CHAPTER 38

1.9K 53 0
                                    

Deanna's POV
:
Maaga kong sinundo si Jema para pumunta kami sa pupuntahan namin. Pag dating ko dun ay halos tulog pa silang lahat dahil masyado akong maaga pero nung makita ako ng katulong nila ay agad itong pumunta sa kwarto ni Jema para gisingin ito.
Sinabi ko sa kasambahay nila na wag sabihin na ako yung nasa baba basta gisingin nya lang ito at sabihing may nag hihintay sa kanya. Tumango nalang sakin yung katulong at agad na dumiretso sa kwarto ni Jema.
Habang nag hihintay ako sa kanya sa sala ay biglang bumaba si Tito Jack mula sa hagdan. Pinipisil pa nito ang mata nya dahil bagong gising lang at nung makita nito ako na nakaupo sa sala ay agad nitong iminulat ang kanyang mata at dumiretso sa deriksyon kung asan ako
:
Jack: Oh Deanna bat andito ka? Ang aga mo naman ata?
:
Deanna: ah opo susunduin ko po sana si Jema, may pupuntahan po kasi kami ngayon
:
Jack: Pupuntahan? Wala namang nabanggit si Jema sakin about dyan.
:
Deanna: yes po tito wala po talaga syang mababanggit tungkol dito diko po kasi sinabi sa kanya, surprise po kasi eh. At tsaka tito mag papaalam na rin po ako sa inyo na kung pwede promise po iingatan ko po sya dont worry.
:
Jack: okay. Basta wag mo syang hahayaang mapagod ang please ipapa alala mo sakanya yung gamot nya ha.
:
Tumango nalang ako ng masaya kay Tito Jack at pag katapos nun ay tinapik nya ang balikat ko. Umalis na rin sya sa harapan ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig habang ako naman ay hinihintay parin si Jema na bumababa mula sa kwarto nito.
Pakalipas ng dalawang minuto ay narinig ko na na bumukas ang pinto ng kwarto nya mula sa taas. Agad akong tumayo para salubungin sya at ilang segundo pa ay nakita ko na ang nakasimangot nyang mukha na dirideritso lang sa pag lalakad pababa ng hagdan. Mukhang inaantok pa sya kaya hindi sya dumideritso ng tingin, pag dating nya sa baba ay agad ko syang tinawag at dahan dahan nyang itinaas ang tingin nya papunta sa aakin.
:
Jema:D-Deanna!!!
:
Agad syang tumakbo papunta saakin at yumakap ng napa ka higpit
:
Jema: bat dika nag rereply? Na miss kita bwesit ka!
:
Deanna: Sorry na tinatapos ko kasi yung mga gagawin ko pero babawi ako ngayon
:
Jema: dapat lang!
:
Ani nya habang naka yakap parin saakin. Hindi ko parin sya binibitawan hanggang sa nag lakad sa harap namin si Tito Jack at napa ubo. Natawa nalang ako kaya bumitaw na ako sa pag kakayakap sa kanya at ngumiti ako kay Tito Jack na papunta na ulit sa taas para bumalik sa kwarto
:
Deanna: Jema, mag bihis kana dalian mo tsaka mag dala ka ng extra shirt bilis.
:
Pag mamadali ko sa kanya habang naka hawak ako sa braso nya. Bigla nya akong tiningnan na may pag tataka sa mukha nya at agad nya akong tinanong.
:
Jema: bakit? may pupuntahan tayo? Wala ka namang sinabi ah
:
Deanna: basta wag na mag tanong pumunta kana sa kwarto mo at dalian mo mag bihis.
:
Tinulak ko sya ng marahan kaya dahan dahan syang tumaas sa hagdan habang pailing iling na tumitingin saakin.
Habang andon sya sa taas at nag bibihis ay nilibang ko nalang ang sarili ko. Sinibukan kong buuhin yung puzzle ni Mafe na nasa table pero diko magawa dahil feeling ko may mga missing parts yung puzzle pero hindi parin ako tumitigil hanggat diko nabubuo yun.
Makalipas ang 45 minutes at 6:35 na pero diko parin nabubuo ang puzzle hanggat sa may nag salita na mula sa harapan ko.
:
Jema: dimo talaga mabubuo yan. Kulang na kasi yung mga parts nya kaya di na pwedeng mabuo kaya tumigil kana sa pag aaksaya mo ng oras dyan.
:
Deanna: tinatry ko lang
:
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na naka bihis na sya at may dalang bag, baka sa bag na nya nilagay yung gamot at shirt nya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. She smell so good and fresh.
:
Deanna: gustong gusto ko na makita ka ng ganyan araw araw. Kaya I cant wait na dumating ung time na sa bahay kana titira.
:
Jema: Me too. Pero di pa ba tayo aalis? baka late na tayo sa pupuntahan natin?
:
Deanna: Halika na nga dun nalang kita yayakapin ng  mahigpit.
:
:
Agad kaming lumabas ng bahay nila at sinakay ko sya sa kotse ko. Pag katapos nun ay pumunta na ako sa driver seat at nag lagay ng seat belt. Bago ako mag drive ay tumingin muna ako sa kanya habang nilalagay sya rin ang seat belt sa sarili nya. She look so happy, kaya napangiti nalang din ako at nag simula na akong mag drive.
:
Dalawang oras yung byahe papunta dun sa bahay namin dati kaya sinabi ko sa kanya na kung inaantok sya ay pwede naman syang matulog pero sabi nya ay hindi naman sya inaantok kaya nag lagay nalang sya ng headphone.
Isang oras na ang nakalipas, habang nag dadrive ako ay naka tingin lang sya sa bintana at nakikinig ng music ng bigla nyang inaalis yung headphone nya at tumingin saakin.
:
Jema: Deanna? This Road is kinda familiar to me, parang naka punta na ako dito pero diko alam kung kailan?
:
Napalingon ako sa kanya mabilisan dahil hindi ko pwedeng alisin ang tingin ko sa daan.
:
Deanna: really? Baka kasi may pinuntahan kayo dito?
:
Jema: I dont know but maybe...
:
Binalik nya ulit yung headphone nya at tumingin ulit sya sa bintana. Nag patuloy nalang ulit ako sa pag dadrive hanggang sa makarating na kami doon sa bahay namin. Pinarada ko yung kotse sa may ilalim ng puno at pakatapos ay tumingin ako sa kanya pero ang tingin nya ay dun sa abandonadong bahay kung saan nakatira ang kalaro ko dati na si Jemalyn.
Tumingin rin ako sa deriksyon kung saan sya naka tingin dahil nag tataka ako kung bakit ganon nalang ang titig nya sa bahay na yun
:
Deanna: Hey? (hinawakan ko sya sa balikat) may problema ba?
:
Tumingin sya sa akin na parang nagulat
:
Jema: ah wala sige baba na tayo.
:
Hindi ko nalang yun pinansin at bumaba na ako ng kotse, pag bubuksan ko pa sana sya kaso mag isa nalang syang bumaba ng kotse.
:
Deanna: Halika na pasok na tayo sa loob para makakain at mailibot kita sa paligid
:
Tumango nalang sya saakin at nag lakad na kami paaasok ng bahay. Puno ng bulaklak yung nilalarakan namin na tinanim ng care taker namin  dito. At matatanaw mo rin mula rito ang malawak na lupain na halos puno ng malaalon na damo at may makikita kang mga baka. Habang nag lalakad kami ay nauuna ako kay Jema dahil sa ang bagal nya mag lakad. Limilingon ako sa kanya at nakikita ko na napapakamot sya sa ulo nya.
:
Deanna: Jema, bilisan mo
:
Sigaw ko sa kanya ng makarating na ako sa pinto at agad ko yon binuksan. Binilisan nya ang pag lalakad at sumunod na saakin papasok ng bahay.
pag pasok ko sa loob ay bumalik saakin ang mga nangyari simula nung dun pa kami nakatira. Halos walang pinagbago, kung anong itsura ng umalis kami dito ay ganon parin hanggang ngayon. Malinis ang buong paligid at makikita mo parin ang mga litrato namin ni Mom At Dad na kompleto pa nung dito pa kami nakatira.
Nilibot ko parin ang tingin ko at huminga ako ng malalim habang inaalala ang mga bagay na nangyari dito sa bahay na ito nang biglang yumakap sa balikat ko si Jema.
:
Jema: it still the same
:
Napamulat ako sa sinabi nya. It still the same? nakapunta na ba sya dito dati?
:
Deanna: Yeah walang pinagbago (nilibot ang tingin sa kisame)
:
Jema: may pag kain ba dito? Kanina pa ako nagugutom, umalis kasi tayo na hindi kumakain eh.
:
Deanna: Oo meron bago tayo pumunta dito pinaayos ko na lahat.
:
Jema: Kain muna tayo?
:
Anyaya nya sakin kaya tumango nalang din ako sa kanya at nag lakad kami papuntang kusina. Pag punta namin ron ay may laman na ang fridge, bago kasi kami pumunta ay sinabi ko kay Mom na bibisita kami rito kaya pinaayos na nya lahat.
:
Tinanong ko si Jema kung ano ang gusto nyang kainin pero sabi nya Noodles nalang daw para madaling maluto. Alam kong hindi healthy yun pero isang beses lang naman daw kaya wala na akong nagawa kundi ang mag luto ng Noodles at Sinabayan ko ng itlog.
Madali lang akong nakapagluto kaya inihain ko na ito sa kanya at kumuha ako ng prutas sa Ref at ibinigay yun sa kanya. Sabay kaming kumain at mukhang sarap na sarap sya sa niluto ko kahit na simpleng noodles lang yun.
Pakatapos  naming kumain ay ipinaalala ko sa kanya ang gamot na iinomin nya gaya ng ibinilin saakin ng Daddy nya. Agad nyang inilabas ang gamot na inireseta sa kanya ng daddy nya mula sa bag kaya inabutan ko sya ng tubig. Pag katapos nung ay pinagsabay nya ang limang ibat ibang gamot na feeling ko ay sobrang pait.
:
Deanna: okay na? gusto mo pa ng tubig?
:
tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang likod nya pakatapos nyang mag inom ng gamot.
:
Jema: hindi na, kailangan ko lang humiga kahit kaunting oras. Medyo inantok na ako.
:
Deanna: pinapatulog kasi kita sa byahe pero ayaw mo.
:
Jema: e. Gusto ko kasi pag masdan yung mga dinadaanan natin eh.
:
Deanna: oo na. Halika na at ihahatid na kita sa kwarto ko dati.
:
Inalalayan ko sya paakyat ng kwarto ko. Sobrang gaan na nya talaga halos feeling ko araw araw ay bumabagsak ang timbang nya. Pag dating namin ng kwarto ay bumungad saakin ang higaan ko dati at mga litrato na hindi ko makakalimutan.
:
Deanna: ito yung kwarto ko. Sorry kung medyo magulo baka hindi nasabay sa pag aayos.
:
Jema: okay lang.
:
Agad kong sinara ang pinto at si Jema naman ay nag lakad lakad at tinignan ang mga litrato ko nung bata pa ako.
:
Deanna: yan ako nung 11 palang ako. Cute ko diba?
:
Pag bibiro ko sa kanya mula sa kanyang likuran ng bigla nyang hawakan ang picture ko nung 11 yrs old palang ako.
:
Jema: I know.
:
Deanna: Huh? May nakita ka ng picture ko dati?
:
Hindi na nya nalang ako sinagot at nag patuloy lang sya sa pag titig sa mga picture dun sa kwarto ko nang bigla nyang hawakan ang picture frame namin ng kalaro ko dati na tinatawag kong Jemalyn. Ngumiti sya sa picture na yun at sabay nyang hinaplos.
:
Deanna: Yan ako tapos yung kasama ko naman ay si ...
:
Jema: Jemalyn, siya si Jemalyn.
:
sabat nya sakin habang nakatitig parin sa picture. Pano nya nalaman ang pangalan na yun eh hindi ko naman yun nabanggit sa kanya.
:
Deanna: Pano mo nalaman name nya? Wala naman akong nakwento sayo about sa kanya diba
Deanna: Pano mo nalaman name nya? Wala naman akong nakwento sayo about sa kanya diba?
:
Jema: (smiled) kasi siya yung 11 yrs old Jema Galanza. Siya yung umalis sa bahay na yun.
:
Deanna: Hah? anong ibig mong sabihin? (nagtataka)
:
Jema: naalala ko dati nung tinatawag mo akong Jemalyn kasi ayaw kong sabihin yung Real name ko sayo. Naalala ko nung lagi kang pumupunta sa bahay namin para makipaglaro at naalala ko rin na lagi akong andito para makipaglaro sayo. Naalala ko rin na umalis kami dun sa bahay na yun para sa pinapatayong Hospital ni Dad at simula nun hindi mo na nakita yung Jemalyn na laging nag papasaya sayo.
:
Deanna: i-ikaw si Jemalyn? (titig na titig kay Jema)
:
Jema: Im so glad that we found each other Deanna. I've been searching for you.
:
Humarap sya saakin at bigla nya akong niyakap ng mahigpit.
:
Si Jema at si Jemalyn ay iisa lang! Hindi ko akalain na ang matagal ko ng hinahanap ay ang nakakasama ko lang pala araw-araw at yun ay si Jema.
:
Yumakap ako pabalik sa kanya habang hindi parin makapaniwala sa mga nalaman namin. Sobrang liit at mapaglaro talaga ang mundo kasi biruin mo si Jema lang palan yung Jemalyn na matagal ko ng hinanap. Hayst.
:
Deanna: Jemalyn, bat ngayon kalang? Ang tagal kaya kitang hinanap at nalungkot ako nung umalis ka na hindi nag paalam sakin.
:
Saad ko sa kanya habang yakap yakap parin namin ang isat isa.
:
Jema: Sorry na. Pero ngayon andito na ako
:
⚠️⚠️(may warning alam nyo na..)
:
Napatawa nalang ako saaming dalawa at bumitaw ako sa pag kakayakap para halikan sya.
Hinalikan ko sya sa lips at nakahawak ako sa mukha nya. Habang hinahalikan ko sya ay napapausog kaming dalawa papunta sa higaan hanggang sa mapahiga ko sya at hindi ko parin binibitawan ang mga halik ko. Nang makahiga na sya ay dahan dahan kong pinasok ang kamay ko sa damit nya papunta sa dibdib ng bigla nyang hawakan ang kamay ko para pigilan ito.
:
Jema: Deanna!!
:
Deanna: what?! Ayaw mo ba?
:
Jema: Wag ngayon!
:
Deanna: bakit?
:
Jema: basta ayoko, ilibot mo nalang ako sa paligid nawala na yung antok ko.
:
Deanna: ayaw mo lang. Pero sige di naman kita pipilitin tsaka mas maganda talagang mag libot nalang muna tayo.
:
Pinatayo ko sya mula sa pag kakahiga at agad na kaming lumabas ng kwarto para mamasyal sa paligid. Sinabi ko sa kanya na puntahan namin yung bahay nila dati para tignan kong ano na ang itsura nito kaya agad naman syang pumayag.
Pag labas namin ng bahay ay tumakbo ako para puntahan yung bahay nila dati.
:
Jema: Deanna! Deanna! Antayin mo ako! Hoyyy
:
Sigaw saakin ni Jema pero hindi ko sya nilingon at tumakbo lang ako ng tumakbo para puntahan yung bahay.
:
Jema: Deanna!!!!
:
Sigaw ulit nya sakin kaya nilingon ko sya at nakita ko na tumatakbo rin sya para habulin ako.
Binalik ko ulit yung tingin ko sa unahan at tuwang tuwa na tumakbo ulit ako hanggang sa makita  ko na ang isang puno katapat ng bahay nila. Mas binilisan ko pa ang takbo ko pero hindi ko na naririnig ang boses ni Jema na tinatawag ang pangalan ko. Bigla akong napatigil sa pag takbo ng may bigla akong maalala. Naalala ko na bawal palang mapagod si Jema kaya lumingon ako sa likuran ko para tignan sya.
Pag lingon ko ay nakita ko na nakahandusay na si Jema sa Lupa.
:
Deanna: Jema?
:
Saad ko sa sarili ko ng makita ko kung nasaaan sya.
:
Deanna: Jema!!!!
:
Sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya.
:
Deanna: Jema! Jema! Hoy gumising ka! Jema sorry! Jema! Jema ano ba!
:
Paulit ulit ko syang ginigising ng makapunta na ako sa kanya pero hindi sya magising. Agad kong inilapit ang tenga ko sa mukha nya para tignan kong humihinga pa sya at luckily ay may naririnig pa akong hangin na lumabas sa ilong nya..
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Tito Jack para sabihin ang nangyari.
:
Deanna: H-hello t-tito
:
nanginginig na ang kamay at boses ko habang hawak hawak ko ang Cellphone at nag simula na akong maiyak
:
Jack: oh Deanna bakit?
:
Deanna: t-tito s-si J-ema po
:
Jack: bakit anong meron kay Jema? (nagsimula ng tumaas ang boses)
:
Deanna: bigla nalang po syang nahimatayyyyy
:
Jack: huh anong nangyari?! iuwi mo na sya dito at agad mong ideritso sa Hospital! Pupunta ako dun agad bilisan mo!
:
Deanna: O-po
:
Nataranta na ako kaya sinubukan ko na syang buhatin pero malayo pa yung kotse ko kaya matatagalan kong ibubuhat ko pa sya papunta ron kaya naisipan kong iwan mo na sya para kunin ang kotse.
Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa bahay at pag karating ko rin ay agad kong pinaandar ang kotse para kunin sya. Pinatakbo ko ito ng mabilis at pumunta ako kung saan ko sya iniwan. Pag karating ko roon ay agad ko syang binuhat  papasok ng kotse.
:
Deanna: Jema please k-kapit kalang ha. Papunta na tayo ng hospital.
:
Nanginig kong bilin sa kanya at agad na akong nag drive para ihatid sya sa Hospital. Sobrang bilis ng takbo ko kahit na may mga nakakasalubong akong sasakyan ay wala na akong pake basta maihatid ko lang sya.
:
:
To be continue...

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now