Deanna's POV
:
Nanatili lang kami ni Jema dun ng ilang oras. Hindi ko na sya pinagsalita pa at sinabi ko nalang na mag pahinga nalang sya sa balikat ko, ayoko kasi makarinig ngasasakit na salita mula sa kanya.
Sabi ko sa kanya kahit anong mangyari wag syang susuko at wag syang pang hihinaan ng loob kasi andito naman ako at ang mga mahal nya sa buhay para maging lakas nya. Hindi nalang sya nag salita at natahimik nalang sa balikat ko. Maya maya narin ay naisipan na naming umuwi, medyo nalalamig na kasi ako at ayoko rin na lamigin pa si Jema kaya sinabi ko sa kanya na uuwi na kami.
Inanalayan ko sya pababa dun may bato at gaya kanina ay sobrang gaan na nya talaga. Hindi na sya katulad ng dati na medyo may laman pa yung katawan. Mapapansin mo na sa kanya na pumapayat na sya kasi kitang kita na yung collar bone nya. Sinasabi ko sa sarili ko na parte lang yun ng sakit at pag papagaling nya kasi madami syang iniinom na gamot. Pakatapos ko syang ibaba dun sa bato ay nag lakad na kami papunta sa kotse ko.
Pinag buksan ko sya ng pinto at inilagay ko na ang seat belt nya at pag katapos nun ay hinalikan ko sya sa noo. She just smiled at me kaya nag decide narin akong pumasok sa kotse para mag drive na.
This night is so calm and peace. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng gantong katahimik na gabi at kasaya. Sana ganto nalang lagi, sana ganto nalang lagi yung nararamdaman ko.
:
Habang nasa byahe kami ay nag patugtog ulit ako ng kanta sa kotse ko 13 by Lany yung napili ko para makasabay ako sa tunog. Habang sumasabay ako sa kanta ay naisipan kung tanungin si Jema
:
"Jema, what if pun.."
:
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pag lingon ko sa kanya ay nakita kong tulog na sya. Naka cross arm pa sya at nakasandal ang ulo sa gilid ng kotse. Feeling ko napagod sya kaya bigla nalang syang nakatulog. I decided na hindi na muna sya ideritso sa bahay nila at dun nalang sa bahay sya matulog. Naahihiya pa kasi ako sa parents nya dahil sa ginawa ko at bukas nalang ako mag papaliwanag.
Binilisan ko ang takbo ng kotse ko at ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Pag park ko ng kotse ay agad narin akong bumaba para buksan yung pinto nya at buhatin sya pa punta sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pinto ng kotse ay bigla namang nag text si Bea saakin
:
:
Bea: [ Hey, sana nag enjoy ka at nagkaayos na kayo, wala na kasi ako dyan sa bahay nyo para makinig sa mga drama mo pinauwi kasi ako ni Mom para icelebrate yung napanalunang case na hinawakan ni ate. Wala rin yung dad mo dyan pag alis ko. Babu]
:
:
Buti nalang talaga at nag kaayos na kami ni Jema kundi mag isa akong mag momukmuk sa kwarto ko. Hindi ko na sya nireplyan at agad ko ng inalis ang seat belt ni Jema at dahan dahan ko syang binuhat papalabas ng kotse ko. Habang buhat ko sya ay bigla syang kumapit sa leeg ko pero nakapikit parin ang mga mata nya. Walang ilaw yung kwarto ni dad nung dumaan ako kaya baka wala sya dito o tulog na sya pero hindi kasi yun natutulog ng walang ilaw eh kaya baka wala talaga.
Pag dating ko sa kwarto ko ay mahina kong sinipa ang pinto para mabuksan, buhat buhat ko kasi si Jema kaya hindi ko yun mabubuksan gamit ang mga kamay ko. Pumasok na ako sa loob at inihiga ko sya sa may kama ko ng dahan dahan at pakatapos nun ay bumalik ako sa may pintuan para isara at i lock yun.
Bumalik ako sa kanya at inalis ko yung jacket at sapatos na suot nya, nilagyan ko rin sya ng kumot kasi naka skirt lang sya. Pakatapos nun ay tumabi ako sa tabi nya at nilagay ko rin yung kumot sa sarili ko.
:
"Goodnight"
:
Hinalikan ko yung noo nya at saka ko sya niyakap. Pag kayakap ko sa kanya ay yumakap rin sya pabalik.
:
"Akala ko ba tulog kana?"
:
tanong ko sa kanya nung naramdaman ko yung kamay nya sa likod ko na yumayakap rin
:
Jema: Hug mo lang ako please
:
"Hug lang ba? Ayaw mo ng iba pa?"
:
Jema: Kiss na rin
:
Napatawa nalang ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi at niyakap ko pa sya ng mas mahigpit.
Gusto ko lagi lang kaming ganito. Yung lagi ko lang syang kayakap at lagi ko syang nahahalikan. Gusto ko rin na lagi ko syang kasama sa pag tulog kaya promise ko na pag mag kasama na kami susulutin ko ang bawat araw na kasama ko sya.
:
:
Nakatulog na sya pero ako andito parin nakatitig parin sa kanya at patuloy kong hinahaplos ang mukha nya. Habang tinititigan ko sya I dont feel anything except happiness. Ang saya ng puso ko kasi hanggang ngayon nahahawakan ko parin sya at nakakasama. Ayoko na mawala ulit sya saakin gaya ng ginawa ko. This time I will be brave and strong for our love and for her. I love her more anything. Wala na akong ibang gusto kundi sya lang at yung mabuhay kami ng mag kasama yun lang, kahit yun lang.
:
Maya maya ay hindi ko na namalayan na unti unti na pala akong natutulog habang kayakap ko sya hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing.
:
:
*Kinabukasan
:
:
Nauna akong magising sa kanya. Habang sya ay tulog pa, ako naman ay bumaba na para mag handa ng almusal namin sa kusina. Nag luto ako ng fried rice at sinabayan ko ito ng itlog with spring onions. Nag luto rin ako ng steak and bacon at saka kumuha ako ng friuts at fresh milk sa ref para sa kanya.
Pakatapos ay inihanda ko nayun sa table at tumaas rin ako agad para gisingin sya.
:
"Hey, gising na. Breakfast is ready"
:
Gising ko sa kanya ng makarating na ako sa kwarto at yumakap ako sa likuran nya
:
Jema: Inaantok pa ako
:
Tinakpan nya ulit ng kumot ang mukha nya pero inalis ko ulit yun para gisingin sya ulit
:
"Ihahatid pa kita sa inyo baka kasi hinahanap ka na ng daddy mo eh. Kaya dali na bangon na Love"
:
Jema: Maiintidihan din naman nila yun. Maya na please
:
At dahil hindi ko sya magawang kumbinsihin na bumangon na ay pinaharap ko sya sa akin. Pag kaharap nya ay hinalikan ko sya sa labi ng hinalikan hanggang sa mairita nya
:
"Di ka babangon ah" (hinalikan ko sya ng paulit ulit)
:
Jema: ah ano ba, tumigil ka nga
:
patuloy nyang iniiwas yung mukha nya saakin pero patuloy ko rin naman itong hinahabol
:
"di kita titigilan hanggat di ka bumabangon"
:
Patuloy ko parin syang hinahalikan hanggang sa mairita na sya ng sobra at bigla nalang bumangon sa kama
:
Jema: ang dami ko ng laway
:
Pinupunasan nya yung mukha nya at bibig nya habang naka upo na sa kama at ako naman ay tuwang tuwa sa ginawa ko
:
"halika na sa baba, kakain na tayo"
:
Hinila ko sya sa kama ko at lumabas na kami sa kwarto. Wala talaga si dad dito sa bahay kasi naka sara parin yung pinto nya maaga kasing gumigising yun.
Pag baba namin sa ay agad na kaming dumiretso sa kusina. Nag mumug muna sya at nag hilamos ng mukha saka na sya umupo sa may lamesa.
Nilagyan ko na ng pag kain yung plato nya at hiniwa ko na rin yung apple na inihanda ko para sa kanya.
Sabay na kaming kumain at pakatapos, habang kumakain kami ay medyo malumanay na sya sa pag subo ng pag kain at medyo kakaunti nalang ang kinakain nya. Sinabi ko sa kanya na ubusin nya yung nilagay ko sa plato nya at pakatapos nun ay kainin yung Apple na hiniwa ko. Tumango nalang sya sakin at mag patuloy sa pag kain. Habang ako naman ay nag mamadali na para maihatid na sya pauwi.
:
:
to be continue...