Jema's POV
:
Pakatapos ng Graduation ni Deanna ay agad na rin akong umuwi. Hindi na ako pumunta pa sa bahay nila para mag celebrate kasi sumama na naman ang pakiramdam ko, gusto ko pa naman sanang i celebrate yung special day nya.
:
*Kinaumagahan
:
Nasa kwarto ako ngayon at naka higa lang at andito rin yung nurse sa kwarto ko para mag painom saakin ng gamot. Sa totoo lang kaya ko naman na alagaan ang sarili ko kaso minsan talaga sobrang sakit kaya pumayag nalang ako na magkaroon ako ng private nurse para mag bantay saakin.
:
"Ms. Galanza time na po para uminom kayo ng gamot"
:
sabi nya saakin kaya agad akong umupo sa higaan para inumin yung gamot na ibinigay nya saakin.
Pakatapos kong inumin yung gamot ko ay inayos nya yung mga gamit nya. Tinititigan ko lang sya ng di ko alam ang dahilan kong bakit pero sobrang saya ko sa loob habang nakatingin ako sa nurse na to.
:
Jema: Mahirap ba yung trabaho mo?
:
tanong ko sa kanya kaya agad syang lumingon saakin at ngumiti
:
Nurse: Hindi naman lalo na at ikaw yung inaalagaan ko. Sobrang dali mo lang i-handle kasi dika tulad ng ibang pasyente na masungit at matigas ang ulo
:
Napangiti ako sa sinabi nya.
:
Jema: uhmm sa tingin mo gagaling pa ako?
:
Nurse: Oo naman bakit hindi? (smiled at me)
:
Jema: Pero alam mo na uncurable na tong sakit ko. Doctor ko na mismo yung nag sabi na its hard for me to survive na.
:
Nurse: (lumapit sya saakin at umupo sa tabi ko) Gagaling kapa. Ang mga tulad mo di pa pwedeng pumunta sa langit kasi marami kapang magagawa. Dont loose your hope, andito lang naman kami hanggang sa gumaling ka di ka namin iiwan.
:
Kahit na ngayong pa lang kami nag kakasama ng nurse na to pero naniniwala na rin sya na gagaling ako at hindi ako iiwan. Ang gaan ng loob ko sa kanya, diko akalain na ang taong ngayon ko lang nakasama ay naniniwala ng gagaling ako.
:
Jema: what if umuwi ka muna ngayon sa inyo? Maki pag bonding ka muna sa family mo. Ilang araw ka na kasing hindi umuuwi sa kanila eh.
:
Hindi ko alam kung bat ko yun nasabi sa kanya. Alam ko na naman na kailangan ko sya araw araw kasi pwedeng mag karoon na naman ako ng komplikasyon at mag aalalay saakin pero parang gusto ko syang bigyan ng break.
:
Nurse: Hindi na miss Galanza. Kailangan nyo po ako at responsibilidad ko po bilang Nurse nyo na bantayan kayo kaya okay lang kahit ilang araw akong hindi makauwi naiintindihan din naman nila ang sitwasyon.
:
Jema: Ikaw bahala basta pag pagod kana pwede ka namang humingi ng break ako na mag sasabi kay dad
:
Nurse: (laugh) Okay lang salamat nalang. Oh sya punta mo na ako sa baba maiwan na muna kita dito, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka.
:
I nod at her at saka na sya tumayo at lumabas ng kwarto ko. I dont know why but I feel so strange this day kaya naisipan ko rin bumaba kahit na medyo hinang hina ang mga tuhod ko. Gusto kong makita si Dad at Mom, pati narin si Mafe. Gusto ko silang makausap at makasabay ko sila sa pag kain, medyo matagal na rin kasi nang huli kaming kumain mag kakasama.
Tumayo ako ng dahan dahan at lumabas ako ng kwarto ko. Pag labas ko ng kwarto ay narinig ko ang ingay nina mom at dad na kinukulit si Mafe. Walang pasok ngayon si Dad kaya sakto at makakausap ko sila ng matagal mamaya kasi susunduin ako ni Deanna dahil may pupuntahan na naman kami. Ang alam ko ay nag paalam na sya kay dad bago pa nya ito sabihin saakin kagabi.
:
Pag baba ko ng hagdan ay agad na dumungaw si dad saakin na nakaupo sa sala.
:
Jack: Jema! san ka pupunta? Dapat sa kwarto ka lang.
:
Tumayo sya at agad na lumapit saakin para alalayan akong bumaba. Tumingin narin saakin si Mom at Mafe at nung nasa baba na ako ay agad na tumakbo si Mafe papunta saakin at agad akong niyakap.
:
Mafe: Ate!!!
:
Niyakap nya ako ng mahigpit na parang ilang araw nya akong di nakikita. Di na kami nakaka pag bonding nito kaya siguro ay na miss na nya yun na gawin namin.
:
J.mom: Oh anak bat ka pa bumaba? dapat sa kwarto kalang nag papahinga.
:
Salubong na tanong saakin ni mom ng makalapit narin ito saakin.
:
Jema: nakakabagot rin kasi dun Ma, lalo na mag isa lang ako dun.
:
J.mom: Gusto mo ba napasamahan kita dun sa taas sa nurse mo?
:
Jema: No its okay gusto ko talaga na pumunta dito sa inyo. Na miss ko rin kasi na makipag kwentuhan sa inyo eh.
:
J.mom: Kami nalang sana yung pinapunta mo dun.
:
Mafe: Oo mga ate para di ka na mapagod.
:
sabat naman ni Mafe. Kinusot ko nalang ang buhok nya habang maka yakap sa 'kin.
:
Jema: Okay lang po kaya ko naman
:
Jack: Hayst sige
:
Inalalayan nalang ako ni Dad na umupo sa sofa at saka na nila pinag papatuloy ang laro nila ni mafe. Hinahabol ni dad si mafe kaya si mafe naman ay panay takbo sa loob ng bahay. Ang saya nila tignan, dati ako yung nilalaro ni dad ng ganyan kaya panay takbo ko rin sa bahay basta makatago lang kay dad na hinahabol ako.
Habang tinitignan ko sila ay nakatingin rin si mom sa kanila na katabi ko lang sa sofa.
:
J.mom: Dati anak ikaw yung pinag lalaruan ng mo. Kaya takbo ka rin ng takbo minsan pa nga ay tumatago ka pa sa likod ko.
:
Jema: Oo nga po, naalala ko rin yun.
:
J.mom: Sobrang sigla mo dati. Namiss ko nga kung pano ka umuwi sa bahay galing school tapos tatakbo ka saakin para yakapin ako kahit na pawis na pawis ka.
:
Jema: (laugh) Sutil pa ako dati eh
:
J.mom: Makulit ka talaga. Pero nawala lahat ng yun nung ma diagnos ka sa sakit na leukemia. Ninakaw ng sakit na yan ang lahat sayo anak. Pangarap mo, plano mo sa buhay, kasiyahan mo, at mga gusto mong gawin. Lahat ng yun nawala ng dahil sa sakit na yan.
:
Jema: Okay lang po. Simula po ng malaman ko na may salit ako na ganito, inasahan ko na po na mawawala ng lahat saakin kahit na mismong buhay ko pa. Parang ayaw ata saakin ng mundo eh. Alam mo po yun? Ganon kasi nararamdaman ko.
:
J.mom: This world is so unfair kasi sa dinami dami ng tao na pwedeng mabigyan ng sakit na yan ay ikaw pa yung napili. Ang daming masasamang tao dyan pero ikaw pa talaga ang nabigyan ng ganyan.
:
Nakatingin pa rin kami ni Mom kay Mafe at Dad na nag lalaro parin hanggang ngayon.
:
Jema: Sorry pala mom.
:
J.mom: Para san? (tumitig kay Jema)
:
Jema: sa hirap na dinala ko sa inyo. Simula kasi ng ma diagnos ako, ang daming bagay ang sinugal nyo. Yung oras, puyat, na kahit ay ipagpapahinga nyo nalang ay mag babantay pa kayo sakin dun sa Hospital. Di kayo tumigil hanggat di ako gumagaling kahit na hanggang ngayon. Sobrang thankful ko po na kayo ni dad ang naging magulang ko. Lagi kayong andyan para saakin.
:
J.mom: anak ka namin kaya dapat ay wag ka naming pababayaan. Mahal na mahal ka namin ng dad mo Jema, lagi mong tandaan yan.
:
Di na ako sumagot kay Mom at niyakap ko nalang sya. Pag yakap namin sa isat-isa ay biglang yumakap rin saamin sina Dad at mafe.
:
Dad/Mafe: Group huggggg
:
Im so happy kasi nangyari na naman ulit ang gantong bagay sa buhay ko. Yung naging open ako kay mom at nakikita kong masaya sila.
Pakatapos namin mag yakapan ay may biglang tumawag kay Dad. Tumawag sa kanya yung isang doctor sa hospital at pinapapunya sya dun kasi may nag hahanap sa kanya kaya agad na nag bihis si Dad at umalis ng bahay. Hindi na nga sya naka pag goodbye kiss kay mom eh pero nauunawaan naman yun ni Mom. Naiwan lang kami nina mom sa sala habang ang nurse ko naman ay nag pasama sa driver namin dahil may importanteng pupuntahan daw. Tinanong kami ni Mom kung ano ba ang gusto namin kainin ni Mafe at mag luluto sya kaya agad na sumagot si Mafe. Gusto nya daw ng pasta kaya sabi ko ay yun nalang din saakin. Pumunta na si Mom si Kusina para ipag luto yun kaya kami ang naiwan ni Mafe dun sa Sala.
:
Mafe: Ate, bat po pala di kayo pumunta sa bahay nina ate Deanna kagabi?
:
Tanong nya saakin habang binubuo nya yung bago nyang puzzle sa lapag.
:
Jema: kasi kailangan na mag pahinga ni ate eh
:
Mafe: Lagi na nga po kayong nasa kwarto tapos kailangan nyo parin ng pahinga?
:
Jema: (laugh) Oo nga pero may sakit kasi si ate kaya bawal sa akin yung mapagod
:
Mafe: malala po ba yung sakit nyo?
:
Nakakunot noo nyang tanong sa 'kin. She still innocent pero kailangan nyang malaman yung tungkol saakin para pag nakita nyang nahihirapan ako ay maiintindihan nya. She need to be aware of how cruel life gets.
:
Jema: Parang ganon na nga. Malala nga yung sakit na ate kaya tignan mo yung katawan ko oh, payat na.
:
Mafe: di ka pa naman po mamamatay diba?
:
Jema: (should i answer her?)
:
Alam ko naman sa sarili ko na wala na talagang pag-asa. Alam ko na I can't live longer. Kung tutuusin hinihintay ko nalang na dumating yung araw na tuluyan na talaga akong makapag papahinga kasi ramdam na ramdam ko na sa sarili ko na maikli nalang yung natitira para saakin.
:
Jema: What if... Yes? ano mararamdaman mo?
:
Mafe: (sumimangot) iiwan mo po kami nina Mom at Dad?
:
I wanna cry. Di pa ako totally ready sa totoo lang. Gusto ko pang makitang lumaki yung kapatid ko.Gusto ko pa syang makitang mag dalaga. Gusto ko pa maranasan na may ipapakilala syang lalaki saamin. Gusto ko pa syang makita na mag karoon ng sariling pamilya. Gusto ko pang alagaan sina mom at dad kapag matanda na sila. Pero hindi ko na magagawa yun. Iiwan ko sila.
:
Jema: Maybe for now?
:
Mafe: so babalik po kayo?
:
Bigla syang napangiti. Sobrang labo pa ng mga bagay bagay sa kanya kaya ganyan nalang sya sumagot saakin. She so young para masaksihan nya yung ate nya na unti unting nawawalan ng buhay. I feel so sad for my younger sister.
:
Jema: In another life Mafe.Walang ng sakit si ate sa time na yan tapos mag kakasama na tayo ng matagal.
:
Mafe: Eh ngayon po?
:
Jema: (pinaupo si Mafe sa tabi nya) Ngayon kasi Mafe, hindi tayo mag sasama ng matagal. Kukunin na kasi si ate ng mundo eh.
:
Mafe: Ayoko ko po na kunin ka.
:
Jema: Ayaw mo ba nun? Matatapos na yung pag hihirap ni ate. Matutulog na ako ng napakahimbing.
:
Mafe:Pero pano po si Mommy at Daddy? iiwan mo sila? Malulungkot sila sure po ako.
:
Jema: Andyan ka naman eh. Papasayahin mo naman sila diba? Ikaw na yung yung mag babantay sa kanila pag malaki kana tapos ikaw na yung mag mamana ng Hospital ni Dad. Tsaka dapat Goodgirl ka, wag ka dapat mag pasaway sa kanila para di na ulit sila malungkot.
:
Mafe: what if iwan ko rin sila? They will cry again
:
Jema: then dont be like ate. Never leave mom and dad okay? Never make them cry again.
:
Mafe: Ee.. But its better na wag ka nalang umalis. Dont leave please!!!
:
Niyakap nya ako sa beywang ko habang naka taas ang ulo nya para tignan ako. Pano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Pano ko ba sasabihin na ganto ka gulo ang buhay? I dont want to hurt her pero kailangan rin nya na malaman ang lahat para maging prepared of what could happen.
:
Jema: Someday I'll leave. Everybody does.
:
Kinusot ko nalang yung buhok nya. Maya maya pa ay dumating na si Mom dala dala ang dalawang plato na may lamang pasta. Binigay nya ito saamin kaya agad narin kaming kumain. Kaunti lang din yung kinain ko at nag paalam na ako sa kanila na babalik na ako sa kwarto. Mamayang 6:00 pm ay susunduin ako ni Deanna kaya buang araw ko nalang syang aantayin sa kwarto.
:
:
To be continue...