Chapter 15

2K 55 0
                                    

Pakatapos nilang ayusin ang handa at ang bahay ay agad ng sinundo ni Deanna sina Jema at Jho. Si Bea naman ay naligo na at nag bihis, hindi na sya mag aayos ng mukha sa bahay lang naman kasi gaganapin at wala namang iba pang bisita.
:
:
Agad ng nagtungo si Deanna sa bahay nina Jema, pagdating nya ron ay agad syang nag doorbell at pinagbuksan naman agad sya ng pinto
:
:
Deanna: Ah Good morning po Mrs.Galanza
:
Vicky(jema's mom): goodmorning bat kapala andito?
:
Deanna: ah andito po ako para kina Jho at Jema
:
Vicky: ah sige nak pasok ka muna
:
Agad namang pumasok si deanna sa bahay at isinara ng mommy ni Jema ang pinto. Hindi muna sya umupo sa sofa. nakatayo lang sya hanggang sabihin ng mommy ni Jema na umupo muna
:
:
Vicky: ah Deanna dyan ka muna ha tatawagin ko lang sila sa taas.
:
Ngumiti nalang si deanna at tumango, nag tungo naman agad si Mrs.Galanza sa taas para tawagin si Jema at Jho at sabihin na nasa sala sya.
Habang nag hihintay sya sa dalawa na bumaba ay biglang dumating Si Jack, ang daddy ni Jema mula sa kusina. May dala dala itong tubig at ng makita sya ay agad itong nag tungo papunta sa kanya.
:
:
Jack: oh iha bat ka andito?
:
Lumingon naman si deanna sa kanya at tumayo para bumati
:
Deanna: ah good morning po andito po ako para kina Jema at Jho
:
Jack: ah ganon ba sige tatawagin ko muna sila s taas
:
Lalakad na sana si Jack ng biglang magsalita si Deanna
:
Deanna: ah wag na po andon na po si Tita Vicky para tawagin sila.
:
Jack: ah ganon ba. May pupuntahan ba kayo ngayon?
:
Napakamot muna si deanna sa ulo nya bago sagutin ang tanong ni Jack. Alam naman nya na papayagan sya na isama sina Jema sa bahay nila kaso lang baka mapilitan lang ito at baka may masabi pa sa kanya
:
Deanna: ahh ee.. ang totoo po... andito po ako para ipag paalam sila sa inyo. Kung pwede po sana ay isama ko sila sa bahay para sa birthday party ng kaibigan ko. Sila lang po kasi yung ininvite namin eh.
:
Napainom muna ng tubig si Jack saka sinagot ang pag papaalam sa kanya ni Deanna. Ayaw nya sanang pamuyag kaso may tiwala naman sya kay Deanna at alam nyang responsible ito sa lahat ng bagay
:
Jack: sige papayag ako pero wag kayong mag paaarami sa pag inom ah at kung hindi pa naman lasing yung dalawa at ikaw paki hatid sila sa bahay pero kung alam niyong hindi nyo na kaya, kung pwede sa bahay niyo nalang patulugin para iwas accident.
:
:
Napangiti naman si Deanna dahil sa pagpayag ng daddy ni Jema, alam nyang matutuwa si Bea dito pag nalaman na pumayag si Mr Jack na pumunta sa birthday party niya sina Jema.
:
:
Deanna: yes po tito, I can Handle naman po and i will be responsible.
:
Jack: (hinawakan si Deanna sa Balikat) sige. Antayin mo nalang sila dito sa baba, mag jojogging pa ako eh
:
Deanna: sige po
:
Umalis na si mr jack sa harapan niya at agad na lumabas ng bahay para mag jogging. Umupo ulit si Deanna sa sofa na may mga ngiti sa labi nya dahil naging successful ang pag convince nya sa daddy ni Jema.
Ilang minuto syang mag hintay ng bumaba na ang mommy ni Jema mula sa taas at pumunta sa kanya.
:
:
Vicky: ah nak, antayin mo lang sila ha. Nag bibihis pa sila ng damit, alam kasi nun na papayagan sila ng daddy nya kaya dito ka muna at mag hahanda lang ako ng dinner namin sa kusina
:
Deanna: sige po. Mayamaya ay baba narin po yun
:
Vicky: oo mabilis lang magbihis ang mga yun. Sige na.
:
:
Pumunta na ng kusina ang mommy ni Jema, pakalipas ng 15 minutes ay bumaba na sina Jema, nakita nilang nag hihintay na si Deanna sa sala kaya dali dali silang bumaba ng hagdan.
:
:
Jema: Deanna!!
:
Tawag sa kanya ni Jema habang pababang hagdan. Naka over size cotton jamper shirt ito at naka bite flip short. May dala rin itong Chanel Knock on wood top handle bag. Sobrang ganda ni Jema sa suot siya, simple lang pero pag sya yung nag suot nagiging iba sa paningin ng ibang tao.
Kasunod naman ni Jema si Jho na naka Ralph Lauren Cotton mix Cardigan ito at naka unif Liu Skort na pang ibaba. May dala rin itong Kiko Safari bag.
:
:
agad na napatayo si Deanna sa kinauupuan nya at napatingin sa dalawa. Hindi sya makapag salita habang papalapit ang dalawa sa kinatatayuan niya.
:
:
Jho: so lets go?
:
Hindi nakasagot si Deanna dahil naka focus lang ang tingin nya kay Jema.
:
Jema: Deanna,lets go! Baka mag bago pa isip nila mom
:
Agad namang natauhan si Deanna at inalis nya ang tingin kay Jema.
:
:
Deanna: si.. sige
:
Nag paalam na sina Jema at Jho sa mommy nila pati narin si Deanna. Naunang lumabas ng pinto si Deanna at hinintay nya ang dalawa sa kotse.
Maya maya ay lumabas na ang dalawa, binuksan ni Deanna ang pinto sa tabi ng driver seat pero nagkatinginan ang dalawa kung sino ang uupo dun.
:
Deanna: walang papasok sa inyo?
:
Tanong ni Deanna sa dalawa habang mag katitig ito. Sinasabi ni Jho kay Jema na sya nalang ang umupo doon pero ayaw ni Jema kaya si Jho na mismo ang nag sabi.
:
:
Jho: ah si Jema na ang uupo dyan dun nalang ako sa likod (tinulak ang balikat ni jema gamit ang balikat nya)
:
Jema: hindi ako nalang yung sa likod
:
Jho: bahala ka dyan!
:
agad na binuksan ni Jho ang pinto sa likod at pumasok sa loob, wala ng nagawa si Jema kundi umupo nalang sa may tabi ng driver seat. Pag pasok nya ay isinara ni Deanna ang pinto at pumasok narin ito sa kotse para mag drive na.
:
:
Habang nasa byahe ay tahimik lang silang lahat, tanging mahinang boses lang ni jho ang naririnig na sumasabay sa kanta habang nakasout ng earphones.
:
:
" lalala you are the one for me youre the only one i see~" Pag sabay ni Jho sa kanta na pinapakinggan nya habang ang dalawa ay naka titig lang sa daan na dinadaanan nila.
Gustong basagin ni Deanna ang katahimkan sa pagitan nila ni jema kaya sinabi nya kung ano yung napag usapan nila ng daddy nya.
:
:
Deanna: ah jema sabi pala ng daddy mo wag ka dawag paparami sa pag inom
:
Jema: (tumingin sa kanya) bat ako lang? Si Jho?
:
Deanna: (napatawa) kayong dalawa pala HAHAHAHA
:
Jema: alam ko naman tsk.
:
Jema: bat pala kami lang yung ininvite nyo?
:
Deanna: ayaw kasi ni Bea ng madaming bisita, sabi nya kasi baka raw pakatapos ng party pag chismisan pa sya kung hindi masarap yung pagkain, pangit yung celebration o kaya naman ay hindi nakaka enjoy kaya kayo nalang yung inivite.
:
Jema: ang lalim naman ng pag iisip ng kaibigan mo.
:
Deanna: kaibigan natin?
:
:
Napailing nalang si Jema ng tingin at hindi na ulit nag salita. Maya maya ay nakarating na sila sa bahay nina Deanna .
Agad na pinag buksan ni Deanna ng pinto ang dalawa saka bumaba, naunang pumasok si Deanna habang naka sunod sa likod nya ang dalawa.
:
:
Deanna: pasok kayo
:
Pag pasok nila ay agad na bumungad sakanila si Bea at yung mga inomin at pagkain na nasa sala. Sobrang dami ng pagkain at drinks na para bang 30 katao yung iinom at kakain.
:
:
Bea:jhoannaaa!
:
salubong ni Bea kay jho sabay yakap.
:
Jho: happy birthday (hinahaplos ang likod ni bea)
:
Bea: thank you
:
Agad na kumawaaa sa pag kakayakap si bea at nag beso kag Jema.
Nag paalam muna si Deanna sa kanila na mag bibihis lang siya ng damit sa kwarto nya, tumango nalang si bea at pinaupo ang dalawa.
Habang mag bibihis si deanna sa taas ay nag simula ng kumain at uminom ang tatlo, hindi naman masyadong matapang yung drinks na binili ni bea kaya hindi sila agad malalasing. Kasabay ng pag inom ang music na bumabalot sa boung bahay, parang nasa bar lang sila kung tutuusin.
Nag paalam naman sila sa daddy ni Deanna bago nila to gawin at pumayag naman naman yun tutal wala naman sya sa bahay.
:
:
Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na si deanna mula sa kwarto, naabutan nya na nag sisimula ng uminom at kumain ang tatlo
:
:
Deanna: ang daya hindi ako inantay
:
umupo siya sa tabi ni jema, yun nalang kasi yung may space dahil mag katabi si Jho at bea.
:
:
Bea: ang tagal mo eh.
:
Agad syang inabutan ni bea ng alak.
:
masayang silang mag kwentuhan at nag inom.naging komportable naman ang pakikitungo ni Jema kay Deanna at nakikipag tawanan sya rito na parang matagal na silang mag kasama.
Si deanna naman ang taga bukas nya ng alak sa tuwing paubos na ang iniinom nya.
Matagal na nalasing Jema, Bea, at Jho, habang si deanna ay paputol putol na kung mag salita. Sunod sunod kasi to kung uminom at masyado pang magalaw kaya madaling syang nalasing.
:
:
To be continue....
Sorry for the late update guyzzz naging busy lang HAHAHAA..thanks for reading✨♥️

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now