Chapter 40

1.7K 55 0
                                    

As the days went on,Jema became weaker and weaker. Unti unti syang kinakain ng sakit nya. Paunti unti naring bumabagsak ang timbang at katawan nya. Kung dati ay malalaki yung pisnge nya,ngayon ay mahahalat mo na ang buto sa pisnge nya. Labas na labas na rin yung colar bone nya at kung susukatin mo ang braso nya ay parang  sa 8 yrs old nalang ito. Sobrang hirap na makita syang ganyan. Araw araw na dumadalaw ako sa kanila ay sobrang bigat sa loob ko na pumasok sa kwarto nya at makita syang nanghihina. Naiiyak nalang ako sa tuwing nahihilo sya at nilalagyan ng oxygen kasi kitang kita mo sa kanya kung gaano na sya nahihirapan. I never thought na aabot sa ganto yung kalagayan nya, but still I never loose my hope  na darating yung araw na gagaling na sya at makakalabas na kami ulit. Alam ko na hindi nya ako iiwan, mahal na mahal nya ako at alam kong hindi nya yun gagawin saakin.
:
Jema: Bat di ka kaya lumabas or mag bar?
:
Deanna: Hindi na mas ayos na andito ako sayo ngayon
:
Jema: eh mag sine?
:
Deanna: no its fine
:
Jema: uwi ka nalang kaya sa inyo para mag pahinga. Tuwing uuwi ka galing sa school mo dito ka agad pumupunta instead of using para makapag pahinga
:
Deanna: mas gusto ko na pag uwi ko ikaw agad yung makikita ko
:
Jema: maki pag date ka kaya ulit sa ibang babae? Baka may magustuhan kapa
:
Deanna: Jema ano ba?!
:
Bigla ko syang nasigawan na agad nyang ikinagulat habang katabi ko sya sa higaan nya. Ano ba kasing gusto nya? Bat nya ako pinagtutulakan? Ayoko ng ganon, masaya ako na sya yung meron ako ngayon kaya hindi ko na kailangan ng iba. Kaya bigla nalang akong nagalit ng sabihin nyang makipag date ako para may magustuhan ulit.
:
Jema: sorry
:
Deanna: (hinalikan ang noo ni Jema) bat mo kasi sinasabi yun? Kontento na ako sayo, diko na kailangan pa ng iba okay?
:
Jema: feeling ko kasi ang pangit ko na. Tignan mo nga yung katawan ko oh labas na labas na yung mga buto. Gusto mo pa ba ako?
:
Napatawa nalang ako sa sinabi nya. Kaya pala ganon kasi akala nya napapangitan na ako sa kanya.
:
Deanna: ano ka ba? kahit ano pa yang itsura mo ikaw parin yung pinaka magandang babae para saakin. Di ako mag hahanap ng mas maganda pa sayo kasi ikaw lang yung mahal ko. Kaya kahit na maging kawayan pa yang katawan mo, wala akong pake dun
:
Jema: (yumakap kay Deanna) I love you
:
Deanna: I love you too
:
Sobrang mahal na mahal ko si Jema. Kahit ano pa sya tatanggapin ko basta makasama ko lang sya habang buhay okay na ako dun.
:
:
Pakatapos ko syang tabihan ay agad na rin syang nakatulog. Nung maramdaman ko na nakatulog na sya ay agad na akong nagpaalam sa mama at papa nya para umuwi na. Gusto ko na rin kasing mag pahinga matapos ang mahabang araw ko ngayon. Puspusan na kasi ang preparation namin dahil sa susunod na linggo na ang araw namin kaya grabe na yung pinapagawa saamin. Pero worth it naman yung pagod namin ngayon dahil pakatapos nito ay gagadruate na kami ni Bea at kasunod nun ay magiging ganap na kami na architect. Sinabihan narin pala namin si Jho na sa susunod na yung graduation namin ay inaasahan namin na pupunta siya roon pero sabi nya susubukan nya raw na makahabol madami pa raw kasi yung schedule nya.
Pag kauwi ko sa bahay ay andon na si Dad. Sabi ni manang nasa kwarto na ito at kakatapos palang kumain. Buti nalang ay madalas ng umuwi si dad sa bahay pero hindi parin kami ganon kadalas mag usap kasi lagi kaming nag kakaubusan ng oras para sa isat isa.
Tinanong pa sana ako ni manang kung kakain pa ako pero sabi ko ay iligpit nya nalang ang pag kain dahil matutulog na ako.
:
Agad na akong pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga pero ng hihiga na ako ay may biglang tumawag saakin.
:
*THRU PHONE
:
Deanna: Hello?
Mafe: Hello ate Deanna?
Deanna: oh Mafe bat ka tumawag? Dapat tulog kana ngayon eh kasi may pasok kapa bukas
Mafe: ate si ate Jema ko po~
Deanna: (biglang nag alala) bakit? Anong nangyari kay Jema?
Mafe: Nag papanick napo dito sa bahay kasi nilagyan na ulit si ate ng oxygen. Please ate pumunta ba po kayo dito kasi umiiyak na po si ate
Deanna:  sige teka lang ha
:*hang up
:
Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Agad kong kinuha ang kotse ko at pinaandar ko ito ng mabilis. Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyare kay Jema kaya di na naman nawala saakin ang kabahan. Binilisan ko ang takbo ng kotse ko para madali akong makapunta ron at ilang minuto pa nga ay nakarating na ako. Agad akong bumaba at kotse at pumasok sa bahay nila. Pag pasok ko dun ay walang tao sa sala kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Jema. Pag dating ko dun ay agad na bumungad sa akin ang parents ni Jema at ang nurse na inaasikaso sya.
:
Deanna: Tito ano pong nangyare?
:
Tanong ko sa kanila at lumapit ako sa higaan ni Jema. Nilagyan sya ng oxygen at halos kinakapos na sya sa hininga. Busy naman ang daddy nya sa pag checheck sa kanya kasama yung private nurse habang ang mom naman nya ay nasa ulohan nya at pinapahid ang pawis nya sa noo. Si Mafe naman ay nasa gilid lang hawak ang laruan nya at naiiyak narin.
:
J.dad: bigla nalang syang nahirapan huminga kanina
:
Deanna: tito bakit?
:
J.dad: kasama to sa symptoms ng stage 4 kaya dapat ay laging may oxygen dito.
:
Hindi mawala saakin ang pag aalala kaya lumapit nalang ako kay Jema at hinawakan ang kamay nya. Pawis na pawis sya habang humihinga ng malalim. Pinahid ko yung luha na tumutulo sa mata nya at mahigpit kong hinawakan ang kamay nya.
:
Deanna: love. You will be fine. Wag kang susuko ha
:
Nakita kong tumatango sya saakin habang hirap na hirap. Para akong tinutusok ng tinik sa dibdib ko pag nakikita ko syang ganito. Sobrang hirap ng sitwasyon nya, kung pwede lang sana na saakin nalang ipasa ang sakit na yan para hindi na sya mahirapan ay okay lang. Gusto ko sanang umiyak sa harap nya dahil sa nakikita ko but I need to be strong. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako nanghihina o nalulungkot para lang lumaban sya. I need to fight for her in order to make her fight for herself. Its not the time para panghinaan ako ng loob kaya lalabaan sya na kasama ako.
:
Ilang minuto pa ay naging okay na si Jema at agad syang nakatulog. Alam kong pagod na pagod na sya at kunti nalang ay susuko na sya pero ng dahil saakin ay patuloy parin syang lumalaban. I feel so selfish kasi Im still keeping her even though its hurt. Patuloy ko parin syang pinipilit na lumaban kahit na nakikita ko na at alam ko sa sarili ko na nahihirapan na sya. Sarili ko lang ang iniisip ko, sariling nararamdaman. But you can't blame kasi ayoko syang mawala sa akin. Madami pa akong pangarap saaming dalawa na gusto kong matupad na mag kasama kami kaya pipilitin ko syang lumaban.
:
:
:
*ONE WEER LATERRRR*
:
:
:
"Deanna!!!!"
:
Sigaw saakin ni Bea na tumatakbo papunta saakin dala dala ang Toga nya
:
Deanna: oh wow ang ganda mo naman
:
Bati ko sa kanya ng makita ko na ang ganda ng damit at make up nya
:
Bea: syempre special day natin to eh ito kaya yung pinakahihintay natin simula pa noon
:
Deanna: Oo nga eh. Sa wakas ay ganap na tayong architect pakatapos nito. Worth it yung hirap natin
:
Bea: sinabi mo pa. Pero alam ko na pagkatapos nito ay bihira nalang tayo mag kikita kasi magiging busy na tayo sa trabaho
:
Deanna: di ako papayag! Pupunta ka parin sa bahay busy ka man o hindi HAHAHAHAHA
:
sabay nalang kaming nagtawanan dahil sa mga pinag uusapan namin.
:
Deanna: oh buong family mo ba andito?
:
Bea: oo andun na sila sa loob kaya halika na para makaupo na tayo
:
Deanna: Aantayin ko pa yung Family ni Jema. Si mom at dad andun na rin sa loob kasama yung step father at step sister ko.
:
Bea: pupunta dito si Jema?
:
Deanna: oo isasakay nalang sya sa wheelchair kasama parents nya
:
Bea: ah sige antayin nalang natin sila
:
Sabay naming inantay sina Jema sa labas para may kasama sila pag pasok sa loob. Sinabi ko na wag nalang sumama si Jema para di sya ma stress sa byahe pero nag pupumilit sya, gusto nya araw akong makita na umakyat sa stage.
:
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kotse nina Jema. Unang bumaba ang dad nya at  kinuha ang wheelchair sa likod ng kotse. Pakatapos nun ay bumaba na ang mom nya at ang kapatid nya at sabay naring bumaba si Jema at sumakay sya sa wheelchair. Hinintay ko nalang na makarating sila saamin at nung makarating na sila ay agad kong sinalubong ng yakap si Jema.
:
Jema: Ito na yung hinihintay mo na araw
:
Deanna: opo kinakabahan nga ako eh
:
Jema: wag kang kabahan mag enjoy kalang
:
I nod at her at sabay na kaming pumasok sa loob. Ako na ang tumulak ng wheelchair nya papunta sa loob hanggang sa makarating na sila sa uupuan nila kasama sina mom.
:
30 minutes at nag simula na kami. Nag speech muna yung mga professors namin pati narin yung naging gabay namin sa school year na ito. Pakatapos nun ay isa isa na kaming umakyat sa stage para kunin yung diploma namin. Naunang umakyat saakin si Bea, pag akyat dun ni Bea ay abot tenga ang ngiti nito habang inaabot sa kanya ang diploma nya. Alam ko na sobrang tagal rin nyang hinintay na dumating ang araw na ito para sa kanya kaya todo palakpak nalang ako sa kanya. Pakatapos nya ay ako na ang sumunod.
:
"Deanna Wong , Bachelor of Science in Architecture"
:
narinig kong nag sigawan sina mommy at pati narin ang parents ni Jema. Habang papakyat ako sa stage ay sobra yung tuwa ko dahil sa wakas ay mahahawakan ko na ang diploma ko.
:
"Thank you"
"Thankyou"
"Thankyou"
:
Ani ko habang nakikipag shakehands sa mga professors ko. Pakatapos nun ay humarap na ako sa camera. Imbis na sa camera ako tumingin ay dun ako tumingin kung nasaan ang direksyon ni Jema. Nakita ko kung gaano sya kasaya para saakin at nakita ko rin kung paano nya punasan ang luha nya. Ngumiti ako sa kanya at pakatapos nun ay saka na ako tumingin sa camera.
Pakatapos akong kuhanan ay bumalik na ako sa upuan ko. Sobrang saya namin ni Bea at paulit ulit naming binabati ang isat isa.
Pakatapos kaming bigyan ng diploma at medals ay nag speech na si Bea sa unahan, Summa Cum Laude kasi eh.
Sobra Sobrang ganda ng sinabi nya. Kahit na maikli ito ay malaman naman ang bawat salita na binitawan nya. Pakatapos nun ay nag closing reamarks na kami. Pumunta kaming lahat sa unahan para kantahin ang huling kanta namin. At kasunod nun ay nagyakapan na kaming lahat. Sobrang daming memories ang nabuo namin na mag kakasama at ngayon ay tapos na ito. At pakatapos ng araw nato ay uuwi na kami at magkakaroon na ng sari-sarili naming buhay.  Magiging busy na kami sa lahat ng bagay at mag hahabol na kami ng opportunity para sa sarili namin. Ang dali lang ng panahon parang kailan lang talaga.
:
:
Nag paalam na kami sa isat isa at nag picture picture na para mag karoon kami ng remembrance. Nag picture narin kami ni Bea na mag kasama at pati narin ang mga pamilya namin. Pakatapos ay nag usap usap na muna sina mom,parents ni Jema at parents ni Bea habang si Bea ay bigla nalang nawala sa loob kung saan saan na naman yun.
:
Lumapit na ako kay Jema para makakuha ng masarap na yakap mula sa kanya.
Lumuhod ako sa harapan nya habang nakaupo sya sa wheelchair.
:
"Congrats! im so proud of you!"
:
Salitang narinig ko sa kanya. She cried in front of me habang hinahawakan nya ang kamay ko
:
Deanna: bat ka umiiyak? Akala ko ba masaya ka para saakin?
:
Jema: Im so proud of you (lumuluha)
:
Deanna: I love you
:
Hinalikan ko ang kamay nya habang nakatitig ako sa mga mata nyang patuloy lang sa pag luha.
:
Deanna:Unti unti ko ng natutupad yung pangarap ko kaya mag pagaling ka para matupad ko narin yung para satin
:
masaya kong paalala sa kanya. Akala ko matutuwa sya sa sinabi ko pero diko inasahan na mas maiiyak pa sya.
:
Jema: Im s-sorry..
:
Deanna: bakit?
:
Jema: Sorry kung darating yung araw na magigising ka nalang sa umaga na mag isa. Sorry kung di natin matutupad yung pangarap natin na mag kasama. Pasensya na ha. Sayang nga eh, diko manlang makikita yung mga building na magagawa mo tapos andun yung pangalan mo. Pasensya kung di na tayo makakabalik sa Barcelona ng magkasama.
:
Di ko alam kung bat ako nasasaktan sa mga sinabi nya. Bigla nalang akong napaluha ng diko alam.
:
Deanna: why are you saying that? Makakasama pa kita ng matagal nag promise ka sakin diba? I wanna grow old with you...
:
Jema: but i can't.
:
Sabat nya saakin kaya bigla akong napatigil sa pag sasalita
:
Jema: Dont you see? Im getting weaker and weaker. Deanna, its my bad habit of disappointing people. I can't live longer now. I really really want to live with you until we get old pero ayaw ng katawan ko eh. Pinipilit ko araw araw na mabuhay para sayo kahit ang hirap. You know na anytime pwede na akong mawala. Sa simpleng pikit ko pwedeng hindi na ako magising ulit. Kaya Deanna please wag ka ng umasa pa
:
Deanna: Jema!!! May pag asa pa! Bat ba kasi hindi mo naiintindihan yun! Bat dika lumalaban!
:
Sigaw ko sa kanya pero walang nakarinig saakin dahil busy sila sa kani kanilang ginagawa
:
Jema: Lumaban ako, paulit ulit. Lumaban ako ng ilang beses, simula ng ma diagnos ako sa sakit na to natuto na akong lumaban para sa sarili ko. Hindi ako nawalan ng pag asa na baka balang araw ay gagaling din ako at babalik sa normal ang buhay ko, pero malala na to Deanna. Please, just accept it! Tanggapin nalang natin para di na tayo mahirapan. Mawawala ako, anytime.
:
Deanna: (umiiyak) how?! How can I accept that?! pano ko matatanggap na balang araw mawawala ka sakin?! Na balang araw yung taong pinangarap kong makasama mawawala sakin ng tuluyan?! Pano ko tatanggapin yung bagay na masasaktan ko? Pano ko tatanggapin na mawawala ka? Pano ko tatanggapin na balang araw gigising ako sa umaga na hindi ka makikita na mag isa na ako? Pano? Sabihin mo naman kung pano kasi hindi ko alam... Pinipilit kitang lumaban kasi ayoko na iwan mo ako. Takot ako Jema. Takot na takot ako. Kung pwede lang ibigay ko yung buhay ko sayo para mabuhay ka lang . Lumaban ka naman oh. Please lang. Ang dami pa nating pangarap. Ayokong tuparin yun mag isa  at ayokong tuparin yung sa iba kaya please lumaban ka.
:
Jema: (hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Deanna) Tuparin mo yung ng wala ako.Reach it without having me on your side. Tuparin mo yun para sakin kasi hindi ko na yung kayang gawin eh.
:
Deanna: Jema tama na. Please. Tama na
:
:
:
Hindi na ako makapag salita pa dahil sa kanya. Napayuko nalang ako sa kanya habang umiiyak ako. It hurts so much. Sobrang sakit makarinig ng ganong salita sa taong mahal mo. Para kang pinapatay sa loob ng hindi mo alam. Hindi ako papayag na mawala sya,hindi.
:
:
pakatapos ng graduation namin ay nag celebrate na kami sa bahay kasama ang parents nya. Ang dami naming bisita kasi pati doctort at nurse na katrabaho ni mommy ay nandun. Si Jema naman ay inibatid na ng private nurse nya sa bahay nila para makapag pahinga. Nag paalam narin ako sa daddy nya na kung pwede ay hiramin ko si Jema dahil may pupuntahan kaming dalawa at pumayag naman yung daddy nya kasi gift nalang daw nya yun sakin.
:
:
To be continue...

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now