun ay bumalik ako sa kwarto para mag bihis. Gusto kong lumabas ng bahay at pumunta ng mall at mamasyal kung saan saan, nababagot na kasi ako sa bahay at feeling ko ay patuloy na manghihina yung katawan ko kung patuloy lang akong mahihiga at ikukulong ang sarili.
Pagkatapos kung mag bihis ay agad narin akong bumaba, sinabi ni mom na umuwi rin ako agad para hindi ako maabutan ni dad pag uwi kasi papagalitan ako nun for sure at baka mag away pa sila ni mom.
Ginamit ko yung kotse ni mom at mag isa akong nag drive. Naka hoodie lang ako at naka jeans, gusto ko pumunta ng mall ngayon at bumili ng bagong damit saka kakain narin sa ako at pakatapos nun ay bibisita ako sa shop ko.
:
:
Ilang minuto pa ay nakarating na ako ng mall, agad kong pinark ang kotse ko baka kasi maunahan pa ako ng space. Pakatapos kung mag park ay agad narin akong bumaba at pumasok sa loob ng mall. Dumiretso ako sa 3rd floor dahil andun yung mga damit na type ko at gusto ko bilhin. Bago ako pumili ng damit ko ay tumingin muna ako sa bilihan ng sapatos, gusto ko kasing bilhan yung kapatid ko para gift ko narin sa kanya naka perfect kasi sya ng isang subject sa exam kaya bilang proud ate ay yun yung price nya.
Pinili ko yung white shoes na nike pero may itim sya banda sa likuran, ganun kasi yung mga type nya na kulay kaya yun nalang yung pinili ko.
Pag katapos kong magpili ng sapatos ay dumiretso na ako sa bilihan ng damit.
Dun agad ako sa section ng mga croptop at fit shirt, agad akong nag hanap ng croptop na kulay black na croptop at fit shirt na mint green, yun kasi yung uso ngayon.
Pakatapos kong mag pili dun ay pumunta na ako sa section ng mga pants. Napansin ko na medyo hindi pasok sa taste ko yung andun kaya hindi nalang ako mag hanap pa. Wala narin akong maisip na bibilhin pa kaya pumunta na ako sa counter para mag bayad. Pangatlo ako sa pila hanggang sa may sumunod na sa likuran ko, sapatos rin yung binili nya at pareho kami ng style na napili.
5 minuto na ang nakalipas at hindi parin umuusad yung pila, madami kasi yung binili nung babae na nasa unahan at ang tagal pa gumalaw ng counter. Napasinghap nalang ako.
Nag reremlamo narin yung babae salikuran ko kasi nag mamadali raw sya kasi may pupuntahan pa.
:
:
babae: ang tagal naman jusko! May pupuntahan pa ako
:
:
reklamo ng babae sa likuran ko, napalingon nalang ako sa kanya tapos napangiti kasi na mumula na yung mukha nya
:
:
Maya maya ay nakaalis narin yung sa unahan at umusad na yung pila, mabuti nalang ay hindi ganon karami yung binili ng babae sa unahan ko kaya madali itong naka bayad. 
Pag kabayad ng babae ay ako na yung sumunod, inilagay ko na dun sa harapan ng counter yung binili ko. 10,989.00 yung binayaran ko, habang hinihintay ko sila na ibalot yung mga nabili ko ay bigla akong napalingon sa elevator. Pag lingon ko dun ay may nakita akong babae na pamilyar sa paningin ko.
:
:
"Deanna?"
:
:
To be continue...

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now