Chapter 42 (The Last Chapter)

4.4K 125 54
                                    

Deanna's Pov:
:
6:30 na at papunta palang ako kina Jema. Nakatulog kasi ako kaya naka limutan ko na may pupuntahan pala kami. Lasing na lasing kasi ako kagabi kaya pag gising ko kaninang umaga ay may hang over parin ako. Tungkol pala sa pupuntahan namin ay gusto ko ulit syang idala sa dagat. Na miss ko na na pumunta dun kasama sya kaya naisipan kong dun nalang sya idala. Bago ako dun pumunta sa kanila ay nag dala ako ng makapal na towel, malamig kasi dun kaya ilalagay ko yun sa kanya para di sya lamigin.
:
Pag dating ko dun sa kanila ay nakita ko na syang naka upo sa sala. Naka bihis na sya at andon rin ang Mom at Dad nya pati na rin si Mafe na katabi lang nya sa upuan. Pumasok ako sa bahay nila sabay nag bigay galang sa Pamilya nya. Kanina pa ata syang nag hihintay saakin kaya naisipan kong umalis na rin agad para makauwi kami ng maaga.
:
Deanna: Tito, tita una na po kami. Ako na po yung bahala kay Jema.
:
Ani ko kaya agad na tumayo ang parents nya para alalayan rin maka tayo si Jema.
:
Jack: Ikaw na bahala sa kanya.
:
J.mom: Iuwi mo sya agad kapag pagod na sya.
:
Tumango nalang ako sa parents nya. Nang aalis na kami ay yumakap muna si Jema sa Mommy at Daddy nya pati narin sa kapatid nya. Niyakap nya ang mga ito na parang yun na ang huli. Sobrang tagal nya itong hiwalayan kahit na kinakapos na sya sa hininga.
:
Mafe: Promise me that you will come back
:
Saad ng kapatid nya kaya lumuhod sya para maabot ito.
:
Jema: I can say but I can't promise. I will try my lil princess. Dad, Mom, I just wanna say Thank you for everything. Thank you for your sacrifices and for your love to me. Thank you for keep on cheering me up. But Im sorry if I always make you  worried about me. I love you both what ever happens.
:
Nagtaka ako kung bat ganon nalang yung paalam nya eh babalik naman kami. Niyakap nya ulit ang pamilya nya at isa isa nya itong hinalikan. Pakatapos nun ay nag paalam na sya sa Pamilya nya kaya inalalayan ko na sya papuntang kotse. Naka alalay ako sa  braso nya habang naglalakad kami at sobrang gaan na nya talaga. Bumagsak na talaga ang kalahating timbang nya kaya sobrang dali nalang para saakin ang mabuhat sya. Pag dating namin sa kotse ay agad kong binuksan ang pinto sa upuan na katabi ng driver seat at saka ko na sya nilagyang ng seat belt. Pakatapos nun ay pumasok narin ako sa kotse para mag simula ng mag drive.
Habang nasa byahe kami ay pakunti kunti ko syang tinitignan. Kapag tumitingin ako sa labi nya ay nakikita ko kung gano sya kasaya.Pero sa tuwing tititig ako sa mga mata nya, nakikita ko yung lungkot, I saw her sufferings. I know she's tired, I know that she really want to give up and then rest forever but because of me, she still fighting for her life. Im sorry for keeping her. Im sorry kung pinipilit ko parin sya pero wala eh, Mahal na mahal ko talaga sya at ayokong mawala sya sakin. I know Im selfish but I dont want to loose the person that I love.
:
Ilang minuto pa ay nakarating na kami dun sa dagat. Itinigil ko ang kotse sa tabi ng kalsada at saka na ako bumaba para pag buksan sya ng pinto. Pag bukas ko ng pinto nya at agad kong inalis ang seat belt nya at inalalayan ko syang tumayo para makalabas ng kotse.
:
Jema: Thank you
:
Saad nya ng mailabas ko na sya sa kotse ko. Ngumiti nalang ako sa kanya at binuhat ko na sya papunta dun sa dalampasigan. Nakangiti akong binubuhat sya at ganun din sya hanggang sa makarating kami sa bato na madalas naming inuupuan. Pag dating namin dun sa bato at inakyat ko sya papunta sa top nito para dun kami umupo. Sobrang gaan lang nya kaya naging madali lang saakin ang mabuhat sya papunta sa taas.Nang andun na kami pareho ay agad na kaming umupo.
Sobrang lamig ng hangin kaya biglang sumagi sa isip ko na may dala pala akong towel kaya sinabi ko sa kanya na babalik lang muna ako sa kotse para kunin yung towel para di kami lamigin. Agad akong bumaba at tumakbo papunta sa kotse para kunin sa loob yung dala kong makapal na towel at buti nalang ay nahanap ko ito agad. Nang nakuha ko na yun ay tumakbo ulit ako papunta dun sa bato at sabay akong umakyat para puntahan si Jema. Pag dating ko dun ay agad akong umupo at nilagay ang towel sa kanya, pinulupot ko yun sa katawan nya at sabay ko syang pinasandal sa balikat ko.
:
Deanna: Nilalamig ka pa ba?
:
Tanong ko sa kanya para masigurado na okay yung pakiramdam nya
:
Jema: Yah, okay na
:
Hinaplos ko yung buhok nya na tinatangay ng hangin at saka ko hinalikan ang ang noo nya. Tanging ingay lang ng tubig ang naririnig namin at hangin na dumadampi sa balat naming dalawa.
:
Deanna: Ang liwanag ng buwan oh
:
sabay kong tinuro ang bilog na buwan para ipakita sa kanya.
:
Jema: Oo nga
:
Lumingon ang mga mata nya don habang naka sandal parin saakin.I feel her voice is so weak. Parang inaantok sya na hindi ko alam.
:
Deanna: Gusto mo yakapin kita?
:
Jema: yah sure
:
Agad akong pumunta sa likuran nya at niyakap ko sya. Sa ngayon ay ako naman ang naka sandal sa balikat nya habang nasa likuran nya ako.
:
Deanna: I love you Jema
:
Bulong ko sa kanya habang naka sandal sya sa dibdib ko at naka pikit ang mga mata nya.
:
Jema: I love you too
:
Mahinang sagot nya saakin. Hinalikan ko nalang sya sa pisnge nya at nag salita ako ulit.
:
Deanna: Kapag magaling ka na, gusto ko na mag travel tayo tapos araw araw tayong lalabas para ma enjoy ang bawat araw na ninakaw saatin.
:
Tumango nalang sya saakin. Pero nagsalita parin ako kahit di na sya sumagot basta mapakinggan lang nya ayos na ako dun.
:
Deanna: Tapos pag may bahay na ako dun kana titira saakin. Araw araw mo na akong ipagluluto at tuwing umaga ko na makikita yang mukha mo. Tapos pag papasok na ako sa trabaho lagi akong may goodbye kiss mula sayo tapos sa tuwing uuwi naman ako lagi mo akong sasalubungin ng mga yakap mo tapos may mga pagkain ka ng inihanda saakin. Tsaka mag aampon tayo ng anak tapos papalakihin natin ng parang saatin galing at mamahalin natin ng sobra. Ganun yung gusto ko pag kasama kita
:
Hindi ulit sya sumagot saakin at naka sandal lang sya tapos naka pikit parin ang mga mata. Tinanong ko sya kung pagod na ba sya kasi uuwi nalang kami para maka pag pahinga na sya.
:
Deanna: hey, are you tired?
:
tanong ko sa kanya at tinitigan ko sya sabay hawak sa kamay nya. Bigla nyang iminulat ang mga mata nya at tumingin sya saakin.
:
Jema: Sobra
:
Simpleng sagot nya saakin at muli nyang isinara ang mga mata nya. Mas hinigpitan ko pa ang pag kakahawak sa kamay nya at tinanong ko sya ulit
:
Deanna: nangarap ka rin ba na makasama ako habang buhay?
:
Tinitigan ko sya at inantay na sumagot ulit saakin.
:
Jema: Paulit ulit akong nangarap na maka sama ka but I know it's impossible.
:
She whispered
:
Jema: Make the most of your life Deanna
:
Dagdag nya pa ulit
:
Deanna: being with you is enough for me
:
Sagot ko rin sa kanya at hinalikan ko sya sa pisnge
:
Jema: But im not going to be with you forever, I have to rest. Iiwan kita
:
All I can hear is sadness in her voice.
:
Deanna: but I know that you won't do that
:
Jema: I will. I will Deanna. Do something na makakapag pasaya sayo. Do a bucket list, do a memorable things. Go for travel, enjoy your life Deanna. I really wanted to do that things but Im too weak. Ikaw you're still strong kaya mo pang gawin ang mga bagay na yun. Make one.
:
She kiss my cheeks at pakatapos nun ay nakita ko na bigla syang humawak sa dibdib nya. Agad akong nag aalala kaya tinanong ko sya kung bakit
:
Deanna:Okay kalang? Uwi na kaya tayo?
:
Jema: Okay lang ako. Gusto ko mag stay dito for the last time
:
Last time? Ano bang sinasabi nya? Eh babalik pa kami dito
:
Deanna: Last time? Babalik pa tayo dito
:
Jema: I'm tired Deanna
:
She hugged me and she cried. Diko alam kung bakit pero bigla narin lang akong naluha
:
Jema: Deanna, I love you. Im sorry if I can't stay by your side. Im sorry for giving you pain. Im sorry kung dadating yung araw na iiwan na kita. Guston ko lang malaman mo na mahal na mahal kita kahit na baliktarin man ang mundo ikaw lang ang taong mamahalin ko.
:
I wiped her tears at ngumiti rin ako sa kanya sabay ang pag agos ng mga luha ko sa mata ko.
:
Deanna: Are u really tired?
:
Muling tanong ko sa kanya habang tuloy tuloy ang pag iyak ko
:
Jema:  Sobra. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong lumaban. All I want now is to rest. Im sorry kung napagod akong lumaban. I'm sorry kung di na ako yung taong pinapangarap mong makausap. Pagod na ako eh. Sobrang pagod na pagod na ako.
:
she's tired, she's already tired. Kahit noon pa ay alam kona na nahihirapan na sya but pinipilit ko parin syang lumaban kahit na alam ko sa sarili ko na hirap na hirap na sya. All i wanted her is to stay to stay for me.
:
Deanna: noon pa man. Alam ko na sa sarili ko na darating yung araw na iiwan mo ako. Alam ko na na mag papahinga ka pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi yung mangyayari kasi mahal mo ako. I'm sorry for still keeping you even though you're tired. I'm sorry if I'm selfish
:
Were both crying. Im still holding her hands at ayoko na yung bitawan.
:
Jema: Its okay. Promise me that you will live longer. Promise me that you will find another someone who can stay with you. Promise me that you will do everything to be happy. Pag naiwan na kita wag kang malungkot kasi mawawala na yung sakit. Promise me okay?
:Deanna: I'll do what you want. Magiging masaya ako gaya ng gusto mo. Gagawin ko lahat ng bagay na dapat gagawin natin mag kasama. Gagawin ko yun.
:
I keep on crying
:
Jema: Stop crying, ayokong iwan kang umiiyak
:
Deanna: But how? Nasasaktan ako Jema.
:
Jema: Bat ka nasasaktan? (She ask me while I'm still holding her hands)
:
Deanna: Kasi iiwan mo ako. Kasi mawawala kana sakin. Gigising na ako na wala ka. Tatayo ako ng hindi ka kasama. Hindi ko pa kaya Jema, please wag mo akong iwan. Nakikiusap ako.
:
Pag mamakaawa ko sa kanya at yumuko ako habang naka hawak parin sa kamay nya. This time ayoko ko syang bitawan. Ayokong mawala sya saakin. Hindi ko pa kaya hindi pa.
:
Jema: shhh Tanggapin nalang kasi natin yung totoo. Mawawala ako. Please accept that. Para wala ng masaktan. Para di ka na umiyak. Ayokong matulog na umiiyak ka.
:
She still lying on my chest. Nararamdaman ko na bumabagal na yung pag hinga nya. But I hold her more tightly para maramdaman nya na hindi ko pa sya kayang bitawan.
:
Jema: Deanna, Im sleepy. All I want is to rest.
:
Mahinang sabi nya saakin. Umiyak ako ng umiyak bago ako ko sya sinagot. Hindi ako naka tingin sa kanya at naka titig lang ako sa langit na puno ng bituin at ng maka hinga na ako ay pinunas ko ang luha ko at sabay na sumagot sa kanya.
:
Deanna: Are you really tired?
:
Jema: Yes.All I want is to rest now
:
Do you have to let her go? Hahayaan ko na ba syang matulog? Hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat. Im not ready but she's tired. She fight for so many years and I think it's time for her to rest.
:
Deanna: Jema, meeting you is the best part of my life. You teach me so many things that I can use to be a better version of my self. You teach me on how to let go the person that I love. Ikaw yung nagturo saakin kung paano ko pahalagahan ang bawat araw na dumadating sa buhay ko. You taught me what true love is. I love you Jema. Simula palang nung nakilala kita natuto ka ng lumaban para sa sarili mo. Lumaban ka araw araw para sa sakit na yan. And I think its time for me to stop being a selfish. It's time to take rest. I love you Jema. Saksi yung lugar na to kung gaano kita kamahal. Im not ready but I love you so Im letting you go.
:
I look at her for the last time. I kiss her lips for the last time and I hold her hand for the last time.
:
Jema: I love you too Deanna. In another life, I'll make sure na wala na akong sakit. ill make sure na tayo na hanggang sa huli. Sorry if we didn't up together. Im sorry but Im tired. Can I rest now?
:
Ang sakit pero kailangan.
:
Deanna: Yes. It's the end of your sufferings. You can rest now, sleep well my love. See you in our next life. I love you.
:
Hindi ko binitawan ang kamay nya hanggang sa dahan dahan na nyang pinikit ang mga mata nya.
Hindi ko sya tinignan at nakapikit lang ako habang naka halik sa noo nya. Im still crying. Di ko kaya pero kailangan. Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang bukas ng wala na sya.
She sleep while lying on my chest. Hanggang sa maramdaman ko na unti unti ng bumibitaw ang kamay nya sa kamay ko. I also felt her breathing start to slow down. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa tuluyan ng bumitaw ang kamay nya. I look at her while her eyes are already asleep. Umiyak nalang ako ng umiyak at hinawakan ko ang mukha nya.
:
Deanna: Its done. Magpahinga ka ha. Ang daming hirap na dinanas mo. Di ka mawawala sa puso ko Jema. Masakit pero mahal kita e. Ayoko na nahihirapan ka. I cant wait na samahan narin kita. Pag dumating na yung time na yun hindi ako iiyak kasi sa wakas ay makikita na ulit kita. Mahal na mahal kita Jema, mahal na mahal.
:
Niyakap ko sya ng mahigpit at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na darating ako sa ganitong punto ng buhay ko na kailangan na magpaalam saakin ng taong mahal ko. Life is cruel, it is.
Habang kayakap ko sya ay hinihiling ko nalang na panaginip ang lahat.
:
:
:
:
:
:
:
:
*AFTER TWO YEARS*
:
:
:
:
:
:
:
"Here! Dito mo ako kunan kitang kita yung simbahan oh tsaka maganda yung view"
:
utos saakin ng napakagandang babae na nasa harapan ko. Kinukunan ko sya ng litrato habang nasa tapat kami ng Sagrada dito sa Barcelona.
:
"okay as u wish"
:
Binigyan nya ako ng pinaka the best nyang pose at saka ko na siya kinunan ng picture.
:
"Patingin nga ako"
:
Sabi nya ng matapos ko na syang kunan. Lumapit sya saakin saka kinuha ang camera ko para tignan yung mga picture nya.
:
"Wow, Ang galing mo talaga love. Ang ganda ng kuha mo"
:
Ani nya habang naka tingin sa camera ko.
:
"Syempre maganda si Jema Galanza e."
:
Sabat ko naman sa kanya saka ko kinuha ang beywang nya at hinalikan ko sya sa pisnge.
:
"I know (laugh) btw nagugutom na ako Deanna. Kain na tayo"
:
Anyaya nya saakin habang nag papa cute sa harap ko. Gawain talaga nya yan. Pag may hinihiling sya agad syang nag papa cute para pumayag ako. Pero syempre papayag ako. Ayokong nagugutom sya.
:
"Sige I will bring you to the best Restaurant here in Barcelona. Ayoko na tinitipid yung mahal ko."
:
Imbis na ngumiti sya sa sinabi ko ay napangiwi nalang sya .
:
"banat mo laos" (rolled her eyes)
:
Napangiti nalang ako sa kanya. She still cute kahit na ganon.
:
"Halika ka na nga. Baka ikaw pa ma kain ko."
:
Sagot ko sa kanya saka ko na binitbit ang camera ko at umalis na kami para kumain.
:
:
:
We would be like that if she didn't die.
:
:
Unti- unti kong iminulat ang mga mata ko pakatapos kong isipin yung bagay na yun at saka ako tumingin sa upuan kong saan ko sya unang nakita. Ganon sana kami kung hindi sya namatay. Sana andito sya ngayon kasama ko at kinukunan ko rin ng litrato. Sana nayayakap ko pa sya at naaasar pero hindi. Wala na sya.

Habang naka tingin ako sa upuan na yun ay naalala ko yung muli naming pagkikita dito sa lugar nato. Sobrang ingay nya non kasi kausap nya pamilya nya. Pangarap nya kasi yung makapunta dito sa Barcelona Spain. Ang sarap balikan yung araw na yun. Yung araw na malakas pa sya at nahahawakan. I remembered the day I fell inlove to her.
:
Andito ako ngayon sa harap ng Sagrada at naka upo sa upuan kung saan ako umupo nung una ko syang makita. Kahit na dalawang taon na yung nakalipas ay sariwa parin saakin ang nangyari. Andito parin saakin yung lungkot simula nung iwan nya kami. Kahit na may mga project na akong nagawa at natupad ko na yung pangarap ko sa buhay pero may kulang parin saakin. Kahit na madami man akong makuhang proyekto o mabiling bahay,kotse, madami man akong pera, makapunta man ako sa ibat ibang lugar, wala parin si Jema saakin. Kulang parin ako kasi yung tao na pinangarap kong makasama ay wala na. Sa tuwing uuwi ako galing trabaho lagi akong umiiyak kasi ako lang mag isa. I feel so empty all the time. Kahit na masaya ako ngayon maya maya ay bigla nalang akong nakakaramdam ng lungkot. It's really hard for me to move on kasi sobrang minahal ko si Jema. But i know na darating rin yung araw na magiging okay ang lahat. Hindi man ngayon pero alam ko na may araw na gigising nalang ako at wala na yung sakit na nararamdaman ko. Feel the pain until it hurts no more sabi nga nila. Alam ko na balang araw matatanggap ko nalang ang lahat.
Kung nasaan man ngayon si Jema sana masaya na sya at nakaka pag pahinga ng maayos. Alam ko na lagi syang naka tingin saakin at masaya sya sa nararating ko. Hindi ako titigil na tuparin yung mga pangarap namin dati. Tutuparin ko yun mag isa na kasama sya. I promise.
:
:
Dati akala ko pag nag mahal ka, lagi kang kikiligin at sasaya. Akala ko pag nag mahal ka laging masaya yung bawat araw mo,pero hindi pala. Dahil kay Jema naramdaman ko yung tunay na pag mamahal. Yung handa kang bitawan yung taong mahal mo para sa ikakabuti nya. Yung handa kang masaktan para maging maayos sya. Naging isa ako sa pinaka matapang na tao kasi nagawa kong bitawan yung taong mahal ko na pinagarap kong makasama sa habang buhay. Love is totally crazy.
Sasaktan at sasaktan ka ng pag mamahal. Masama man kayo ngayon pero darating yung araw na masasaktan nyo ang isat isa hindi dahil sa paiiyakin kayo or what pero to make you the best version of your self. Walang tao ang hindi nasasaktan sa pag mamahal wala. Kaya kung nasaktan man ako at naiwan well it's part of love.
:
World hates a happy ending story. Walang mala fairytale na buhay sa mundo gaya ng kasinungalingan na laging kinikwento saatin ng mga magulang natin noon. Walang prince charming na handa kang iligtas sa lahat ng oras at hindi ka iiwan.Life fvck us all. Lahat ng meron tayo, lahat mawawala yan. Lahat sila iiwan tayo kaya habang andyan pa sila ay pahalagahan mo na  dahil hindi natin alam na baka bukas isa isa na silang mawala. No one stays in our life.
Iniwan ako ni Jema, well everyone does. So hinihintay ko nalang na dumating yung araw na mag kikita kami ulit. Sa susunod na buhay man o sa kabilang mundo, at pag dumating yung araw na yun ay sisiguraduhin na naming magiging kami na sa huli at mag kakasama na kami ng matagal. Hindi ko na hahayaang agawin pa sya ng mundo saakin. Hindi na. Ngayon natalo kami pero sa susunod ay hindi na sigurado ako dun.
:
:
:
Habang naka titig ako sa simbahan ay biglang may tumawag saakin. Kailangan ko ng umalis kasi marami pa akong gagawin kaya agad na akong tumayo sa kinauupuan ko sumakay na sa kotse ko. Nang sana kotse na ako ay muli kong tinignan ang simabahan at ang upuan. "See you again" ani ko sa sarili ko at isinara ko na ang bintana ng kotse at isinuot ang sunglass ko saka na ako umalis.
:
:
:
:                            ✨THE END✨
:

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now