Chapter 10

2.3K 63 0
                                    

sa guest room si Bea natulog, dun naman talaga sga natutulog sa kwarto na yun sa tuwing pumupunta sya kina Deanna eh. Parang hindi na nga yun Guest Room parang kwarto na nya yun kina Deanna.
Bukas ay pupunta si Bea ng Airport may kailangan syang sunduin galing Hawaii kaya hindi sya mag tatagal bukas kina Deanna.
:
:
Habang mahimbing na matutulog si Bea, si Deanna naman ay hindi makatulog dahil sa sinabe ni Jema
:
"Hindi naman tayo mag kaibigan kaya wala kang dapat ihingi ng pasensya" paulit ulit na pumapasok sa isip nya ang mga sinabe ni Jema sa kanya kanina dun sa coffee shop
:
:
Deanna: hindi kami masyadong mag kakilala pa pero hindi naman dapat sabihin nya hindi kami mag kaibigan kasi nag uusap na kami. Hayss bat kasi iba yung meaning para sakin ng salitang kaibigan?
:
saad ni Deanna sarili nya habang nakahiga sya sa kama at naka tingin sa kisame ng kwarto nya
:
Gaya ng kinakaugalian nya na kapag hindi sya nakakatulog ay pinapatutog nya ang Kanta ng Iris, pag pinapakinggan nya kasi yun ay para syang bata na nakakatulog dahil sa hili ng ina.
Pinakinggan nya ang kanta at gaya nga ng dati ay nakatulog sya at hindi na muling inisip ang mga sinabe sa kanya ni Jema.
:
:
*kinabukasan
:
:
Hindi na ginising ni Bea si Deanna dahil 6am sya umalis, darating na kasi yung kaibigan nya na galing sa hawaii at mag babakasyon dito sa Korea.pag gising ni Deanna ay agad sinabe ni Manang Shanggay na umalis na si Bea, tumango nalang si Deanna at kumain ng almusal nya. Wala silang pasok ngayong araw dahil holiday kaya baka pumunta sya ngayon sa bahay ng mommy nya para bumisita
:
:
Deanna: ah manang si dad po umuwi ba sya kagabi?
:
Manang: hays anak ewan ko ba dyan sa daddy mo! Araw araw nalang wala at hanggang ngayon ay wala parin
:
Deanna: ah talaga po?
:
Deanna: ah manang bukod po sa pagiging author ni dad may alam pa pi ba kayong pinag kakaabalahan nya?
:
Manang: wala naman pero minsan pag napapadaan ako sa kwarto nya lagi syang may kausap sa phone. Na parang laging tungkol sa negosyo ang pinag uusapan nila
:
Deanna: negosyo? Wala namang plano si dad sa buhay nya na tumayo ng negosyo ah.
:
Manang: baka bumalik ulit sya sa pag susugal?
:
Deanna: hindi naman ata alam kong natuto na si dad sa pag kakamali nya dati
:
Manang :sana nga oh sya maiwan na kita .mag lilinis pa ako.
:
Tumango nalang si Deanna kay manang at pinag patuloy ang pag kain nya.
Pakatapos nyang kumain ay agad na syang naligo at nag bihis para bisitahin yung bahay ng mommy nya. Nag promise kasi sya sa kapatid nya na bibisisita sya dun.
:
Pag katapos nyang mag bihis ay nag drive na sya gamit ang kotse na binigay sa kanya ng mommy nya nung 18 years old palang sya.
Bagong bago pa kung titingnan ang kotse na yun dahil maingat sya kung gumamit at hindi nya yun hinahayaan na magasgasan
Mabilis syang nakarating sa bahay ng mommy nya dahil sa bilis nyang mag patakbo ng kotse.
Pag dating sya dun ay agad syang sinalubong ng kapatid nya at ng mommy nya
:
Monica: oh anak buti naisipan mong bumisita
:
salubong mg mommy nya sa kanya pag kababa nya ng kotse
:
Deanna: nag promise po kasi ako dito sa cute kong kapatid
:
agad nyang kinarga si Gywn at hinalikan ito sa pisnge. Pumasok na sila sa loob ng bahay at karga karga nya ito.
pag kakita sa kanya ng asawa ng mommy nya ay ngumiti ito sa kanya pero medyo naiilang pa sya kaya hindi nya to pinansin.
Tanggap naman nya na hindi na mag babalikan yung mom and dad nya pero naiilang parin sya sa bagong asawa ng mommy nya, napakatahimik kasi nun at hindi masyadong nag sasalita.Minsan nga nag tataka siya kung pano nag kakaintindihan ang mommy nya at yung bagong asawa nito.
:
Dun sya sa bahay nya mag hapon dahil wala naman syang ibang gagawin kaysa sa manatili dun sa boring nyang bahay kaya dun nalang muna sya
:
:
Bea's place*
:
Pagdating ni Bea sa aiport sya nakita nya agad yung kaibigan nyang susunduin nya.
nag sisitalon sya sa tuwa kahit nasa kotse pa sya dahil sa excitement na mayakap ito.
pag park nya ng kotse ay agad syang bumaba at tumakbo sa direksyon kung saan nakatayo ang kaibigan nya.
:
:
Bea: Jhoannaaaaa
:
Sigaw nya habang papalapit sya dun at nakabuka ang kamay nya para yumakap
:
Jho: Beatrizzzz
:
Agad silang nag yakapan ng mihigpit ng maabot na nila ang isat isa. Tuwang tuwa sila pareho dahil after 3 years at nag kita na ulit sila.
:
Bea: aloha HAHAHAHA ang ganda mo na (bumitaw sa yakap)
:
Jho: sus mas maganda ka wag kang papatalo ( tumawa) indi ayos naman ako. Yieee na miss ko to (pinanggigilan ang pisnge ni Bea)
:
Bea: ah shakettt!
:
Jho: ay sorry( niyakap) oh halika na! Nagugutom na ako
:
Bea: ako rin eh( tumawa)
:
Inilagay muna ni Bea ang mga dalang gamit ni Jho sa likod ng kotse saka sya sumakay at nag drive.
Habang nasa byahe sila ay paramg manghang mangha si Jho sa mga nakikita nya sa daan na agad namang nag patawa kay Bea
:
Bea:hoyyy jhoana!!Para kang taong gubat dahil dyan sa ginahawa mo
:
Jho: bakit ba! Eh ang daming nag bago dito sa Manila simula ng umalis ako
:
Bea: hays oo nga eh ang dami talaga. Pero san ka matutulog ngayon? Gusto mo sa bahay nalang?
:
Jho: ah hindi sa tito ko nalang. Ituturo ko sayo yung bahay nila
:
Bea: ah may family ka dito? Dimo na kwento yun ah
:
Jho: ah oo may ari yun ng hospital dito sa Manila
:
Bea: ( hindi naniniwala) wehh totoo? Wala namang akong alam na may ari ng hospital na ka relatives mo
:
Jho: shung ka? Symepre diko pa na kwewento sayo eh
:
Bea: ( napangiti dahil sa kashungahan) ay oo pala sige
:
Jho: ah bea free ka mamaya?
:
Bea: oo bakit?
:
Napangiti si jho sa sagot ni bea dahil sa wakas ay may kasama sya sa pupuntahan nya mamaya
:
Jho: bar tayo lods
:
Bea: yes gusto ko yan!!
:
Jho: oo tapos sama ko yung pinsan ko.mah sama ka rin ng isa pa para apat tayo ah
:
:
agad na naisip ni Bea si Deanna, alam nyang papayag yun pag niyaya nya lalo pat ayaw nun na manatili sa bahay nila
:
Bea: ah sige meron akong idadala
:
Jho: good, papakasaya tayo mamaya HAHAHA
:
Napailing nalang si Bea dahil sa sinabe ni Jho at nag patuloy sya sa pag dadrive hanggang sa makarating sila sa sinabing bahay ng tito ni jho
:
Bea: ito na ba bahay ng tito mo? Ang laki ah( sumilip sa bintana)
:
Jho: mayaman eh. Oh ano papasok ka?
:
Nag dalawang isip si Bea kung papasok sya o hindi pero naisip nya na hindi pa naman niya kilala kung sino yung relatives ni Jho kaya tumanggi sya sa anyaya nito. Nakakahiya kasi para sa kanya
:
:
Jho: oh sige na mamaya nalang ah! Ingat ka pauwi baka kung anong mangyaro sayo,sayang ng magandang lahi kung hindi maipapamana
:
Bea: HAHAHAHAHA baliw. Tatanda akong virgin tandaan mo yan.
:
Agad na pinaharorot ni Bea ang kotse nya papaalis. Agad namang pumasok si Jho sa bahay ng sasabing tito nya at sinalubong sya ng mga to.
:
Habang nasa byahe si Bea ay agad nyang naisipan na tawagan si Deanna para sabihin ang lakaa nila mamaya
:
:
*Thru call
:
Bea: hello Deanna
Deanna: oh napatawag ka? Nakauwi na kayo?
Bea: oo naihatid ko na.mamaya pala may pupuntahan tayo
Deanna: hah saan?
Bea: barrrrrrrrrr your favorite place Deanna
Deanna: sige sige sama ako
Bea: sige sa inyo ako uuwi ngayon,pahiram nalang ng damit mamaya ah.
Deanna:oo na
Bea: sige bye
:
:
agad na ibinaba ni Bea ang phone at dumiretso sa bahay nila Deanna.
Pag dating ng 4:30 pm ay nag paalam na si Deanna sa mom nya na uuwi ma sya, may kailangan pa raw kasi syang puntahan.
Agad naman na pumayag ang mom nya at inihatid sya papalabas ng gate.
Nag paalam na sya sa kapatid nya at pati narin sa asawa ng mom nya.
Pakatapos nun ay agad na syang umalis at dumiretso na sa bahay nila.
Inabutan nyang nakabihis na si Bea. Excited ang kupal HAHAHA. Nakaayos narin ito ng buhok nya at naka liptint na,sobrang hot ni Bea tignan sa sout nyang damit. Naka highwaist ito with a backless top shirt.
:
:
Deanna: masyado kanaman atang excited. Tsaka bat Ganyan yung suot mo masyadong sexy tingnan
:
Bea: bar yun eh. Alangan mag uniform ako?
:
Deanna: sana ol sayo miss De Leon! Sige tataas na ako para mag bihis. Sexy pala yung trip mo ah sige
:
agad na umakyat si Deanna ng hagdan para mag bihis narin.
Nag half bath muna sya para mabango naman sakaling may lumapit sa kanila.
pakatapos nyang mag half bath ay agad syang pumili sa closet nya ng susuotin.
Kinuha nya ang White corsage cropped crochet- trimmed linen top and high rise skate jeans.
Sinuot nya ito at kinuhanan nya ng picture ang sarili nya
:
:
Deanna: ganda ko talaga hays kanino kaya to mapupunta na kagandahan ko
:
Pag mamayabang nya sa sarili nya.
Pakatapos nyang mag bihis ay agad na syang bumaba. Nakita na nya ang pikong na mukha ni Bea na naka upo sa sofa
:
:
Deanna: oh bat ganyan ang iyong pakening Face?
:
Bea: kanina pa ako nag hihintay 6 pm na!
:
Deanna: aws sorry naman di naman yan tatakbo na bar eh
:
Bea: yung bar hindi pero yung kasama natin andun na kanina pa!
:
Deanna: may kasama tayo?
:
Bea: basta halika na nakakahiya dun.
:
Agad na silang nag drive para puntahan ang bar na pupumtahan nila. Kanina pa daw andun sina Jho kaya mabilis na nag drive si Bea. 25 minutes ang naka lipas at naka punta na sila sa nasabing bar.agad silang bumaba ng kotse at tinawagan ni Bea si Jho kung san sila banda at sinane nito na andun lang sila sa table malapit sa bar tender.
Habang papasok sina Deanna sa bar at papunta kung nasaan sina Jho at pinag titinginan sila ng mga lalaki na umiinom.iniirapan lang sila ni Bea habang si Deanna ay tawang tawa naa arte ni miss De Leon.
Nang tumingin si Bea sa bar tender ay nakita nya si Jho may kasama itong babae na naka talikod at nakasuot ng Logo cropt at faded wash drawstring waist jeans
:
Bea: oh ayun sila
:
agad na hinila ni Bea si Deanna papunta kina Jho. Pag dating nila dun ay agad na niyakap ni Jho si Bea.hindi naman nakikita ni Deanna kung sino pa yung isang kasama dahil natatabunan ito ni Bea
:
Bea: ah si Deanna pala kaibigan ko
:
Jho: hello I'm Jho nice to meet you
:
Deanna: (napatawa)Deanna( mahina lang ang boses)
:
Jho: ah may kasama rin ako. Pinsan ko,hoy pakilala ka( kinilabit ang pinsan nya)
:
"Hi im Jema nice to meet u" sabay inom ulit ng alak
:
:
Deanna: Jema?
:
agad na tumigim si Jema kay Deanna habang iniinom nya ang alak na hawak nya
:
Jema: oh hi, mag kakaibigan pala kayo
:
Deanna: anong ginagawa mo dito?
:
Jema: umiinom! Dont u see?
:
Hindi na nag salita si Deanna at umupo nalang sya sa tabi ni Bea
(Deanna, Bea, Jho, Jema) ganto pwesto nila
:
:
nag order na ng alak si Bea para sa kanila ni Deanna , pakabigay sa kanila ay agad itong ininom ni Deanna at umorder ulit.
lasing na si jema at medyo may tama narin si jho dahil kanina pa sila andon. Habang si Bea naman ay paunti unti lang ang pag inom
:
:
To be continue.....
Last chapter for today hahahha thanks to y'all for reading!!✨💗

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now